Totoy Part 3
Totoy Part 3.
TOTOY “TOTOY!.” Tawag ni lolo kay totoy kasabay ng medyo malakas na pag alog sa balikat. Magandang mukha ang aking natatandaan. Mahinhing ngiti at pamatay na katawan ang nasa harapan ko. Para syang anghel na galing sa walang humpay na pagtatalik. Lalo akong napangiti sa naisip ko. “Aba’t talagang nang-aasar ang damuho. TOTOY !. Late ka na!.” lalong nilakasan ni lolo ang pag ayog sa katawan ko na animo’y sinasapian ako ng masamang ispiritu.
Napakagandang nilalang. Gusto ko syang halikan. May naririnig akong boses na parang tumatawag sa pangalan ko. Hayaan mo sya. Masyadong masarap ang pakiramdam ko para lang pansinin kung sino mang tumatawag sa maganda kong pangalan.
“Aba’t ngumingiti pa!., teka nga..” inis na sabi ni lolo sabay pingot sa matangos kong ilong.
Magandang mukha sa magandang kapaligiran. Animo’y langit ang kinalalagyan ko. Pero parang sumisikip ang hangin. Hindi ako makahinga. Hindi ko na matiis.!
“Oh di nagising ka.?. “. Nakangisi si lolo na animo’y may ginawang nakakatawang bagay.
Kumurap kurap ang mga mata ko. Unti unti kong sinanay ang paningin ko sa kapaligiran. Nasa kwarto ako. Wala ang babaeng kanina lang ay humalik sa mga labi ko. Mukhang panaginip lang ang naganap. Nakita ko ang asar na mukha ni lolo. Napangiwi ako, bakit kaya nandito ito ke aga aga?. Umaga? Napatingin ako sa relo sa tabi ng kama ko. 7:43!, 17 minuto na lang. at gisado na naman ako sa terror teacher namin. First subject pa naman kaya sigurado timplado ang araw sa buong maghapon. Buong maghapon kang asar talo. Napabalikwas ako ng bangon. D ko na napansin si lolo. Tumakbo ako sa lababo para mag sepilyo at diretso sa banyo para maligo. Nakapag basa na ako ng maalala ko na wala pala akong twalyang dala. Ok lang naman. Pareho naman kaming lalaki ni lolo. Lumabas ako ng banyo sabay takbo sa kwarto, d na ako nag abala pa na magtakip sa aking totoy. Pagdating ko sa kwarto, simbilis ng kidlat akong nagbihis pampasok. Parang ayokong tingnan ang relo. Parang pakiramdam ko ay ngingisi ito sa akin at sasabihing wag na lang akong pumasok. Nakakaasar! Bakit ba naman kasi ako tinanghali ng gising. Di naman ako ganito. Di ko na pinansin ang mga nangyari kagabi. Kung sana nakakateleport lang ako, ginawa ko na. Paglabas ko ng banyo hinanap ko si lolo para magpalaam. Pero mukhang nauna na itong magpunta sa palayan. Di ko na nakuhang mag almusal. Tinakbo ko na ang paaralan.
Para akong hinabol ng sampung maligno. Nakalapit na ako sa pinto. Bago ako tuluyang nagpakita sa mga kaklase ko, huminga ako ng malalim. Late ako ng 23 minutes. Hinanda ko na ang sarili ko sa malawakang pagsabog ng bunganga ng mayon. Nagpunas muna ako ng pawis. Niready ko na ang pinraktis kong alibi. Hmm, its now or never. Sumilip ako sa pinto. Humanap ako ng malulusutan, hanggat maaari ayaw kong may makapuna na late ako. Hmmm, parang may multo sa loob, tahimik ang buong kwarto. Malas, mukang nanenermon na naman si Mrs. Tapya. Nakita na ako ng isa kong kaklase.
Sumenyas ako ng wag maingay. Pero mukang di ko araw ngayon.
“Mam, si Totoy po. Nasa labas.”
Napamura ako sa isip ko. Nagtawanan ang klase. Napilitan akong harapin ang isa sa mga bangungot ko. Sana naman wag akong masyadong apihin nitong walang puso kong guro. Ang saya saya talaga ng simula ng araw ko.
“Hi.” Boses babae.
