Sex Life ni Cristy

Naaabot ko ang nais niyang iparating, madaling sabihin pero mahirap gawin. Mataas pa naman ang mga pangarap ko, at dahil hindi ako nakatapos ng pag-aaral, alam kong wala akong mahahanap na maganda at permanenteng trabaho.

“O kaya mag-working student ka…”
patuloy niya.

“Hindi na. 20 na ako, wala na akong panahon para mag-aral… Gusto kong maihaon sa hirap ang pamilya ko, at hindi ko magagawa yon kung matanda na ako.”
tugon ko.

“Huh?! Bata pa naman yung 20 ah?!”

“Hindi noh! Kung sakaling mag-working student ako, hahaba pa yung panahon na ilalagi ko sa eskwela, tapos pagkagraduate, hahanap ng trabaho, matagal bago ka maregular at bago ka ma-promote. Eh kung susumahin, matanda na ako nun.”

“Hahaha Ngayon lang ako nakakilala ng taong masyadong advance mag-isip! Ganun mo ba nape-predict ang future mo? Grabe ka naman…”

Nasa gate na kami ng simbahan non, sasagot pa sana ako kaso napansin ko na nagsimula ng magpraktis ang mga kasama ko.

Iniwan ko na si Will, sumali na ako sakanila. Nang makapwesto na ako, napansin ko agad si Will na nakatingin sa akin, hindi tuloy ako makakanta ng maayos.

Ewan ko ba! Ewan ko nga ba! Sanay naman akong kumanta nang may nanonood pero parang nahihiya ako ngayon sa harapan ng isang tao.

Is this love? Is this love that suddenly makes me shy?

Cute din pala si Will. Pambihira, pinanood niya ako hanggang matapos ang praktis.
Pero nang pauwi na kami ni Rose, hindi ko na siya nakita.

Heto na naman ang epal na Richard. Ihahatid daw kami, naku magtatagal na naman siya sa amin sigurado.

“Ate Cristy, mauna na kayo, may dadaanan lang ako saglit.”
paalam ni Rose.

“Sa’n ka pupunta? Sama ako!”

“Hindi pwede Ate,pasensya na.”

Aba! Ngayon lang ako hindi isinama ni Rose, nagtataka tuloy ako kung sa’n siya pupunta.
Ito namang si Richard, pilit akong pinapaangkas sa bike niya, para daw mabilis at tutal daw kaming dalawa lang.

Pumayag na lang ako, tamad na rin akong maglakad eh.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkasalubong nanaman kami ni Will, pero this time, naka-angkas ako kay Richard sa bike niya.

“O Will, sa’n ka pupunta?”
sigaw ni Richard sakanya.

“Ah. Pauwi na…”
maikling tugon ni Will.

Nakatingin sa amin si Will, at sa ekspresyon ng kanyang mukha, parang nagseselos.
Iniisip niya siguro na kaninang siya ang nagpapaangkas sa akin hindi ako pumayag, pero ngayon kay Richard pumayag ako.

Parang gusto kong sabihin sa kanyang, “Huwag kang magselos, dahil ikaw ang gusto ko…”
napakalungkot talaga niya.

Naramdaman ko yon, oo. Parang unti-unti na akong nagiging connected sa kanya.

Is this love? Is this love that suddenly makes me conscious?

Ilang araw ang lumipas na hindi ko na nakikita si Will. Sa tingin ko parang nami-miss ko siya.
Gabi-gabi ko siyang inaabangan sa simbahan pero hindi na ata siya nagbi-visit.

Gabi-gabi ko rin siyang iniisip bago ako matulog, kahit saan ako malingon, siya ang nakikita ko, lagi kong naaaninag ang mukha niya.
Kusa na lang siyang sumasagi sa gunita ko.

Kahit habang kumakain ako naiisip ko pa rin siya. Minsan bigla na lang akong napapangiti. Lagi ko kasing iniimagine na ako si Sleeping Beauty, at siya naman ang Prince Charming ko na gumising sa aking mahabang panahon na natutulog na puso.

Nagsimula na akong magtaka at magduda sa sarili ko.

Is this love? Is this love that suddenly makes me confuse?!

May dumating kaming bisita. Si Aling Nadia. Kaibigan siya ni Mama, kababata niya at ngayon lang sila uli nagkita sa loob ng mahabang panahon.

Nagtataka ako dahil mula nang dumating siya hindi na nawala ang paningin niya sa akin. Tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Bago siya umalis, kinausap muna niya ako.

“Cristy, maganda ka Iha, may dating ka, may ibubuga ka. Ang sabi ng Mama mo myembro ka daw sa choir, ibig sabihin marunong kang kumanta. Sa tingin ko pwede ka…”
sabi niya sa akin.

“Ano po’ng ibig nyong sabihin?”
pagtataka ko.

“Ah. Oo nga. Hindi ba ako naikukwento ng Mama mo? Isa akong recruiter sa japan. Naghahanap ako ng mga babaeng entertainer. Sa tipo mo, makita ka lang ni Boss siguradong makakaalis ka kaagad.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Entertainer sa Japan? Nakaramdam ako ng takot, ang una kong iniisip, baka hindi lang basta entertainer ang maging papel ko don kung sakali.

“A-alam po ba ‘to ni Mama?”

“Oo. Sinabi ko na sa kanya kanina. Sabi ikaw daw ang tanungin ko, at kung ano’ng maging desisyon mo, handa ka daw niyang suportahan.”

Mula no’n hindi na matanggal sa isipan ko ang naging usapan namin ni Aling Nadia. Natatakot ako, abroad yun, hindi ako basta-basta makakauwi. Pero napapaisip ako sa laki ng sinabi niyang kikitain ko.

Siguradong ilang buwan lang matutupad ko na ang mga pangarap ko. Mapapaayos ko na ang bahay namin, hindi na magtatrabaho pa si Papa, hindi na rin makikipaglabada si Mama, mapapagtapos ko na rin ang mga kapatid ko sa pag-aaral.

Comments

Scroll To Top