Teacher Natasha Part 9

Nagring ang kaniyang telepono pero parang wala siyang naririnig. Mistula siyang isang taong walang malay sa kapaligiran. Hindi maari ito! Napahiga siya sa kama at nang muling tumunog ang telepono ay pinulot niya ito at wala pa rin sa sarili na sinagot ito. ‘ Hello si natasha ito” parang robot lamang na sumasagot si tasha. ” Hi tasha ang isusuot mo sa Sabado, ako na ang bahala magbibihis na lamang ang gagawin mo pagpatak ng Sabado.” parang nakakaloko ang tono ng nagsasalita sa kabilang linya. ” lintik ka kung sino ka man mamatay ka na sana!!” napasigaw si natasha nang mawari na ang blackmailer ang nasa kabilang linya. ” |Well I’ll leave you to your contemplation but I’ll be right around you. I can move as i please and you don’t even know who I am.”

Napahagulgol na lamang si Natasha sa narinig at padapang nag-iiyak sa kama niya. Mag-aalasdoe na nng gabi nang matigil siya sa kaiiyak at nakatulog na rin. Kailangan pa niyang pumasok sa pagtuturo sa susunod na araw, biyernes pero mabilis na sasapit ang araw ng Sabado. ang araw na sa sapantaha niya sana ay di na sumapit.

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top