Nagulat ako sa boses. Parang boses galing katatapos lang na pagtatalik. Hinanap ko ang pinanggalingan. Nakapagtatakang walang sumisigaw. Napabaling ako sa upuan ni Mrs. Tapya. May babaeng nakaupo doon at nakangiti sa aken. Anghel? Yun ang unang pumasok sa utak ko. May anghel sa upuan ni Mrs. Tapya, nakangiti ito sa akin.
“Ahm, I’m Totoy. Im sorry I’m late.” Hinging paumanhin ko.
“It’s ok Totoy, please take your seat. By the way, I’m your new teacher since Mrs. Tapya is on her vacation. Guys, I want us to cooperate to make this meeting very interesting and knowledgeable” sabi nya.
“Yes, Ma’am”. Sabay sabay na sabi ng mga kolokoy.
Kaya pala parang namaligno mga kaklase ko. May anghel pala na magtuturo sa amin bilang substitute ni Mrs. Tapya. Mukang sasarap ang klase pag sya ang nasa harapan mo. Sinipat ko ang mga lalaki kong kaklase. Para silang nangangarap ng gising. Malamang kung saan na umabot ang panaginip nila kay Mam. Teka anu nga palang pangalang ng diwatang nasa harapan ko?.
“Im Mrs. Arnie Santos by the way Totoy.” Parang nahulaan nya ang iniisip ko.
Napangiti na lang ako sa kanya. Nakakatulala nga naman talaga. Lumipas ang maghapon na parang saglit lang. parang ayaw pang umuwi ng mga kaklase kong lalaki. Maski ako aminado na ayaw ko pang umuwi para makasama ang mala pornstar na teacher naming. Pero naalala kong kailangan ko nga palang puntahan si lolo. Naglakad na ulit ako pauwi.
Dating gawi. Parang normal na araw lang. Di ako yung tipo ng ibang kabataan na mabisyo. Masaya na ako sa buhay namin ni lolo. Nakwento nya na sa akin na namatay ang mga magulang ko sa aksidente. Walang kwentang aksidente. Minsang sabay na namelengke ang mga magulang ko, sakay ng pampasaherong tricycle, nakasalubong nila ang rumaragasang truck ng graba. Mukang nakatulog ang driver sabi ni lolo. Parehas walang nabuhay sa magkabilang panig. Bata pa raw ako nun. Kuntento naman ako sa buhay naming. Pero di talaga mawawala na minsan mainggit ako sa mga kaklase ko. Kumpleto. Hayz. Binagtas ko ang gilid ng makipot na kalye. Di pa masyadong maayos ang daanan sa amin. Halos isang oras ang lakarin papuntang pribadong paaralan mula sa bahay. Naalala ko kung paano ako nakapag aral sa mamahaling eskwelahang iyon.
Minsang ginabi ako ng uwi galing sa palayan. Masaya ako dahil marami kaming ani. Pagmamay ari ng pamilya ni Don Lucio ang nasabing sakahan na pinagpapala namin ni lolo. Masaya bamaga’t simple ang pamumuhay namin. Sa di kalayuan, may napansin akong parang nakaparadang sasakyan. Wala namang kakaiba dito bukod sa nakaharang ito sa gitna mismo ng daan. Nang malapit na ako, napansin kong parang walang tao sa loob. Sinilip ko ito. Wala nga. Kinabahan ako. Baka kung napaano na ang driver nito.
“Saklolo!” paos na boses galing sa matanda.
Sinipat kong mabuti ang kalye. May gumalaw sa likod ng kotse. May tao!. Dali dali kong pinuntahan ang taong yon. Matanda. Hawak nito ang puso na mukang inaatake. Di na ako nagdalawang isip pa. Medyo sanay na akong saklolohan ang ganitong eksena. Minsan kasi inaatake si lolo. Niluwagan ko ang kwelyo ng damit nya, sabay masahe sa batok at parteng puso nito. Unti unting naging normal ang paghinga ng matanda. Hanggang sa wakas eh naging normal na nga.
“Salamat iho.” Paos paring tinig nya.
“Wala pong anuman.” Sabi ko.
“Maaari mo bang isagad na ang tulong mo apo?. , Pwede mo bang dalhin ako sa kubong yon para makahingi tayo ng tulong?. “ utos nito na agad ko naman sinunod.
Dahan dahan ko syang inalalayan papuntang kubo. Kumatok kami at nanghingi ng tulong. Bumukas ang ilaw. At lumabas ang may ari. Kilala ko ito. Magsasaka ring paris naming. Nagulat ako sa tinuran nya.
“Don Lucio!” sigaw nito.
Comments