Sex Life ni Cristy

“Oo eh! Nag-aabang kami ng trike pero walang dumadaan.”
naisagot ko nalang.

“Ah, sya nga pala, pinsan ko, si Will at ang bestfriend niyang si Jack.”
pagpapakilala ni Richard sa mga kasama niya.

“Ah. Oo. Nagkakilala na kami kagabi.”

“Ah talaga? Wow naman! Small world! Baka may ibig sabihin na to!”

Ipokrito talaga si Richard, alam ko namang gusto niya akong ligawan pero heto tinutukso ako kay Will.

Natigilan ako. Nagkatinginan pa kami ni Will pero umiwas din agad ako.
Dada ng dada si Richard at Jack, pero itong si Will tahimik lang.

Ilang minuto na ang lumipas, kalahating oras na ata pero ni isang kataga walang lumabas sa bibig ni Will. Hindi ko alam kung nahihiya lang siya o kung talagang silent type of guy siya, yung tipong man with a few words ba.

Hanggang may dumaan ng trike. Sumakay na kami ni Rose, sumama din sa amin si Richard, habang sina Will at Jack naiwan.

Wala talagang kwenta si Richard, nang-iiwan ng kasama, wala talaga siyang pag-asa sa akin.

Dumaan ang mga araw ng mabilis, hindi ko na nakikita si Will, pero lagi siyang naliligaw sa isip ko.
Si Richard, lagi kong kasama araw-araw, lagi kasing may praktis sa choir, lagi din siyang nasa bahay, kunwari ihahatid kami ni Rose pero magtatagal naman sa amin.

Pina-sign up ako ni Rose sa bago niyang Slumbook, aba naka-anim na ata siya pero heto pinapa-sign pa rin ako.

Who is your crush?: Brad Pitt, Leonardo dicarpio, coco martin, Will it be you?

Who is your love?: Brad Pitt, Leonardo dicarpio, coco martin, Will it be you?

Define love: Love is what makes the world go round. Love is freeWILL.

Natatawa ako habang nagsusulat, ewan ko ba kung ba’t sinasama ko si Will.

The next day nagulat ako nang tignan kong muli ang slumbook ni Rose, aba nakita ko pina-sign niya rin si Jack, at ang mas kinagulat ko pati si Will nandun.

Sinermon ko pa si Rose, kasi nga baka nakahalata si Will na na-mentioned ko siya pero sabi ni Rose sakanya daw yung autograph book kaya siya ang magdedesisyon kung sino papasign niya.

Hindi ko alam kung ba’t nagkainteres ako na basahin yung kay Will.
So 18 palang pala siya, samantalang 20 na ako, ibig sabihin mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya.
Teka, ba’t ba parang nanghihinayang ako?

Who is your crush?: Pokwang at Biyaya
who is your love?: Pokwang at Biyaya

Kumunot kilay ko don! Puro kalokohan lang pinaggagagawa nila ni Jack. Pero nakuha ni Will ang atensyon ko sa definition niya ng love:

“Love is the center of your emotion. It will make you sad, makes you happy, makes you angry, makes you shy, makes you confused, makes you conscious, makes you horny, makes you tremble, makes you excited, makes you anxious, makes you fright, makes you brave, makes you coward, makes you weak, makes you complete.

Love is a learning ground, you will learned how to create a smile, how to sacrifice yourself for good, how to make a stand, how to live, how to make a dream, and how to make that dream come true.

Love is sharing of two hearts together that beats as one.”

Sa ‘di inaasahang pagkakataon, nagkasalubong kami ni Will sa kanto. Naka-bike siya habang ako naglalakad. Ang sabi niya, magbi-visit daw siya sa Church, nagkataon namang papunta din ako don para magpraktis sa choir.

“Tara, angkas ka na lang sa bike ko.”
sabi niya sa ‘kin.

“Di bale na. Maglalakad na lang ako, salamat na lang.”
syempre nakakailang umangkas, baka ano pa isipin ng ibang tao.

Bumaba siya sa bike niya at sinamahan niya akong maglakad.
Well, for me, that was so sweet.

Is this love? Is this love that suddenly taught me how to smile?

“Buti ikaw lang mag-isa ngayon?”
syempre kukwentuhan niya ako habang naglalakad.

“Ah. Oo, nauna na kasi si Rose sa simbahan.”

“Ganun ba. Siya nga pala, nabasa ko yung autograph mo sa slumnote niya.”
sabi ko na nga ba babanggitin niya ‘yon.

“Ba’t ka naman huminto sa pag-aaral? Sayang naman, two years na lang Teacher ka na sana.”
dapat di ko na sinulat yun dun eh!

“Ah. Financial problem. Nawalan kasi ng trabaho si Papa, ngayon paraket-raket lang siya sa palengke.”
sinagot ko pa rin siya, diretsahan, totoong-totoo.

“Ganun ba… Buti hindi ka na lang mag-apply sa SM, sa jollibee, o kaya sa iba na qualified ang high school graduate…”

“Uh-uhm…”
pailing-iling ako,
“Ayoko. Wala akong mapapala sa ganun! Magsasayang lang ako ng oras na parang langgam na kayod ng kayod pero wala pa ring asenso.”
patuloy ko.

Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng bike, tapos hinarap niya ako.

“Hindi naman siguro… Alam mo, kung nakikita ka ng Maykapal na nagsisikap ka sa buhay, bibigyan ka niya ng reward sa bandang huli, basta marunong ka lang mag-tiyaga at mag-tiis. Ang mga langgam, trabaho ng trabaho pag summer, para pagdating ng tag-ulan, sarap buhay na lang sila, at yun ang reward nila.”
nginitian pa niya ako.

Comments

Scroll To Top