Totoy Part 2
“Tatang.. nag rurugby ka ba?.. baka nag sosolvent ka?.. di nga po ako marunong manggamot.!” Medyo asar na ako.
“BASTA GAWIN MO NA !..” sigaw nya..
Nagulat ako sa pag alsa ng boses ni manong. Parang nag iba. Nag iba ang dating ng hangin sa akin. Parang uminit bigla ang paligid. Seryoso pa rin ang mukha nya. Nakaramdam na ako ng takot. Ginawa ko na lang ang pinagagawa nya para matapos na.
“Relax Tatang.. wag ka masyado highblood.” Kabado na ako dito kay manong.
Nagconcentrate ako. Sabi nya isipin ko daw na gagaling sya. Hinawakan ko ang tiyan ni manong.
“Mag concentrate ka sa loob mo. Hugutin mo ang lakas mo at ipunin mo sa palad mo. Tapos unti unti mong ipasa sa akin ang enerhiyang maiipon sa kamay mo” paliwanag nya.
Parang andami nyang alam. Dahil sa takot ko sa kanya, sinunod ko na lang ang inuutos nya. Pinikit ko mga mata ko. Hiniling ko na gumaling si manong. Parang nag iba ang nararamdaman ko. Parang may kung anong nangyayari sa kaloob looban ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman kong parang may gumagalaw sa mga ugat ko.
“Ganyan nga.. Ngayon kontrolin mo ang enerhiyang dumadaloy sa katawan mo. Ipunin mo lahat sa palad mo. At dahan dahan mong ipasa sa akin ang mga naipon sa kamay mo.” Dagdag pa nya.
Ang init ng pakiramdam ko. Para talagang may nagtatakbuhang kung ano sa ugat ko. Sinubukan kong sundin ang sinabi nya. Nag concentrate ako na maipon lahat sa palad ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nahihilo na ako. Parang lumalaki ang ulo ko. Inipon ko lahat sa kamay ko. Nawala ang init sa katawan ko. Napunta lahat sa palad ko. Ang init. Nag iinit ang palad ko. Parang may gustong lumabas.
“Ganyan nga.. ngayon ilabas mo at padaluyin mo sa katawan ko.” Makulit na dagdag ni manong.
Ginawa ko ang inutos nya. Pinasa ko sa kanya ang naipong enerhiya sa palad ko. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Naramdaman kong may lumabas na lakas sa buong katawan ko.
Napangisi ang matanda. Nagbago bigla ang itsura nito. Nawala ang nakakaawa effect. Nanlisik bigla ang mga mata. Ang dating itim na eyeballs, napalitan ng pula. Pero muli itong nanumbalik ng mapansing didilat na si Totoy.
“Maligayang pagbabalik.” Bulong nito.
Minulat ko ang mga mata ko. Nanlabo ang paningin ko. Una kong napansin ang nakangiting mukha ni manong.
“Ok na po ba kau?” bigla parang nanghina ako.
Nag thumbs up sign si manong. Tinitigan nya ako sabay tinuro ang ilong ko. Naramdaman kong parang may umaagos sa labi ko. Sinalat ko ang ilong ko. Dugo! Napatingin akong muli kay manong. Naging nakakatakot ang itsura nito. Nahilo ako. Umiikot ang paligid ko. Tinulak ako ni manong at napasadlak ako sa lupa. Di ko na talaga kayang dumilat pa. gusto kong sumuka. Parang hinahalukay ang sikmura ko. Dumilim ang paligid. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Nahulog ako sa malalim na pagkakatulog.
“Anung ginagawa nya dito?. Hindi nya pa oras!. Bakit mo sya pinakialaman?” boses babae.
“Nakita ko syang nakahandusay sa lupa. Walang malay. Baka may mangtrip sa kanya kaya dinala ko na dito. Mukhang nagising na sya.” Sagot ng isa pang babae.
Tumahimik ang dalawa. Gusto kong magmulat ng mata para Makita ko sila. Pero parang may kung nakadagan sa mga talukap ng mata ko. Di ko magawang maimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong magsalita. Pero mas nagulat ako, walang bosese na lumabas sa bibig ko.
“Hindi sya nagising, may gumising sa kanya. Di ko alam kung sino o ano. Hindi pa nya oras.”
“Anung gagawin natin ate?.” Tanong ng pangalawang boses.
“Iuwi mo na muna sya. Mauuna na ako sayo, kailangang malaman ito ni AMA.” Sagot ng unang boses.
“Pero babantayan ko na ba sya?.”
“Panu mo babantayan ang mas malakas sayo?” natawa ang unang boses.
“Kahit na!. baka kailanganin nya ako. Maiintindihan ako ni AMA alam ko.”
“Sus.!. kunwari ka pa. Sige. Alisin mo ang alaala nya tungkol sa nangyari kanina. Baka sakaling masarhan natin ang kapangyarihan nya. Oh paano sis.. Got to go!. “
“Ok ate. Akong bahala sa kanya. !.”
This time. Talagang inubos ko na ang lakas ko para magmulat ng mata. Nagawa ko. Pero konti lang ang nakita ko. Maliwanag. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Sinanay ko ang paningin ko sa liwanag. Parang may kung anong lumipad. Nakita kong kumakaway ang isang babae. Lumingon ito sa aken. Parang nagulat sya pero maya maya ngumiti na rin. Lumakad ito papalapit sa akin. Tumabi sya sa pagkakahiga ko.
“Mukang di effective powers naming ni ate sayo. Nagising ka pa rin.” Nakangiti nyang sabi saken.
Binuka ko bibig ko para magsalita. Pero walang boses na lumabas. Natawa lang sya. Nagulat ako sa ginawa nya. Bigla nya akong hinalikan sa labi. Di ako makapaniwala. Parang biglang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko. Ang kanina kong nanlalantang katawan, parang na charge. Ninamnam ko ang mga halik nya. Bihirang pagkakataon na to, samantalahin na. Sarap na sarap na ako sa halikan naming ng bigla syang tumigil. Umibabaw sya sa akin at tinitigan ako. Nakangiti pa rin sya. Mukang patay na ata ako at eto ang isang anghel sa harapan ko. Pero nakipag lips to lips?.
“Ako si Mae. Kamusta ka na Romeo?. Pwede ka ng magsalita.”
Umungol ako. May boses na nga ako.
“Anung nangyari sakin?. Nasan tayo?. Sino ka? Sunod sunod kong tanong.
Ngumiti lang sya. Nagulat na naman ako sa ginawa nya. Hinalikan na naman nya ako. Pero this time, parang inaantok na naman ako. Bumigat muli ang mga mata ko. Kahit anong paglaban ko, talagang pumipikit ang mga mata ko. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa tenga.
“Sleep tight my dear”. Sabay kagat sa tenga ko.
Nahulog na naman ako sa kadiliman.
What did you think of this story??
Comments