Sabik na Talik
Sabik na Talik
“Heto na siya pare, parating na!”
Sambit ni Bong na talagang sabik na sabik at galaw ng galaw sa kinauupoan sa gawing kanan ko.
“O, maghanda na kayo. Lagyan mo na ng pampatulog ang panyo mo Harold.”
utos naman ni Vic na may hawak ng manibela.
“Teka! Nasa’n na ang pampatulog?”
kinakapa-kapa pa ni Harold ang loob ng compartment na nasa harapan ng sinasakyan naming Van. Magkabi sila ng driver na si Vic.
“Wala sa’kin!”
sagot ni Joel na katabi ko sa backseat sa gawing kaliwa ko.
“Wala din sa’kin…”
dugtong ko na nakapagitna kay Joel at Bong.
“Susmiyo! Makalumang estilo na nga lang ng pangki-kidnap ang ginagawa na’tin, palpak pa!”
Kaming lima ay natataranta sa loob ng Van habang inaabangan ang pagdating ng target naming si Cristy. Hindi kami mapakali at mukhang napasubo na talaga kami. Lalong tumataas ang tensyon habang papalapit ang babaeng gusto naming biktimahin.
“O s’ya s’ya! Isuot niyo na ang mga bonet niyo, pati na ang maskara.”
sabay-sabay na kaming nag-ayos. Sabik na sabik ang apat, habang ako’y kabadong-kabado. Ewan ko ba kung bakit napasama ako sa palpak na kidnap for ransom gang na ito.
Tumigil ang babae sa isang waiting shed, tulad ng sinabi at inaasahan ng informer naming si Bong.
“Ok ka lang p’re?”
biglang lingon sa akin ni Harold.
“O-ok lang…”
pero ang totoo’y nanlalamig na ako sa kaba.
Ngayon ko lang gagawin ang bagay na ‘to, pero ginusto ko ‘to, at wala ng atrasan pa. Ito lang ang alam kong paraan para kumita ng mabilisang salapi bukod sa pagiging call boy, at alam kong mas malaki ang pera dito.
“Ayos lang yan p’re, masasanay ka rin sa ganitong klase ng kalakalan.”
patuloy ni Harold, nginitian pa niya ako bago tuluyang tinakpan ng bonet ang mukha niya.
Palibhasa’y dalawang beses na nila itong matagumpay na ginagawa. Haizt. Kung ‘di lang ako nangangailangan ng pera, hindi ko talaga gagawin ‘to. Sana lang sapat talaga ang dahilan ko para mapapayag ang sarili ko na ituloy ang isang ‘to.
“Teka! Sigurado ka bang siya nga ang subject?”
tinignan ng mata sa mata ni Vic si Bong, matalim.
“Ah, oo naman. Siya nga si Cristy, ang nag-iisang anak ng mag-asawang milyonaryo.”
ayon kay Bong.
“Sigurado ka ba sa inpormasyong nakalap mo p’re? Bakit sabi mo bata? Eh mukhang disi-otso anyos na ‘yan eh!”
si Harold.
Lahat kami ay nakatitig sa kinaroroonan ng dalaga mula sa windshield ng van, kung saan nakatayo siya ng nag-iisa sa isang waiting shed. Tulad ng sabi ni Bong ay dito hinihintay ng babae ang ride service niya.
“Hay naku! Wala naman akong sinabing bata siya ah?!”
sagot ni Bong.
“O tama na! Nand’yan na yan! Gawin na natin at nang matapos na!”
pagmamadali ni Vic.
“Oo nga! Dahil ilang minuto na lang at darating na ang sundo n’yan!”
dagdag pa ni Bong.
Heto na. Pinaandar na ni Vic ang makina ng sasakyan, para naman akong aatakehin sa sobrang kaba, at alam kong maging sila rin ay kabadong-kabado, hindi lang nila pinapahalata.
Ngunit bago pa man nagawang patakbuhin ni Vic ang sasakyan ay may biglang pumaradang kotse sa tapat ng babae.
“Naku mukhang naunahan tayo ng sundo niya!”
si Harold.
“Hindi ako pwedeng magkamali, hindi yan ang service niya!”
sagot naman ni Bong.
Bumaba ang isa pang babae mula sa pumaradang kotse sa tapat ng waiting shed, at pagkababa niya’y kaagad naring umalis ang sinakyan niyang kotse. Parang ibinaba lang ng kotse ang babae.
“Teka! Mama niya ‘yan!”
sambit ni Bong.
“Naku! Pag minamalas nga naman!”
si Joel.
“Akala ko ba sinusubaybayan mo ang isang ito ha?!”
tanong ni Vic kay Bong.
“Oo naman! Limang buwan kong pinag-aralan at sinubaybayan ang schedule niyan, pero hindi ko alam kung ba’t dumating ang mama niya ngayon.”
sagot ni Bong.
Nakiramdam muna kami, minamatsagan ng mabuti ang bawat kinikilos ng mag-ina. Silang dalawa lang sa waiting shed at kampanteng nakatayo. Ni hindi ata alintana na baka may mangyaring masama sa kanila ngayong gabi. Tiwalang-tiwala sila na kahit isang bodyguard man lang ay hindi nagsama. Mga milyonaryong hindi nag-iisip!
Mga ilang minuto pa ang lumipas at mukhang hindi na aalis ang Ina sa tabi ng anak niya. Mukhang sabay na silang uuwi ng bahay at hinihintay na lang ang kanilang sundo.
“O sige! Ibahin na natin ang plano. Silang dalawa na lang ang dudukutin natin!”
pagka-atat ni Vic.
“Sigurado ka ba boss? Hindi kaya tayo mabulilyaso niyan, atsaka sinong sasagot ng ransom?!”
“Tanga! Edi ang tatay niya! Kung ano-ano’ng iniisip mo d’yan! Hindi na natin ito pwedeng ipagpabukas pa.”
binatukan pa ni Vic ang nasa likod niyang si Joel.
“O, maghanda na kayo. Siguraduhin niyo ang mga kilos niyo ah! Wag n’yong kalimutan ang plano! Pagkalabas, buhat kaagad, wag niyong kakaladkarin at baka makatakas pa! Buhat ah! Buhat!”
paalala ni Vic.
Ba’t kasi sa dami ng kakalimutan, ‘yung pampatulog pa, humirap pa tuloy ang trabaho. Kinasa ni Harold ang hawak niyang eskwala, maging si Joel na nasa tabi ko, habang kami ni Bong ang naatasang dumakma at magsakay sa mag-ina. Pinatakbo na ni Vic ang van, habang ako ay nininerbyos ng husto. Nang mapatapat kami sa mag-ina, bigla nalang pumarada ang Van namin at mabilis na binuksan ni Bong ang pinto. Mabilis ang kilos kasabay ng panginginig ng mga tuhod ko. Pagkababa ni Bong ay niyakap agad niya si Cristy at binuhat.
Comments