Biglang Liko

Biglang Liko.

Tipikal na tricycle driver si Biboy. Maagang gumigising para pumasada. Kadalasan ay mga estudyante na pawang mga suki niya ang sakay ni Biboy tuwing umaga kapag panahon ng pasukan at mga nagtatrabaho naman sa construction at pabrika ang mga regular passenger niya kung bakasyon. Likas na masipag si Biboy. Kahit wala pa siyang pananagutan sa buhay ay talagang responsable siya at itinuturing na bread winner ng kanilang pamilya, Nakapila tuloy ang mga dalagang may crush sa kanya sa kanilang looban. Guwapo at macho na nga ay masipag pa. Sino ba naman ang hindi mahahaling sa kanya.

Dalawa sa pinakamasugid na fans ni Biboy ay ang Nursing student na si Kay at ang batambata at seksing teacher na si Ms. Yu…Len ang first name niya at madalas ay iyon din ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya pati na si Biboy. Dahil magkababata at matagal nang magkapitbahay, mas close siya kay Len at wala siyang sablay sa paghahatid at pagsundo sa dalaga kapag pasukan. Kahit ramdam ni Biboy na hindi lang kaibigan ang turing sa kanya ni Len ay hindi naman niya sinasamantala ang lihim na damdamin nito sa kanya para malapanlamang. Dahil sa katangiang ito ng binata, lalo lamangsiyang napapalapit sa loob ng guro.

“Naku…magkamali lang na magtapat sa akin ‘yang si Biboy ay hindi ko na talaga siya pakakawalan. Pakakasal kami isang oras matapos na sagutin ko siya.”wika ni Len habang kausap ang co-teacher niyang si Veron habang naglalakad sila papasok sa loob ng compound ng school.

Sabay kasi lagi na nag-aabang kay Biboy ang dalawang dalaga na parehong kababata at dating kaeskwela ng binata. Alas-7 ng umaga kung sunduin ni Biboy sa bahay nila sina Veron at Len habang alas-10 naman ng umaga ang pasok ng estudyanteng si Kay. Kung hawig sa artistang si Rhian Ramos si Len, carbon copy naman ni Marian Rivera si Kay. Contrast na contrast ang mga ugali at kilos nina Kay at Len. Magaslaw, makulit at pasaway si Kay dahil medyo bata pa habang tahimik at old fashioned ang huli. Kapag si Kay ang pasahero niya ay kung saan-saan muna ito nagpapahatid bago umuwi o pumasok sa school. Kaya kadalasan ay malaki ang nagiging bayad niya sa serbisyo ng binata. Pahirapan naman sa pagbabayad ang dalaga dahil ayaw tumanggap sa kanya si Biboy.

Ang katwiran nito ay ibabayad din naman niya sa iba yun kung sumakay siya sa mga kasamahan ni Biboy. Kapag ganoon na ang litanya ni Kay ay wala nang choice si Biboy kundi ang tanggapin ang perang ibinabayad ng dalaga. Takutin ba naman siya na hindi na sasakay sa kanya kahit kailan kapag hindi tinanggap ang bayad ng dalaga e, di mabilis pa sa alas kuwatrong inabot nito ang pera. Sa dalawang babae ay mas nakakahigit ang espesyal na pagtingin ni Biboy kay Kay. Noong minsan kasing nalasing ang binata ay naitsika nito sa kaibigan niyang si Tolits na type na niya si Kay at liligawan daw niya ito pag nakatapos na ang dalaga. Magkasama sila ni Tolits nang hapong iyon nang tawagin si Biboy ni Len.

“Bumaba ka muna, Tolits. Mukhang magpapaserbis yata sa akin si Len. Magkita na lang tayo mamaya,”wika ni Biboy sa kaibigan.

“Saan ang punta mo, Len? Bihis na bihis ka, a…mukhang hindi mo kasama ang sparring partner mo,” kantyaw ni Biboy na ang tinutukoy ay ang kaibigan nito na si Veron.

“Wala nga,eh…may sakit pareho nga kaming ninang dun sa kabilang subdibisyon sagot niya sa binata.

Alas-3 ng hapon ang binyag at nang sumakay si Len kay Biboy ay alas-2 pa lamang pero alas-8 na ng gabi ay magkasama pa ang dalawa dahil nasiraan ng motor ang binata sa ilang na lugar habang sila ay papauwi na. Ang sama pa naman ng panahon at nagbabanta ang malakas na pagbuhos ng ulan.

“Naku…wala pa naman akong dalang cellphone.” himutok ni Len habang nakaupo sa tabi ng tricycle na pinipilit paandarin ni Biboy.

” Matindi ang sira nito. Biyak ang block. Ang mabuti pa siguro ay ihanap na lang kita ng ibang masasakyan pauwi,”wika ng binata.

“Ay! Ayoko nga! Baka sa adik pa ako mapasakay ay ma-reyp pa ako. Iwan na lang natin dito ang motor mo at saka tayo umuwi.”

“Hindi nga puwede. Gusto mo bang makarnap dito yan!” sagot naman ng binata.

Ang ending magkasama sila habang ginagawa ni Biboy ang motor. Mag-aalas-9 ng gabi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ginaw na ginaw ang dalawa habang hinahaplit ng hangin at ulan ang tricycle na sinasakyan ng dalawa. Wala kasing trapal ang body ng sasakyan kaya’t tagusan ang hangin at tubig. Ilang minuto lang ay kapwa basa na ang mga damit nila. Naghubad na lamang ng kanyang t-sjirt at pantalon si Biboy dahil talaang grabe na ang pagkabasa niya. Kahit medyo naaalangan kay Biboy ay wala ring choice si Len kundi hubarin ang kanyang blouse at pantalon para hindi siya masyadong ginawin.

Comments

Scroll To Top