Sex Life ni Cristy
“Ba’t ka nandito?”
pampatanggal sa nararamdaman kong kaba.
Nagtaka pa siya at napakunot ng kilay.
“Hinahanap ko kapalaran ko. Walang asenso dito, baka sakaling nasa Japan ang swerte ko. Eh ikaw?”
“Ahm. Ako? Para sa katuparan ng mga pangarap ko…”
pagdadahilan ko.
“Pangarap mong magjapan?”
parang gulat pa siya.
“Hindi noh! Daan pala para sa katuparan ng mga pangarap ko…”
“Tama yan Sis! Unahin mo yung pangarap mo. Gamitin mo utak mo, wag puso mo, magpaka’praktikal’ ka. Hindi ka naman mapapakain ng pag-ibig na yan eh! Maiisip mo yan kapag kumakalam na sikmura mo. Yun yung puntong ‘pagsisisi’.”
Okay. Nandun na ako. Pero kung sakali mang maghihiwalay kami ni Will, siguradong hindi yon ang dahilan. Many of us has lost the true meaning of practicality.
Hindi ko napansing ako na pala ang susunod. Deep breath, stress released.
Pagpasok ko, napansin ko yung panel of employer na nakaupong naghihintay sa tapat ng isang maliit na stage na napapalibutan ng mga lights and speaker.
Lalo akong kinabahan.
Lima sila, tatlong pinoy at dalawang hapon.
“What can you do for us?”
tanong agad nung isang hapon nang matayo na ako sa taas ng stage.
“Ahm. Singing Sir…”
“Then show us!”
“I don’t wanna lose you, but I don’t wanna use you,
just to have somebody by my side…
And I don’t wanna hate you, I don’t wanna take you,
but I don’t wanna be the one to cry…
…There’s a danger in loving somebody too much,
and it’s sad when you know it’s your heart you can’t trust…
There’s a reason why people don’t stay who they are…
‘Cause baby sometimes love just ain’t enough….”
Ibinagay ko ang lahat para sa kantang ito. This is gonna be my best performance. Buong puso, napapaiyak dahil naiisip ko si Will.
Napakarami kong narealized habang kumakanta.
Siguro nga unfair sakanya kung hihilingin ko sa kanyang hintayin niya ang pagbabalik ko.
Maraming pwedeng mangyari sa loob ng six months.
Pwedeng makahanap siya ng mas higit pa sa’kin, o ako ang makahanap ng iba.
Kung talagang handa siyang maghintay, hihintayin niya ako kahit pa sa tingin nya wala ng pag-asa.
Ayokong maging selfish, ayokong ‘ako’ ang maging dahilan ng paghihirap niya at mga pasakit.
Ayokong maging pasanin niya.
I’d rather hurt you once than to hurt you each day. I don’t wanna see you swim in sorrow and make your life miserable over and over again. I guess, giving up does’nt always mean that I’ll unlove you. I’m giving up on us because I truly love you. It is the best way of letting you know that my love for you is not your next melancholy.
Natanggap ako. Tuloy na ako sa promotion. Dito mas nahasa ang boses ko. Dito ko rin natutunang mag-make up, magpaganda at magsuot ng maiikling kasuotan. Mas marami pa yung nakalitaw na balat kesa nasasaplutan.
Nung una nakakailang pero nakasanayan ko na rin. Tinuruan din kaming magsayaw, sexy group dance.
Ang dami nilang pinagawa sa’kin na dati hindi ko naman ginagawa.
Magkulay daw ako ng buhok, mas gusto daw ng mga hapon yung blonded hair.
At ang isang bagay na iniyakan ko ng ilang gabi ay yung pina-inject nila ang boobs ko para lumaki.
Fuck! Tutol na tutol ako pero wala naman akong magawa. Bakit kailangan palakihin pa gayung pwede namang lagyan ng foam o i-push?
Naiisip ko tuloy na tama nga ata si Will. Pero wala na talagang atrasan, i’ve come this far, then so be it.
Nang handa na kami para isabak sa entertainment. Binilhan na nila kami ng ticket papuntang Japan, the land of the rising sun.
Binigyan nila kami ng isang araw bago ang flight para makauwi sa probinsya.
Pag-uwi ko sa amin, si Will ang una kong hinanap.
Gusto kong magpaalam sa kanya ng personal, at gusto ko na rin kunin ang pagkakataon para pormal na makipag-break sa kanya.
Mahigit isang buwan lang ang lumipas pero parang isang taon na nang magkita na kami ni Will.
Walang nagbago sa kanya, pero sa’kin, putcha! Mula ulo hanggang paa binago! Binago nila ako ng buong-buo.
“Kumusta ka na Cristy? Parang okay na okay ka ha… Ibang-iba na hitsura mo. Full grown woman ka na…”
“Will, panlabas na anyo ko lang ang nagbago. Wala eh! Kailangan gawin to.”
Halatang malungkot siya kahit pinipilit nyang ngumiti.
“Will, sigurado ka bang okay lang sayo pagalis ko?”
Isang huwad na ngiti na naman ang pinakita nya sakin.
“Oo naman. Ano ka ba, nasayo suporta ko. Basta lagi ka lang mag-iingat don, wag mo pabayaan sarili mo ha?”
I looked into his eyes, something happened to me. I can’t move, i can’t make another glance. I feel so cold. I’m dying inside and i’m out of my mind. Now I have to break his heart and leave every pieces in tears. I don’t have the ‘will’ to do this, but I ‘need’ to.
Love is like an anchor tied on my feet, pulling me down, keeps me drowning in an ocean of misery.
Comments