Sex Life ni Cristy
Ang kailangan ko lang gawin, isakripisyo ang sarili ko para sa katuparan ng mga pangarap ko.
Sa isang sulok ng isipan ko, natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung ano’ng naghihintay sa akin sa Japan.
Ito yung lagi kong dinadasal sa Maykapal, na sana tulungan niya akong magdesisyon kung dapat ba talaga akong mag-japan o hindi.
(Mga minamahal kong taga-basa, ito po ang pinakapaborito kong isinulat, sana po basahin niyo ng buong-buo.)
Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli kaming nagkita ni Will. Siya na kaya ang hinihintay kong sign? Siya na kaya ang magiging dahilan para hindi ako mag-japan?
Nang makita ko si Will, parang gusto ko siyang yakapin, hindi ko alam kung bakit, may nararamdaman na nga yata ako para sa kanya.
Kasama niya si Richard, nagpunta sila sa bahay, dumadalaw daw. Kahit kailan mahina talaga si Richard, naunahan tuloy siya ni Will.
Oo, naunahan nga! Laking-gulat ko nang magmano si Will kay Mama sabay sabing;
“Good evening po Tita. Aakyat po sana ako ng ligaw kay Cristy…”
Gulat na gulat kami ni Mama sa kanya, maging si Richard nagulat din.
“Aba Iho, ang kapal naman ng mukha mo para diretsahin mo ang isang Nanay na tulad ko!”
Akala ko magagalit si Mama, pero mga ilang segundo lang bigla siyang napangiti.
“Pero mas okay na rin na dito ka sa bahay manligaw, kaysa naman sa kalsada pa kayo magligawan…”
Manligaw?! Aba’y buong gabi tahimik lang si Will, ni hindi ako kinakausap, tapos sasagot lang kapag may tinanong ako.
Songbook collections ko lang ata ipinunta niya dito eh! Ni hindi ko siya mabaklas sa kakabasa ng mga lyrics.
Pero enjoy na enjoy siya, pareho kaming mahilig sa mga songs, si Richard naman hindi maka-relate sa amin.
Hindi ko alam kung bakit masayang-masaya ako ngayong gabi, samantalang wala naman kaming maayos na usapan ni Will.
Basta masaya lang ako dahil kasama ko siya, kahit walang kwentuhan basta nasa tabi ko siya, enjoy na!
Is this love? Is this love that suddenly makes me happy?!
Aba yung sumunod na gabi may bitbit na si Will. Anim na pirasong burger na buy one take one sa burger machine.
Ang kuripot naman! Pero at least meron.
Maswerte siya dahil mababait sina Mama at Papa, open sila sa lahat ng gustong manligaw sa’kin, basta nakikita nilang matino naman.
This time, mag-isa lang si Will, buti naman at hindi niya sinama si epal Richard.
Sa lahat ng manliligaw, kakaiba si Will. Kung titignan mo parang hindi naman siya nanliligaw, parang lang kaming magkaibigan, ni hindi siya nagpapahayag ng damdamin sa’kin, ni hindi niya ako binobola, heto’t kwento lang siya ng kwento, puro kwentong barbero naman.
Hindi ako natatawa sa mga jokes niya eh! Natatawa lang ako sa hitsura niya kapag tatawanan na niya ang corny nyang jokes.
Two Hearts are connected with each other, their mind works as one. The one thinks of it while the other one feels it. There’s nothing you can hide, even a single thought indeed. You’ll understand each other just by one look in the eye. Your actions speaks, your inner voice was heard. Both were compatible as if they were soulmates. Silence do the talking, and by deep undestanding, it can acknowledge every mean.
Umulan-umaraw, nandito siya sa amin, minsan kasama mga barkada niya, minsan si Richard, minsan si Jack. Lagi rin kaming nagbi-visit sa Church ng magkasama, lagi ko na rin siyang kasama sa bawat praktis namin sa choir.
Is this love? Is this love that suddenly makes me tremble?!
Tumawag si Aling Nadia para itanong kung nakapagdesisyon na ako.
Sabi ko sakanya, “Salamat na lang po, pero ayoko.”
“Okay lang. If ever magbago desisyon mo, tawagan mo lang ako…”
tugon niya.
Hindi ako natuloy sa Japan. Pinili ko si Will, ang pag-ibig ko. Mahal ko na siya, hinihintay ko na lang na magtapat siya sa akin at hingin na ang matamis kong “Oo.”
Sinunod ko yung sinabi sa akin ni Will na mag-apply ako sa SM. Natanggap ako, nagtrabaho at kahit papaano kumikita. Nakakatulong ako kina Mama sa pang-araw-araw naming gastusin, pero aaminin kong kulang na kulang talaga ang sinasahod ko para matupad ang mga pangarap ko.
Napilitan ding huminto ang mga kapatid ko. Si Papa, hindi parin makahanap ng magandang trabaho.
Ika nga nila;
“Kung malas ka sa pag-ibig, swerte ka naman sa buhay, at kung malas ka sa buhay, swerte ka naman sa pag-ibig.”
Sa lagay ko, masasabi kong malas ako sa buhay, pero maswerte ako sa pag-ibig.
Nakahanap ako ng mas magandang trabaho. Ipinasok ako nung kapatid ni Rose. Saleslady sa isang botika, mas mataas yung sahod pero sa Angeles nga lang, may kalayuan tapos stay-in pa.
“Will, pa’no kung may magandang opportunity na dumating, papalampasin mo ba?”
tanong ko kay Will, isang gabi, magkatabi sa sala.
“Syempre hindi. Chance yun eh! Lalo na kung once in a lifetime lang dumating… Bakit?”
Comments