Driving School
Driving School.
Mainit ang ulo ni Elmer nang pumasok siya sa trabaho. Nag-away na naman kasi sila ng misis niya dahil madaling araw na itong umuwi at nakainom pa. Nitong mga nakaraang linggo ay naging madalas ang paglabas nito ng hindi nagpapaalam sa kanya kaya ang hinala niya ay may ibang lalaki ito, bagay na itinanggi naman ng kanyang asawa. “Puro ka na lang selos! Mga kaibigan ko nga ang kasama ko eh! Kung ayaw mong maniwala e di wag!” ang huli niyang narinig sa kanyang misis bago ito bumagsak sa kama at nakatulog ng hindi man lang nagbibihis.
Mabuti na lang at makikita niya ulit ang kanyang magandang estudyante sa driving school na si Leah. Kahit papaano ay mababawasan ang pagkabuwiset niya sa kanyang asawa. Laki sa States si Leah at pinauwi ito ng kanyang mga magulang sa Pilipinas para dito ituloy ang pag-aaral. Mahigit isang linggo niya na itong tinuturuan magmaneho, pero naudlot dahil nagkaroon ng problema ang sasakyang ginagamit nila at kailangang ipaayos. Wala ring ibang sasakyan na puwedeng ipahiram sa kanya dahil lahat ginagamit.
“Hi Elmer, are we good to drive today?” ang bati ni Leah sa kanya sa muli nilang pagkikita sa driving school. “Ah, yes Leah. The car is fixed already now. We will continue your driving lesson ok?” ang sagot naman ni Elmer sa kanya sa balu-baluktot na inggles.
Hindi maipagkakaila ni Elmer na may gusto siya kay Leah. Sino ba namang Adan ang hindi pagnanasahan ang isang Eba na katulad niya na bukod sa maganda ay napakasexy pa. Dahil lumaki sa States ay medyo liberated ito kaya madalas siyang nagsusuot ng maikling shorts at spaghetti strap na blouse, kaya naman busog na busog ang mga mata ni Elmer sa katitingin sa malulusog na dibdib at mapuputing hita nito habang nagmamaneho. Alam rin ni Leah tinitingnan siya ni Elmer, kaya minsan ay lalo pa nitong tinutukso ang driving instructor sa mga pagyuko at pagbukaka niya.
Habang binabagtas nila ang Edsa ay sinabihan ni Elmer si Leah, “Ok Leah, we will going to the Ortigas Avenue & then we will go to Libis”. “Not there again!” ang sagot ni Leah sa kanya. “We already went there like twice already, is there anywhere else we can go?” tanong pa niya. “Uh, ok. Let’s go to Makati and…” hindi na natuloy ni Elmer ang kanyang sinasabi dahil tumutol na naman si Leah, “Not there too! Look, I’ve gotten pretty good behind the wheel. Is there somewhere else you can tell me go to?”
“Buwiset itong babaeng ito, ah.” ang sabi ni Elmer sa sarili. “Ok we will going to Antipolo. You want that?” ang tanong niya kay Leah. “Great! Where is that place?” tanong naman ni Leah sa kanya. “I will just telling you the street you will go, ok?” ang sabi naman ni Elmer. Sa may overlooking sa Antipolo niya dati dinadala ang misis niya noong girlfriend niya pa lang ito, kaya medyo espesyal ang lugar na iyon para sa kanya.
Pinakaliwa ni Elmer si Leah sa U-turn slot sa may overpass sa Edsa Shrine. Nang malapit na sa Cubao ay pinakanan niya ito sa P.Tuazon, pagkatapos ay sa Katipunan. Habang binabagtas nila ang kahabaan ng Marcos Highway ay narinig ni Elmer sa radyo na darating na mamayang gabi ang bagyong ilang araw nang nababalita. Napansin niya rin na medyo makulimlim na ang kalangitan. “When we get to Antipolo, let’s not stay there very long ok, Leah. According to the news there is a typhoon coming tonight” ang sabi ni Elmer sa kanyang estudyante. “Sure, no problem” ang sagot ni Leah. “Wait, bakit naman palaging English ang answer mo? Didn’t I tell you before na nakakaintindi ako ng Tagalog?” ang sabi pa ni Leah sa kanya. Slang pa rin siyang pakinggan kahit nagsasalita ng Tagalog. “Ah, oo nga pala. Nakalimutan kong Tagalog pa rin kayo mag-usap doon sa bahay ninyo sa US” ang sagot ni Elmer sa kanya.
Nagkuwentuhan ang dalawa habang bumabiyahe. Naikwento ni Leah ang buhay niya sa US, kung paaano siya nalulong sa barkada at night life kaya niya napabayaan ang kanyang pag-aaral. Iyon ang dahilan kung bakit siya pinauwi sa Pilipinas ng kanyang mga magulang. Habang nagkukuwento si Leah ay halos hindi na kumukurap si Elmer habang nakatingin sa kanya. Matagal nitong pinagmamasdan ang angking kagandahan at alindog ng dalaga. Naikuwento naman ni Elmer ang tungkol sa kanyang asawa at ang mga napapansin niya kaya pinaghihinalaan niyang may kalaguyo ito: Ang madalas na paglabas ng walang paalam. Ang mga sweet na text na minsan niyang nabasa sa cellphone nito na galing sa isang di-kilalang numero, at kung anu-ano pa.
“Don’t worry, Elmer. I’m sure everything will turn out just fine” ang sabi ni Leah sa kanya, sabay patong sa kamay nito sa kanyang hita. Pakiramdam ni Elmer ay nakuryente siya nung mga sandaling iyon. “Besides, you’re a good-looking guy. I’m sure na maraming girls ang pag-aagawan ka in case na maghiwalay kayo ng asawa mo” ang dagdag pa nito, sabay kindat sa kanya. Uminit ang pakiramdam ni Elmer sa kanyang mukha at tenga, at hindi niya namalayang namumula na pala siya.
Comments