Basta Driver Malupit sa Kama
Basta Driver Malupit sa Kama.
“Bernandette, hindi ako papayag na ‘yung tricycle driver ang mapapangasawa mo! Kung siya ang iyong makakatuluyan, ‘wag na ‘wag ka nang magkamaling magpakita sa pamamahay na ‘to!” galit na wika ni Mang Randy sa kanyang 21-anyos na anak na dalaga.
“Ano ka ba, Pa?! Papayag ba akong ‘yung katulad ni Luis ang mapapangasawa ko na isang tricycle driver lang?! Never!” may tonong sagot ng anak habang papasok ito sa kuwarto.
Blag!
Kumalabog ng malakas ang pinto nang pumasok si Bernadette sa kanyang kuwarto.
“Hayop talaga ang Luis na ‘yan! Buwesit talaga sa buhay ko ang lalaki na ‘yan! Shit!” nasambit ni Bernadette sa sarili habang nagbibihis ng kanyang mga saplot.
Matapos makapagbihis ay humiga siya sa kama at nakatulog.
Tok, tok, tok!
“Anak, Bernadetthe, gising ka muna, Iha. Hindi ka pa nakakapaghapunan. Kain ka muna bago matulog,” si Aling Sandra, ang mabait at maunawain na ina ni Bernadette, habang ginigising ang anak.
“Alam mo, Anak, Bernadette, ‘wag mo nang pakinggan ‘yang Papa Randy mo. Kung ano ang nararamdam mo kay Luis ‘wag mo siyang tarayan,” payo ni Aling Sandra sa magandang anak.
Kumunot naman ang noo ni Bernadette sa sinabi ng ina.
“Ma, ni katiting, wala akong naramdaman kay Luis no! Saka… tricycle driver lang ‘yun no! Hindi ko ‘yun papatulan,” may pagkadiin na sagot ng dalaga.
“Wag kang magsalita ng ganyan, Anak. Hindi porke’t mahirap o tricycle driver lang ‘yung tao e pagsalitaan mo siya ng hindi maganda,” mahinang paliwanag ni Aling Sandra.
“Huwag naman sanang mangyari na maging katulad ng Papa mo ang ugali mo ha. Hindi maganda iyan sa mata ng tao, maging sa Diyos,” pagpatuloy ng ina.
“Ano ka ba, Nay? Kita mo namang binasted ko na kagabi si Luis, kung anu-ano pa ang sinasabi mo sa akin. Wala pa akong oras para sa ganyang bagay no! Saka, hindi pa ako handa. Hindi ko pa nakikita ‘yung guy para sa akin,” tugon ni Bernadette pagkatapos maisubo ang kalahating kutsarang pagkain.
“O sige na. Basta ang paalala ko lang sa iyo, ‘wag mong tarayan kung sino man ‘yung taong manligaw sa iyo. Pasalamat ka at wala ang tatay mo. Kung nandito yun, siguradong magkagulo na naman tayo,” sabi ni Aling Sandra.
Kinabukasan, Lunes, pumasok si Bernadette sa eskuwela.
Kakutsaba ni Luis ang mga kasamahan niyang tricycle driver, kaya kung makita ng mga ito na nag-aabang na ng masasakyan si Bernadette kaagad nilang tinawagan si Luis para maisakay ang dalaga.
“Pareng Luis, ‘ayun na si Bernandette o! Kanina pa nag-aabang ng masasakyan ‘yan!” sabi ng isang tricycle driver.
“Salamat, Pare! Sige, puntahan ko na!” tugon ni Luis sabay arangkada ng kanyang tricycle.
“Pagbutihin mo, Pare!” pang-aasar pa ng lalaki.
“Hi, Bernadette! Sakay ka na,” alok ni Luis.
Hindi umimik ang dalaga. filipinostories.com – Pinoy sex stories collection.
Tila sumimangot at tumaas pa ang kilay ni Bernadette nang nasa kanyang harapan na si Luis.
“Halu, Bernadette, sakay ka na. Siguro, may hinihintay ka, ano? Lalaki ba ang susundo sa iyo?” may halos selos na pagkabigkas pa ni Luis.
Wala pa ring imik si Bernadette, sa halip ay nakatingin ito sa ilang paparating na tricycle.
“Loko talaga ang taong ‘to! Ang kulit!” sa loob-loob ni Bernadette.
“Mama, para!” si Bernadette habang nagpupumilit na makasakay ng ibang tricycle.
“Sorry, Miss, nagmamadali ako! Kay Luis ka na lang sumakay!” pasigaw na sagot ng driver habang palayo ito sa kinaroronan nila Bernadette at Luis.
“Puwede ba, umalis ka na at nagmamadali ako?! ‘Wag mo akong buwesitin ang araw ko ha!” galit na turan ni Bernadette.
“Grabe ka naman, Bernadette, nagmamalasakit na nga ‘yung tao inaaway mo pa. Gusto lang naman kitang maisakay para ligtas kang makarating sa eskuwelahan ninyo,” tilang nagmamakaawa pang sabi ni Luis sa dalaga.
“Alam mo, puwede kang mag-artista! Ang drama mo! Umalis ka na nga diyan! Tse!” pananaray ni Bernadette.
Nang may dumaan na tricycle, pinara ito ni Bernadette pero hindi siya pinansin ng mga driver.
“Ano ba! Siguro, magkasundo kayo ng mga tricycle no! Tuwing papara ako hindi nila ako hihintuan. Lagi mo na lang akong pinapasakay diyan sa bulok mong tricycle!” patuloy na pananaray ng babae sa binata.
“Ang sakit mo namang magsalita. Hayaan mo, ‘pag manalo ako sa lotto, sa kotse na kita pasasakayin.”
“Ay sus! Nagda-drama na naman ang ipal!” si Bernadette habang kinakausap ang sarili.
Nang tingnan ni Bernadette ang kanyang relo.
“Shit! Ala-una na pala, male-late na ako!”
“O sige na, makisakay na nga! Huwag mong isipin na sumakay ako dahil gusto kita! Napilitan lang akong sumakay sa bulok mong tricycle dahil nagmamadali ako!” pabigat na wika ng dalaga.
“Okey lang, kahit bulok itong sasakyan ko malinis naman itong puso ko! He he he!” nakangiting sagot ni Luis sabay paandar ng kanyang tricycle matapos makasakay si Bernadette.
Naglulumukso ang puso ni Luis habang pinapatakbo niya ang kanyang tricycle.
Comments