Sex Life ni Cristy

Sex Life ni Cristy.

Lahat tayo may pangarap, pero hindi lahat ng pangarap natutupad. Lalo na kung mataas ang pangarap na gusto mong abutin. Tulad ko na matayog kung mangarap;

Lahat tayo may pag-ibig, pero hindi lahat wagas kung magmahal. May panandalian, may pangmatagalan at meron din namang nananatili habang buhay. Yung tipong tunay at totoo.

Paano kung maipit ka sa dalawang pinakamahalagang bagay sa buhay mo? Alin ang pipiliin mo?
Ang ‘Pangarap’ mo na matagal mo ng inaasam, o ang ‘Pag-ibig’ mo na matagal mo ng iniingatan?

Parehong ‘once in a life time’.
Parehong mahirap palampasin.
Parehong hahamakin ang lahat.
Sometimes, we have to choose what is best for us and we have to give up the rest.

Pangarap o Pag-ibig?

(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)

Call me Cristy.
It’s still fresh in my mind the hardest part of my life that haunts me every single night.

He was my first love.
He was the sweetest and the most romantic guy ever came unto my life.
I indeed love him so much, but as always,
Love is just ain’t enough.

And so now I have to let him go.
He is gone, but still he lives inside me.
And so now, I guess, i have to let go of him.
He lives inside me, but still he is gone.

Isang simpleng boy-meets-girl ang aming unang pagkikita. Nakaupo ako no’n sa tapat ng simbahan kasama ang pinsan kong si Rose.

Hinihintay naming ilabas yung Patron para iprusisyon. Lumapit siya sa amin, isang simpleng lalaki, hindi gwapo hindi rin pangit, pero maayos manamit at malinis sa katawan.

“Miss, pwede bang makipagkilala?”
yun yung unang banat niya sa’kin.

Nagkatinginan kami ng pinsan ko. Hindi ko gusto yung ganung approach kaya sinupladuhan ko siya. Hindi ko siya pinansin, presko kasi yung dating sa’kin eh! pero sa loob-loob ko bilib ako sa lakas ng loob niya. Pero hindi talaga ganito ang tipo ng ‘lovestory’ na gusto, ang gusto ko sana yung maraming ‘twist and turn’ para sweet and romantic.

Napahiya ata, umalis. Pansin ko pa na pinagtawanan siya nung mga barkada niya. Puro sila lalaki.

Sa kalagitnaan ng prusisyon, nakita ko nanaman siya, nagkukulitan sila ng mga barkada niya at walang tigil sa kakatawa. Nakakainis, nakaka-confused, feeling ko ako yung pinagtatawanan nila.

The next thing you know muli nanaman niya akong linapitan. Pero tulad kanina hindi ko nanaman siya pinansin.

Yung banat nyang, “Hi Miss, pwedeng magpakilala?” nakakabanas talaga.

The next day would be the coronation night of our Lady of Fatima. Last day of october, the month of the Rosary.

Pagkatapos ng event, nakita ko siya, hinihila siya ng mga barkada niya papunta sa’kin.

“Ayoko na! Ayoko na!”
sigaw niya sa mga barkada niyang humihila sa magkabila niyang kamay.

Parang silang mga bata, pero ang cute tignan.
Paglingon ko nahuli niya mga mata ko. Nagkatinginan kami. Tumindig siya, tumayo ng diretso, parang pinapakita niya sa akin na nagpapakalalaki siya.

Naisip ko na pagbigyan na lang ang lalaking ito para tigilan na niya ako, tutal magpapakilala lang naman.

Paglapit niya, parang kinakabahan pa.
“Ahm. Miss-”

Hindi ko na siya pinatapos, inabot ko nalang agad ang kamay ko.

“Cristy!”
ako na ang nauna, pero hindi ko siya matignan ng diretso.

“Ah. I’m Will…”
maikling tugon niya sabay shake sa kamay ko.

Masyadong malambot ang palad niya para sa isang lalaki, halatang tamad, agad din siyang bumitaw, tumalikod sa ‘kin at muling hinarap ang mga barkada niya.

Yun na yon?!

You don’t really need to find a lover, because love will find you. Love will seek ways for the both of you to unite.
Love will move the heaven and earth just to make the both of you be together in each other’s arms.
Love is when two paths collides in one direction and when two different feelings flocks at the same bluesky.
Love is journey.
Love is fate.
Love is destiny.
Love is compatibility.
Love is serendipity.

Kinabukasan, undas, araw ng mga patay. Nagpunta kami ni Rose sa sementeryo para dalawin ang puntod ni Lola.

Sa kasamaang palad, inabot kami ng ulan sa daan. Naghanap kami ng masisilungan, at sa isang abandonadong tindahan ang pinakamalapit.

Dun namin hinintay ang pagtila ng ulan, pero mas lalo pa atang lumalakas.
Pinagmamasdan ko yung patak ng ulan sa lupa na nagmumula sa dulo ng yero nang biglang sumilong ang tatlong lalaki.

Nakilala ko agad si Will, kasama ang isa niyang barkada, at kasama rin si Richard, si Richard na kamembro namin ni Rose sa church choir.
Tignan mo nga naman, magkakilala pa pala sila ni Will.

“Oh Cristy, Rose, naabutan din kayo ng ulan?”
si Richard.

Comments

Scroll To Top