Bayaw Kailangan Kita
Bayaw Kailangan Kita.
“Putang inang buhay ito, kung gusto mo ikaw na lang mag-isa. Wag mo na ko abalahin sa pagtulog ko”.
Hay! Kay aga-aga, eto na naman ang aksyon sa bahay. Ang kawawang hipag ko, si ate Mae, isang System Analyst sa isang tanyag na accounting firm sa makati, batok at bulyaw na naman ang inabot sa kanyang asawa. Di lumilipas ang isang araw na hindi mabubulyawan at masasaktan ng desperado nyang kabiyak.
Si Von, dating pulis, asawa ni ate Mae. Sampung taon ang agwat ng kanilang edad. Natanggal sa posisyon dahil sa isang anomalya at tuluyan ng inalisan ng karapatang maging pulis. At sa kasamaang palad pa, naging baldado ang kalahati ng katawan dahil sa stroke gawa ng sobrang pag-inom mula ng alisin sya sa serbisyo. May isang anak si ate Mae kay Von, si Maricar, pitong taong gulang.
Si Jenny, ang aking magandang kabiyak, Programmer sa isang telecom company sa Quezon city, nag-iisang kapatid ni ate Mae at ang tanging hingahan ng sama ng loob ng aking hipag sa lahat ng kanyang problema, mapa-pinansyal man o emosyonal. Kapisan namin sa iisang bubong ang aking hipag at ang pamilya nya kasama si Nanay Bing-bing. May kaya ang pamilya ng aking asawa. Ancestral home nila ang aming tinitirahan at mula ng mamayapa ang aking byenang lalaki, si Von na ang naghari-harian sa bahay. Noong nabubuhay pa ang aking byenan, may mga pagkakatataon noon na muntikan ng mabaril ni tatay si Von dahil sa pananakit nya kay Ate Mae. Sa kabutihang palad naagapan ko agad at nakumbinsing wag ng ituloy ang kanyang balak laban sa aking bilas na si Von.
Sagad sa problemang pinansyal si Von at ate Mae mula ng matanggal sa serbisyo si Von. Dala ng pangangailangan sa pera, dahil sa kasong kinakaharap ni Von, naubos lahat ng naipundar ni ate Mae at pati na rin ang kotseng naipundar nya nung siya’y dalaga pa. Ultimong credit cards ni Ate ay nasagad din sa tindi ng kanilang pangangailangan.
May sarili kaming bahay at lupa ni Jenny subalit pinaupahan na lamang namin dahil na rin sa kahilingan ni Nanay Bing-bing na magsama muna silang magkapatid habang siya ay nabubuhay pa. May sarili rin kaming sasakayan na kadalasan ay si Jenny ang gumagamit dahil medyo may kalayuan ang aming lugar sa kanilang opisina. Isa akong internet café owner / technical consultant at ang shop namin ay malapit lamang sa aming tirahan.
Magmula ng lumala ang sitwasyon sa pagsasama ni ate Mae at Von, naapektuhan na rin ang privacy ng sarili kong pamilya. Malaki ang epekto kay Jenny at sa dalawa kong anak na 3 at 5 years old. Halos araw araw ay mga piping saksi sila sa bangayan at pananakit ni Von. Sa kadahilanang ayokong mamulat sa ganoong sitwasyon ang aking dalawang anak, nagdesisyon akong mag-apply sa ibang bansa at pinalad namang maging isang Software Engineer sa Singapore. Gayon din ang ginawa ni Jenny at sinuwerte ring matanggap sya bilang programmer sa isang sikat na telecom company sa Singapore. Tatlong araw mula ng tumuntong ang aking paa sa bansang aking pagta-trabahuhan, sumunod agad si Jenny sa kahilingan ng kumpanyang nag-hire sa kanya. Sinagot ng aking company ang unang buwan para sa renta ng condo na inupahan namin. Subalit ang dalawa naming anak ay naiwan sa kanilang lola Bing-bing. Ilang buwan din bago namin na-process and dependant’s pass ng aming mga anak at tuluyang nakapiling ang buo kong pamilya.Mula noon, nakaramdam ako ng tunay na katahimikan sa buhay, malayo sa sigalot at tensyon.
Dalawa ang kwarto ng condo na tinutuluyan namin at may isang maid’s room. Napilitang akong kumuha ng yaya ng 2 kong anak habang hindi pa namin nakukuha si Nanay Bing-bing. Kasama ng yaya nila ang aming 2 anak sa common room samantalang kaming mag-asawa ay sa umukupa ng master’s bedroom. Compared sa kalagayan namin sa Pilipinas na sa iisang kwarto lamang kaming mag-anak, dito ay malaya kaming mag-asawa na gawin ang gusto namin pagdating sa sex. Ngayon ay sadyang may privacy kaming mag-asawa. Nagagawa na namin ang lahat ng estilong sa movie lang namin dati napapanood.
Lalong kaming naging close mag-asawa mula ng bumukod kami at nag-ibang bansa. Naging maayos din ang pag-aaral ng dalawa kong anak. Hindi na namin nakumbinsing sumama sa amin si Nanay Bing-bing dahil naaawa sya kay ate Mae kaya’t di nya magawang iwanan ito sa mga kamay ni Von.
Lumipas ang isang taon at lumipat ako ng kumpanyang pinagta-trabahuhan. Na-assign ako sa permanent night shift. Magaan ang trabaho dahil sa server end naman at may mga assistant ako. Maluwag din sa tulog dahil may sarili akong office. Ang mga bata naman ay regular ng pumapasok, sinusundo ng service sa umaga at hinahatid din sa bahay sa hapon. Sa pagkakataong ito, minabuti naming hindi na ituloy ang kontrata ng katulong. Dahil malaki na ang oras ko para mag-asikaso sa 2 kong anak at sa bahay. Inako ko na lahat ng responsibilidad pagdating sa pangangalaga sa bahay. Linis, luto, laba wag lang ang plantsa.
Comments