Sex Life ni Cristy
Yung trabaho sa Angeles ang tinutukoy ko, pero yung Japan naman ang nasa isip ko.
Hindi ko masabi sa kanya na magja-japan ako, sabagay hindi na rin naman ako tuloy.
“Kase ipinasok ako ni Ate Weng sa trabaho niya. Kaya lang sa Angeles eh. Saleslady daw sa botika. Tamang-tama nga dahil Endo na ako next week sa SM, kaso stay-in.”
sagot ko.
“O, maganda pala eh. Ba’t parang nag-aalangan ka?”
Hindi ko alam kung manhid siya o talagang torpe lang. Naku! Hindi ba niya naisip na hindi ko siya kayang iwan, kaya nga hindi ako nagjapan eh! Parang ayos lang sakanya na di ako makita ah!
“Ayos lang yun! Kung yun yung makakabuti, handa akong magtiis na hindi ka makita, sabagay magkikita pa rin tayo diba? Iniisip ko pa lang, namimiss na kita…”
patuloy niya.
Napangiti naman ako. Akala ko wala siyang pakialam, pero sa sinabi niya, ramdam ko ang suporta niya sa akin.
“Syempre magkikita pa tayo noh! Uwian ako weekly.”
“Basta lagi kang magiingat dun. Tsaka, kung…. kung pwede sana ‘wag kang magpaagaw sa iba…”
mahiya-hiya pa talaga siya.
Huwag kang mag-alala, kahit kay Daniel Padilla hinding-hindi ako magpapaagaw. Ikaw lang naman itong mahina eh!
I’m truly falling for you!
True love truly exist in the heart of a real person whom honest with its feelings. A person who can sincerely shoutloud their precise affection, directly and consistently.
First day ko palang sa trabaho, pinopormahan na agad ako ni Elmer. Isang gwapo at mestisong lalaki na ayon sa balita ko ang dating nililigawan daw ay si Ate Weng.
Naku ayoko sa lalaking salawahan!
Ang kulit niya, ang kulit niya talaga!
Sinabi ko na sa kanyang may boyfriend na ako kunwari, pero nililigawan pa rin ako.
Totoo pala!
Totoo pala na kahit gaano kagwapo o kayaman ang nakahain sayo, darating at darating pa rin ang puntong hahanap-hanapin mo yung taong talagang nilalaman ng puso mo. Ang taong mahal na mahal mo, at kung minsan napapaiyak pa ako sa twing mamimiss ko si Will.
Hindi pa naman ‘kame’, wala naman kaming relasyon, pero nahihirapan na ako na hindi ko siya nakikita.
Is this love? Is this love that suddenly makes me weak?!
Si Elmer ang kulet! Sinabi niya ihahatid lang niya kami ni Ate Weng pero nang ginabi, ayaw ng umuwi, gusto dito matulog sa bahay.
Ito namang sina Mama, sa sobrang bait, pumayag sa drama ni Elmer.
Sinabi ko na kasi kay Ate Weng na wag na siyang pumayag magpahatid eh! Para daw makatipid, ako naman itong namomroblema ngayon.
Baka isipin pa ni Will, isang linggo palang lumipas pinagpalit ko na siya.
Ayun nakita na nga siya ni Will!
Haizt!
Na-stiff neck ako, nagpasama ako magpahilot kay Rose. Miss ko na rin si Rose. Ang epal na Elmer, sumama din!
Nadaanan namin si Will, kasama mga barkada niya, ang ingay pa niyang magkwento sa tabi ng kalsada. Masama pa nga tingin ng mga kaibigan niya kay Elmer eh. Akala ko bubugbugin siya, pero dahil tunay na lalaki si Will my love, hindi nila ginalaw si Elmer.
Sinabi ko kay Rose na sabihan niya si Will na samahan kami sa manghihilot. Aba pati si Jack isinama niya.
Pinakilala ko si Will kay Elmer, ang sabi ko katrabaho ko siya, ayos naman, walang bastusan. Pero mas bilib talaga ako kay Will, ang yabang ni Elmer akala mo kung sinong gwapo, habang si Will tahimik lang.
Hindi pa nga siya sumabay na maglakad sa amin ni Elmer eh. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit dada ng dada si Elmer sa akin, si Will pa rin na nasa likod ko ang laman ng aking isipan.
Nagulat si Will nang malaman niyang sa amin matutulog si Elmer. Poker face si Will pero alam kong nasasaktan siya. Randam ko yun, parang magkadugtong ang mga bituka namin. Pareho kami mag-isip at alam kong iisa lang ang tinitibok ng aming mga puso.
Naiinis ako! Si Will ang mahal ko pero iba ang kasama ko ngayon. Pagkatapos kumain natulog na kaagad ako. Bahala na si Elmer sa kabilang kwarto!
Yakap ko unan ko. Hindi matanggal sa isip ko si Will, nag-aalala ako na baka masama ang iniisip niya sa’kin, natatakot akong baka hindi pa man ‘kami’ eh maghiwalay na kaagad kami.
Ano bang ginawa mo sakin Will at nagkakaganito ako sayo?
Is this love? If this is love, please bring to me my one and only Will…
Kinabukasan, hindi ako sumabay umalis kina Elmer at Ate Weng, pinauna ko na sila. Nakabihis na rin ako pero gusto ko muna sanang makausap si Will. Wala kasi kaming maayos na usapan eh! Hindi ko alam kung may ‘tampo’ na yun sa’kin.
Nakitext ako sa kapit-bahay namin. Tinext ko si Will, sabi ko puntahan niya ako ngayon na, dahil gusto ko siyang makausap, sabi ko pa na kapag hindi niya ako pinuntahan ngayon, hinding-hindi na niya ako makikita kahit kailan.
Comments