Basta Driver Malupit sa Kama
“Alam mo, Bernadette, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko sa iyo,” turan ni Luis habang tumatakbo ang tricycle.
Walang imik si Bernadette pero nakikinig naman ang tenga nito sa bawat salitang binibitawan ng binatang nanliligaw sa kanya.
“Ang corny naman nito!” sambit ni Bernadette sa sarili.
Ayaw tumingin ni Bernadette sa binata at sa halip ay nakatingin ito sa malayo. Kung minsan naman ay nakatingin sa relo.
“Alam ko naman na hindi mo ako papatulan dahil isa lamang akong hamak na tricycle driver. Kung naging mayaman lang sana ako, hindi ako mahihiyang sabihin sa iyo na I love you,” patuloy na sabi ni Luis.
Kumunot ang noo ni Bernadette. filipinostories.com – Pinoy sex stories collection.
“Puwede bang paliparin mo na itong tricycle mo at nagmamadali ako?!” galit na utos ng dalaga.
“Gusto mo na bang mamatay? Kita mo namang nasa 80 na itong takbo natin eh! Paano na lang kung mamatay ako, hindi na kita makikita,” sagot ng binata.
“Alam mo, ang korni-korni mo! For your information, Mr. Luis, hinding-hindi kita papatulan! Never!” galit na sagot ni Bernadette.
“Alam ko naman ‘yun, Ma’am! Hindi naman mahalaga sa akin na sagutin mo ako o hindi. Ang mahalaga sa akin ay nalaman mong gusto kita. ‘Yun lang.” si Luis habang abala sa pagmamaneho ng kanyang tricycle.
Hindi na nagsalita si Luis at sa halip ay patuloy lang ito sa pagmamaneho.
Wala ring imik ang dalaga, kaya tamihik ang dalawa.
Makina lang ng tricycle ni Luis ang maingay.
Matapos makarating sa kanilang eskuwelahan, mabilis bumaba ng tricycle si Bernadette sabay alis.
Si Luis naman ay nakangiting nakamasid sa dalaga na naglalakad papasok sa loob ng eskuwelahan.
Tinitingnan niya ang puwet ni Bernadette na kumikimbot-kimbot habang naglalakad ito.
Nalibang naman si Luis sa nagagandahang estudyante na dumadaan sa harapan niya.
Maya-maya pa ay pinaandar na niya ang tricycle at nagsimulang umarangkada.
Hindi pa man tuluyang nakalarga nang biglang…
Pak!
“Heto ang pamasahe ko! Sorry, nakalimutan ko!” si Bernadette na nagmamadaling umalis matapos isampal sa mukha ni Luis ang ilang pisong barya.
“Shit, ang taray nun! Ang sakit!” walang nagawa si Luis kundi pulutin ang ilang barya na nahulog.
Kapagkada’y pinaharurot na niya ang kanyang tricycle.
“Bakit mo naman sinaktan ‘yung tao, Anak?” si Aling Sandra habang kinakausap si Bernadette nang sabay silang naghapunan.
“E kasi, Ma, sobrang korni at ang kulit eh!” may tonong sagot ni Bernadette sa ina.
“Alam mo, Iha, parang lumalabas tuloy na mas maganda pa ang ugali ng taong walang pinag-aralan kaysa sa nag-aaral. Dapat, kahit makulit ‘yung tao ginagalang mo sana. Saka, makulit lang siguro si Luis dahil malaki ang pagtingin niya sa iyo,” pangaral pa ni Aling Sandra sa kanyang dalaga.
“Dapat mong tandaan, Anak, mapapatunayan mong mahal ka ng isang tao kung gagawin niya lahat para sa iyo. Katulad ni Luis, kahit sinampal mo na siya ng barya, hindi siya nagalit dahil mahal ka niya,” mahinang sabi ng ina.
Bago matulog, nag-isip ng malalim si Bernadette.
Sa kabila ng kapintasang ipinakita niya kay Luis ay nariyan pa rin ito. Hindi sumusuko at sa halip ay patuloy siyang kinukulit nito para lamang madama ang pagmamahal ng binata.
Dalawang linggo ang nakalipas, may exam si Bernadette ng araw na iyon.
Nagmamadali siya.
Ilang tricycle na ang dumadaan sa bahay nila pero hindi siya hinihintuan dahil puno na ang mga ito.
“Ano ba! Hapon na, baka ma-late na ako!” inis na sabi ni Bernadette sa sarili.
“Nasa’n kaya ang ipal na iyon?! Ni hindi man lang nagpapakita sa akin!” sabi ng dalaga sa sarili.
Kaliwa’t kanang nakatingin si Bernadette sa pag-asang darating si Luis, pero ni anino nito ay hindi nagpapakita.
“Ano ba? Ba’t si Luis ang hinahanap ko? E, dami-dami namang dumadaang tricycle, e!” si Bernadette.
May humintong tricycle.
“Saan po kayo, Miss?” tanong driver.
“Sa iskul lang po, Manong,” si Bernadette sabay sakay ng tricycle.
Habang tumatakbo ang tricycle, hindi napigilan ni Bernadette ang kanyang sarili.
“Manong, puwede bang magtanong? Saan po ba si Luis?” ang dalaga na tila interasadong malaman kung nasaan ang binata.
Iyon kasi ang unang araw na hindi siya sinundo ni Luis.
“Po?! Ah, si Luis? Nabangga kahapon, nasa ospital!” seryosong sagot ng tricycle driver.
“Ha?! Bakit naman? Ano ba ang nangyari?” gulat na tanong ni Bernadette.
“Nawalan kasi ng kontrol ‘yung nakasalubong niyang malaking truck, hayun, sinalpok siya!”
“Manong, saang ospital siya dinala? Puwede bang malaman?”
“Bakit, gusto mo bang puntahan, Miss?” tanong naman ng tricycle driver.
“Opo! Puwede po ba?! E kasi, nag-aalala lang ako, eh!” si Bernadette na hindi mapakali nang mga sandaling iyon.
“Uhum, so bali diretso na tayo ng ospital at hind na tayo tutuloy sa eskuwelahan?” tanong uli ng driver.
“Oo nga po, eh! Sige na po! Bilisan n’yo! Baka hindi na natin siya maabutang buhay!” si Bernadette.
Hindi na sumagot ang driver, tahimik lang ito.
Comments