The Grudge
July 14, 2003, medyo nakakapagod ang araw na ito kasi di lang basketball eb ang inatenan ko pati na din GEB ng #sex@eb na sana nga e mga taga #sex@eb ang andun ngunit karamihan e panay mga taga #casadekantutan. Disappointed ako kasi di dumating ang mga Ops na inaasahan ko, tsk… angas pa naman ng ayos ko noon. Plunging neckline ulet na black blouse at naka tirintas ng maliliit ang hair ko. Niloloko nga ako sa basketball eb na Iverson eh. On the way home good mood talaga ako dahil ok na din ang araw ko na yon kanya lang sama ng tingin sa akin ng mga nakasakay ko, kaya naisip ko na sa susunod kong sasakyan na jeep e sa harap na ako uupo.
So pagbaba ko sa Tayuman may sasakyan akong isa pang jeep, sinipat ko mula sa likod ang harapan at mukhang bakante pa ng isa kaya dumiretso na ako. Pasakay na sana ako pero may bumungad na isang dating kakilala. Skulmate ko noong elementary ngunit mas matanda lang sya ng isang taon. Nasambit ko “Parang kilala kita ah!” and he said back “Parang kilala din kita!” So inayos ko ang sarili ko para makaupo ng mabuti sa tabi nya, kinikilig kilig pa ako ng konti kasi crush ko sya noong elementary days ko. Buti na lang e pinaligo ko ang cologne at me natitira pang samyo na nakasabit pa sa aking katawan. Simpleng kamustahan at syempre ask nya kung san ako galing dahil gulat sya sa itusra ko. Nasabi ko lang na gimik with my chat friends. Then he said chatter din pala sya sa IRC kaya I invited him na lang sa mga channels na OP ako. Medyo nahihiya nga lang ako dahil me pagkabastos ang mga pangalan ng channel na nasabi ko sa kanya kaya naman yung pinakamild lang ang aking naisuggest… #manyakan… aheheh, kasi ng mga panahon nayun diretso na may SEX ang pangalan ng mga channels na kabilang ako. Baka kasi na magkaron sya ng idea na malibog ako e dyahe naman yun!! Then bumaba na sya 1 street bago sa babaan ko and bade goodbye. Napabuntung hininga na lang ako kasi di pa rin sya nagbabago, matangkad, cute, at matipuno pa din ang katawan.
Tamang reminisce tuloy ako noong kabataan ko. Member ako noong elementary sa isang art club, from grade 4 to grade 6, masuwerte lang ako kasi grade 4 palang pinasabak na ako sa art seminar kaya mas angat ako ng konti sa ibang ka batch ko, dun ako unang nakahawak ng mamahaling water color na libre lang. When I was in grade 5 panghapon ako and that guy was in grade 6 na pangumaga kaya never pa kaming nagtatagpo. Nakakatuwa nga din ang panahon nayun eh kasi nga panghapon ako kaya dun ako nagsimulang maadict sa cartoon ng dahil ke CEDIE na pinapalabas tuwing umaga.
Nagkaroon ng isang drawing contest, its about the herbal garden sa building ng mga grade 1. Kinakabahan ako kasi noong grade 1 ako at bagong transfer, napagtripan kong umakyat sa isang puno at may mga nanay na nagbawal sa akin dahil ang dami daw nuno sa punso at duwende sa lugar na yun. Kaya whenever na napapadaan ako sa garden na yun, it always give me the creeps… tapos bigla silang magpapa drawing contest duon!!! Syempre member ako ng art club di pwedeng di ako sasali sa art contest na yun. And that is the first time na nakasabay ko ang mga batch ng grade 6 na panay lalaki. He easily caught my attention that time kasi talagang turn on ko sa guy e matangkad. But syempre inosente ako ng mga panahon na yun, sinasarili ko lang ang nararamdaman ko kasi sa drawing ako nakaconcentrate. Kabado man dahil sa mga sabisabing nuno pinili ko ang sa tingin ko na magandang halaman na pwedeng idrawing. I don’t know if It was called maya maya or what basta ang itsura ng dahon e violet at may green ang gilid. Well yun ang napagtripan kong idrawing kasi kakaiba ang kulay at baka maubos ang green kong krayola. I chose krayola as my medium dahil sa oslo paper lang naman idradrawing eh, simple lang ang gawa ko dinaan ko na lang sa shading and isa ako sa mga naunang natapos. Then after a few weeks napost na ang drawings namin and my gosh!!! I got the first place!!! I compared my drawing sa iba, nagtaka ako dahil yung buong garden ang drawing nila while ako e isang halaman lang. Binulungan ako ng mentor ko na ang talagang theme ay ang buong herbal garden not just a single plant. Nagkataon lang ata na nagandahan ang mga judges sa gawa ko kaya naman ako ang pinapanalo. It was my first time na manalo as first, I was so happy at that time kasi knowing na ang mga kalaban ko ay mga grade 6 at panay guys pa… duon nagsimula ang swerte ko sa mga drawing contest sa school namin, most of my awards are first places kaya napansin din ako ng mga grade 6 guys. May isang drawing contest din na ang theme ay about sa dental care, nasa isang sulok ako ginagawa ang poster ko, nagtataka ako dahil may ilan sa mga contestants na sumisilip sa aking gawa. After kong matapos napataas ang kilay ko kasi ginaya nila ang idea ko, even ang mismo kong drawing e ginaya! Well syempre mas maganda sa akin dahil mas maangas ako magkulay ng cray pas sa kanila.(yabang talaga!!!) kita naman ng mga judges kung kanino ang orig at kung kanino talaga ang nagcoconvey ng message among our works. Niloloko nga ako ng mga grade 6 guys (including him) saying na “Wag ka ng sumali pagbigyan mo naman kami”; “Naku ikaw na naman ang first nyan”; “Wag mo masyadong galingan ha!’ napapatawa nalang ako sa mga sinasabi nila dahil parang suko na sila agad sa akin. Sinasagot ko sila sa utak ko na “Ahehehe kalalake nyong tao at grade 6 pa! Talo ko kayo! Kahit babae ako at grade 5 lang kayang kaya ko kayo!!! Bwahahaha!!! Bata pa naman ako noon at iba ang way ng pag iisip ko kaya ganyan…. And the result, ako ang first po ulit. Pero medyo natatawa ang dentista sa gawa ko kasi yung dental table e mukha daw kabaong na kulay violet pa… ahahahah!!! And they posted our work sa clinic. I think matagal din na panahon na napost ang drawing namin sa clinic na yun. Kahit college na ako at nabibisita sa art club room na katapat lang ng clinic, napapangiti ako sa mga gawa ko dati noong elementary ako na still na nakapost pa din…
Comments