Ginto sa Putikan

Duon pa lang ay medyo nangatog na ang tuhod ng binatilyo. Pumasok sila sa bahay at dinala siya sa may kusina. Kahit bagong gising ay litaw pa rin ang ganda ni Aling Yvonne. Ang kutis ay talagang makinis at di na nito kailangan pang magmake-up. Sa kusina ay inaya siyang mag-almusal muna. Nakapagluto na ito ng bacon and eggs at meron na rin sinangag. Kahit nakapag-almusal na ay nakuha pa rin kumain ni Jojo. Para itong nagutom kasi ng makita si Aling Yvonne. Masaya naman nagkuwentuhan ang dalawa. Pero halata pa rin na tila may malaking problema si Aling Yvonne. Si Jojo naman ay di mapakali at kanina pa talaga nagtutumigas ang laman sa gitna. Tuwing tinitigan niya ang katawan niAling Yvonne at nahuhuli siya nito kaya medyo napapahiya ang binatilyo. Namumula tuloy ang pisngi nito. Aling Yvonne naman ay ngingitian lang si Jojo. Nalaman ni Jojo na nag-iisa rin si Aling Yvonne. Umuwi rin ang pamangkin niya sa probinsiya. Mga isang linggo raw ito.

Nalaman din niya na kaya pala nagmumugto ang mata ni Aling Yvonne ay dahil medyo nakokonsensiya sa kanyang kalagayan. Ang boyfriend daw niya ay di nakarating dahil may sakit ang anak nito. Tatlong araw na. Ang asawa naman nito ay parang nakakaramdam daw na may karelasyon ito. Kung kaya’t ito lagi ang pinagbabantay sa ospital. Magdamag raw sa ospital kung nagbabantay. Pakiramdam tuloy niya ay wala siyang importansiya sa kalaguyo. Siyempre kahit na mas mahal siya nito ay iba na rin ang may mga anak. Ayaw naman ni Aling Yvonne magkaanak dito dahil gusto rin niyang bumalik sa kanyang mga magulang balang araw. Ayaw niyang malaman ng magulang na tinakbuhan niya ang isang lalaking ayaw niya, pero babagsak lang ito sa isang lalaking may asawa na. Na siya ay naging isang kabit dito sa Manila.

Isa pa pagdating ng panahon pag kapwa sila magsawa sa isa’t isa, o mawala na ang pag-ibig ay muling mag-iisa si Aling Yvonne. Di naman puwedeng siya ang samahan ng lalaki. Isang bawal na pag-ibig na walang patutunguan. Walang kalinawan. Tanging pagkasawi ang kahihinatnan o paghihiwalay ng isang pamilya. Ayaw naman niyang maging sanhi ng pagkabroken ng pamilya ng lalaki kung kayat ayaw niyang humingi ng kondisyon. Alam niya kasi na napilitan lang ito ng pakasalan ang kanyang asawa ngayon, tradisyon. Mas matanda pa sa kanila at di kayang basta-basta iwasan o labanan. Habang si Aling Yvonne naman ay nalaman na walang magawa si Jojo ngayon summer kung kaya pinagpasyahan nitong nakiligo na lang sa pool. Humawak pa ito sa binti ng binatilyo at sinabing magbibihis lang siya at sasaluhan na lang siya sa pool.

Medyo naman lalong nanginig ang laman ni Jojo dahil dama niya ang init ng palad ni Aling Yvonne. Nang umalis na si Aling Yvonne para magbihis ay di agad nakatayo si Jojo. Nangangatog ang tuhod niya. At parang giniginaw siya o naiinitan. Makalipas ang ilang minuto ay nagpunta na ang binatilyo sa may likod, sa may pool. Nag-alis na siya ng t-shirt at lalangoy na sana pero natandaan niya na wala pa la siyang trunks. Puwede naman ang short niya pero papaano siya uuwi kung mabasa ito. Nasa pag-aalinlangan ang binatilyo ng dumating na si Aling Yvonne. Naka two piece ito. Parang binuhusan ng mainit na tubig ang binata. Ang two piece na suot nito ay yong mga suot ng mga contestant sa mga bikini competisyon na napapanuod sa cable t.v. Halos kapiranggot lang ito.

Flawless ang kutis nito wala kang makitang peklat o ano pa man. Talaga nga yatang lahing mayaman si Aling Yvonne. Halatang alaga ang balat.”O iho bakit di ka pa maligo” ang tanong nito. Medyo di agad makasagot si Jojo. “Eh … Ahno poo .. “ ang medyong pabulol na sagot nito. Tinitigan siya ni Aling Yvonne. Parang naghihintay ng sagot. “Eh ano?” ang sabi muli ni Aling Yvonne. Nakangiti na ito. Medyo nahuhulaan na kinakabahan ang binata. “Waala po kasi akong short ng pampaligo”. Sa wakas ay nakasagot din ng diretso ang binata. Lalong tumamis ang pag kakangiti ni Aling Yvonne. Hinawakan sa kamay ang binata at hinatak papunta sa maliit bahay malapit sa pool. Cottage ito para kung may bisitang gustong mag nite swimming ay maari itong gamitin. Di na nga mang-iistorbo sa mga tao sa bahay sakaling malalim na ang gabi.

Pumasok sila dito. May sariling aircon kung kaya’t puwede ka ng matulog dito kung mainit ang panahon. May maliit na sala at dining room. May kusina kung saan puwedeng magluto na rin at isang kuwarto. Sa kuwarto ay may isang kama na medyo maluwag para sa dalawa. Sa tabi ng kama ay may maliit na tokador. May salamin ito para sa babae kung nais mag-ayos at malapit sa pinto ay isang malaking apparador. Dito nakalagay ang mga tuwalya, t-shirt, blouse, short swimsuit at kung ano-ano pang-gamit na pangswimming. Meron din itong built-in na aparador na may laman mga tuwalya, damit at kung ano-ano pang gamit sa paglangoy. Kumuha si Aling Yvonne ang isang swimming trunks dito at ibinigay kay Jojo.

Comments

Scroll To Top