Sex Life ni Cristy
Ayokong iwanan si Will, pero ayoko din namang mawalan kami ng tahanan. Isang tanong ang nabuo na kayhirap sagutin.
Pangarap o Pag-ibig?
I ain’t gonna cry no,
And I won’t beg you to stay,
If you’re determined to leave girl,
I will not stand in your way,
But inevitably,
you’ll be back again,
Cause you know in your heart babe,
Our love will never end,
No…
Gayunpaman, umaasa pa rin ako na hindi na ako hahantong sa puntong kailangan kong mamili.
Pero tila masaklap ang ibinabato sa’kin ng kapalaran.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Will, at ang unang tanong niya,
“Bakit?!”
“Bhi, magja-japan ako…”
pagdiretsa ko.
Nagulat siya tulad ng inaasahan ko. Punong-puno ng pagtataka at pagaalala.
“Ano?! Anong trabaho mo don?”
“En-entertainer…”
“Ano?! Entertainer?! Sa club?! Sa tingin mo ba papayagan kita sa ganung klaseng trabaho?!”
“Kailangan eh! Maririmata na ang bahay namin, kaya kung hindi ako magjajapan, baka mawalan kami ng tahanan.”
naiiyak na naman ako.
“Wala na bang ibang paraan? May trabaho ka naman diba?”
“hindi sapat yung kinikita ko don Will. Malaking halaga yung kailangan ko eh!”
Napaiyak na rin siya. Niyakap niya nalang ako.
“Pasensya ka na Cristy kung di kita matutulungan, pero hindi ako papayag na umalis ka!”
“Will, wag mo naman sana akong pahirapan ng ganito! Six months lang naman eh! Atsaka, ano bang masama sa pagiging Entertainer sa Japan?! Kakanta lang naman ako ah!”
“Pang-front lang nila yon Cristy! Maniwala ka sa’kin! Ipapa-table ka lang nila, ibubugaw ka lang sa Hapon!”
“Sobra ka naman! Sa tingin mo ba papayag akong magpabugaw? Wala ka bang tiwala sa’kin?”
Naiirita na ako sa usapan namin. Kung ano-ano na ang sinasabi niya, masyado siyang advance mag-isip.
“May tiwala ako sayo, pero sa mga hapon wala akong tiwala! Pa’no na lang kung may mainpluwensyang hapon na natipuhan ka? Tapos gamitin niya pera nya makuha ka lang nya?”
nagsimula na siyang manakit.
“Ganun ba kababaw tingin mo sa’kin?! Ha Will?! Para sabihin ko sayo, hindi ako magpapasilaw sa pera!”
at nagsimula na akong masaktan.
“Hindi mo ‘ko naiintindihan eh! Alam kong ‘di ka pasisilaw sa pera, pero pano kung masilaw yung manager mo at pilitin ka nya? Wala kang magagawa do’n!”
“Ikaw! Ikaw ang hindi makaintindi! Kailangan kong gawin ‘to Will! Ito lang ang tanging paraan para matupad mga pangarap ko!”
nanlalambot na talaga ako.
“Pangarap?! Ngayon naman pangarap na! Siguro nga hindi ‘nga’ kita maintindihan Cristy! Hindi yan pangarap! Responsibilidad yan ng Papa mo, bakit kailangang ikaw ang umako nyan?! Bakit hindi sya ang gumawa ng paraan?!”
Pagkasabi niya, nag-walk out na lang siya bigla. Iniwan niya akong umiiyak at masama ang loob.
Nasaktan ako sa mga katagang binitawan niya sa akin.
Of all the people, bakit siya pa ang hindi makaintindi sakin? Siya na mahal ko, siya na pinakamalapit sa puso ko.
Is this love? Is this love that suddenly makes me angry?!
Ayun na nga ba sinasabi ko! Hindi siya papayag, tutol na tutol siya.
Hindi na nya ako pinuntahan sa bahay, ilang araw na kaming hindi nagkikita. Naiintindihan ko siya, malamang masyado lang siyang nasasaktan.
Ayokong umalis.
Gusto kong umalis.
Fuck! Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Sana hindi ako naiiyak habang kumakain, sana hindi ako naiiyak habang naliligo.
Namimiss ko na si Will. Ilang linggo niya na akong hindi dinadalaw. Kung kailan kailangang-kailangan ko siya, dun pa sya wala. Siguro kailangan talaga nyang mapag-isa.
I know I can’t push it, I can’t push him unto his limits, if he needs space, i’ll grant it to him. I just wish it was a space for his mind and not a space for his heart.
Oh Will, you just said that you’ll fight for me over tears, that you’ll gonna clear our obstacled path of love’s journey.
Nalalapit na ang audition ko.
Kailangan kong magdesisyon.
Hindi na ‘to biro, masyado na akong naiipit sa sitwasyon.
Pati ang pinsan ko, na bestfriend kong si Rose tutol din sa pag-alis ko.
Pinaliwanag ko sa kanya ang dahilan ko, at sa bandang huli isa lang ang naisagot niya,
“Kahit naman tutol ako, desisyon mo pa rin ang masusunod.”
Tama si Rose! Pinsan ko lang siya kaya wala siyang karapatang makialam sa desisyon ko. Sa bagay na ‘to nagka-ideya ako kung papaano mapapadali ang lahat.
Oo, tatanggalan ko ng karapatan si Will na pakialaman ang buhay ko. Masakit man, but it leaves me no choice, ito na ang huling option ko, ang makipag-breakup sa pinakamamahal kong lalaki.
Para hindi na kami mahirapan ni Will, at para hindi na kami umasa pa sa isa’t-isa.
Ika nga nila:
“Sa hinaba-haba man ng Prosisyon, sa Simbahan din ang tuloy.”
Sana lang ‘magkasama’ kami sa prosisyon, hanggang makaabot sa simbahan na yon!
Wala ng sasakit pa sa desisyong i-give up ang taong mahal mo para sa mga taong umaasa sayo.
Wala ng sasakit pa sa desisyong sasaktan mo ang damdamin ng taong iniingatan ang puso mo.
Comments