Dekada 80

Diniligan kami ng mga bala buhat sa mga helicopter. Ang aming mga snipper ay nagkalaglagan matapos banatan ng tangke de giyera ang kanilang pinagkukublian. Habang paatras kami ay inutos ko sa aking mga kasamahan na ‘wag nang magpaputok nang kanilang baril para hindi kami masundan ng mga sundalong humahabol sa amin. Nakaligtas ang ilan sa amin subali’t ang mga bangkay ng aming mga kasamahan ay hindi na namin natanggay kasabay ng aming pagkatakas. Habang naglalakad kami pabalik sa aming kuta, bigla kaming naalarma nang makaengkuwento namin ang isang grupo ng mga sundalo. Sumiklab na naman ang matinding bakbakan. Kanya-kanya sa pagtago. Nakipagpalitan kami ng putok sa mga kalaban. Sa loob ng mahigit kalahating oras na bakbakan ay todas ang mahigit 20 sundalo sa engkuwentrong iyon. Mabilis naming kinulimbat ang mga armas ng mga namatay na sundalo bago kami sumibat. Sumiklab naman ang matinding bakbakan. Kanya-kanya na sa pagtago. Nakipagpalitan kami ng putok sa mga kalaban. Sa loob ng mahigit kalahating oras na bakbakan ay todas ang mahigit 20 sundalo sa engkuwentrong iyon. Mabilis naming kinulimbat ang mga armas ng mga namatay na sundalo bago kami sumibat.

Sa loob ng ilang taong pakikibaka na magtagumpay kami sa aming hangarin na makamit ang demokrasya at kalayaan sa bansa, tila hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasusungkit ng mga dati kong kasama. Kasabay ng pagkakaupo ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986, sumuko ako sa pamahalaan kasama ang daan-daang kong kasapi sa kilusan. Marami nang buhay ang nalagas sa aming panig maging sa tropa ng pamahalaan pero sadyang ang pangarap naming pagbabago sa bansa ay nananatili na lamang pangarap. Masakit tanggapin na mawalan ka ng mga kaibigan dahil lamang sa walang kuwentang pakikipagbakbakan. Ito rin ang dahilan kung bakit ako sumuko sa pamahalaan. Nangangamba ako na lalo pang dumanak ang dugo dahil lamang sa hangaring pagbabago. Para sa akin, wala sa gobyerno ang pagkakamali kundi nasa tao. Sa ngayon, mas pinili ko pang mamuhay kapiling ang tatlo kong anak at aking misis na si Rowena, na dati kong kasama sa kilusan. Masaya kaming namumuhay ngayon dito sa Makati at ilang taon na rin kaming naninirahan dito. Matapos kaming sumuko noong 1986 ay kaagad kaming lumuwas ni Rowena dito sa Maynila para dito mamumuhay ng tahimik. Lumago naman ang aming negosyo at masaya ako dahil lumaking mabait at masunurin ang aming mga anak.

Ang panawagan ko na lamang sa mga kasapi ng makakaliwang grupong New People’s Army na hanggang ngayon ay patuloy na nakikibaka, tama na ang pagbabakasali na makamit ninyo ang sinasabi ninyong demokrasya para sa bayan. Marahil ay hindi ninyo nalalaman na ang labis nating paghahangad ay nauwi sa karahasan at bumuwis pa ito ng maraming buhay. Bumaba na kayo sa bundok para sumuko sa pamahalaan at mamuhay ng tahimik kapiling ang mahal inyong mahal sa buhay, tulad ng aking pamilya. Nawa’y magsilbing aral sa inyo ang kanta ng bandang Asin na may pamagat na “Gising na Kaibigan”, lalo na ang lyrics nitong; Kaysarap ng umaga lalo na’t kung ika’y gising. Tanghali maligaya kung ika’y may makakain. Ang gabi ay mapayapa kung mahal sa buhay ay kapiling. Kaysarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta.

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top