Sabik na Talik

“Teka! Wala naman sa usapan ‘to ah! Atsaka, bakit ako?!”
pagtanggi ko.

“Gusto kong makita kung pa’no ka pumatay!”

Pagtingin ko sa mag-ina, hindi matanggal ang luha sa kanilang mga mata, parang nangungusap at nagmamakaawa.
Sa loob-loob ko ay hindi ko kaya, gusto kong kumita pero wala akong intesyong pumatay.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko at itinutok na lang ang baril sa kanila.

Bang! Bang! Bang! Bang!

Wala na akong ibang narinig kundi ang pagsigaw ng tumatangis na Ina.

“Anak! Anak! Anak!”

“Huh!”

Nagulat ako, napamulat at napabangon at napaupo sa kama ko. Pinagmamasdan ko ang paligid at napagtanto ko ang kinaroroonan ko. Sa kwarto ko.

“Hay… Panaginip lang!”
nasambit ko nalang at hindi talaga matanggal ang nerbyos ko.

“Anak! Anak! Anak!”
pati pagsigaw ni Mama ay sumasali sa panaginip ko.

Biglang kumirot ang kaliwang balikat ko.

“Aaahhhh”

Pagkapa ko sa balikat ko, nasalat ko ang sariwang sugat na medyo dinudugo-dugo pa.

“Huh!”
bigla kong naalala nang magawang sugatan ni Cristy ang balikat ko.

“Teka! Hindi kaya totoong nangyari ‘yon?”

“Anak, may naghahanap na mga pulis sa ‘yo!”
lalo akong kinabahan sa isinigaw ni Mama.

Paglabas ko sa kwarto, nakita ko kaagad si Cristy na may kasamang mga pulis, tapos bigla siyang umiyak at sinasabing;

“Siya nga po. Siya nga ang lalaking pumatay sa mga kasama niya at nagpatakas sa amin ni Mama.”

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top