Totoy Part 6

May tumikhim kaya bigla akong kumalas…Andun na pala yung lalake at masama ang tingin nito sa amin.. Marami syang bitbit na pagkain na nasa tray.. Tumayo ako at tinulungan ko syang ilapag sa bench lahat..

“Thanks…Jake.. You can go..” sabi ni Joan..

Nagulat ang lalake..

“Ha.?.. I thought the food was for us?..Akala ko tayong dalawa ang kakain kaya pera ko ginamit ko pambili dyan..” sabi ni Jake..

Tumawa lang si Joan..

“Nah. These are for us..Well.. Magkano ba nagastos mo?..Bayaran ko na rin yung pagbili mo at paghatid dito..” sabi ni Joan.

Napamura ang lalake at masama ang tingin nya sa akin..

“No.. Its ok .. Im cool… Treat ko na lang sa inyo.. ” sabi ni Jake sabay abot ng wallet kay Joan..

Bago pa sya umalis ay tumingin muna sya sa akin ng masama..

“Don’t worry pretty much about him.. Ako bahala sayo..” sabi ni Joan habang inaayos ang pagkain..

Napailing na lang ako..

“Thanks ah..Ang dami naman nito.. ” sabi ko..

“Eh.. Engot yung mokong na yun eh.. Akala nya sya yung kakain kaya dinamihan siguro.. ” tumawa sya kaya natawa na rin ako..Naguilty ako bigla..

“Hey.. Eat ka lang.. Yaan mo lang sya noh..Mayabang kaya yun..” sabi ni Joan sabay subo sa akin ng pagkain..

Tinanggap ko naman ito agad… Nagsubuan pa kami… Nagtitinginan na ang mga dumadaan sa amin pero wala kaming pakealam.. Kanya kanyang trip lang yan..

Nabuos ang pagkain namin … May lumapit na gwardya sa amin..

“Oops.. Teka kuya.. Lilinisin namin toh..” sabi ko agad kaya natawa si Joan..

Napangiti din yung gwardya at umiling..

“Bopols.. Ahmm Miss.. May naghahanap sayo sa labas.. Mommy mo daw.. Ayun o.. ” turo ng gwardya..

Nakita namin ang isang puting kotse at may babaeng kumakaway sa loob.. Bumubusina pa ito..

“Oh Shet I forgot… May lakad pala kami ni Mom.. By the way Thanks ulit ha?.. Di pa ako nakakabayad ng lubos.. Pero just wait..” kindat nya..Bigla nya akong hinalikan sa labi.. Smack lang ito pero nahiya ako sa gwarya.. Natawa lang sya at sumipol pa..

Halos tumakbo si Joan papuntang gate.. Kumaway pa sya sa akin bago sumakay… Tumawa yung guard at bumalik na sa pwesto nito..

Tahimik ko naman inimis ang kalat at tinapon sa basurahan.. Kinuha ko ang tray at hinatid ko sa canteen.. Bumili ako ng tubig para maging armas ko sa pag uwi…

Mahabang lakaran na naman kaya kelangan ko ng pamatid init..

30 minutos bago ko narating ang kubo namin ni Lolo.. Tagaktak na naman ang pawis ko .. Dali dali na akong pumasok at naghubad… Hinubad ko ang lahat ng saplot ko at naghanap ng pamunas sa pawis.. Malamang nasa bukid si Lolo.. Magaan lang naman ang gawain nya.. Parang supervisor lang dahil may nakuha na syang taga ani at taga saka ng palay..Nahiga na lang ako sa kama at mamaya ko na sya pupuntahan.. Agad akong nakatulog ..

Nagising ako ng madilim na… Bumalikwas agad ako ng bango at agad na nagbihis… Dalidali kong hinanap si Lolo.. Natagpuan ko sya sa kusina at nagsasaing..

“Lo.. Sorry.. Nakatulog ako.. Ako na po dyan..” sabi ko kay Lolo.

“Sus na batang to.. Ayus lang yun.. Madali lang ito.. Kakain na tayo.. Nakaluto na ako ng pakbet… Hala.. Ihanda mo na yung lamesa at tapos na to..” taboy sa akin ni Lolo..

Agad kong pinunasan ang lamesa.. Naglagay ako ng dalawang plato at isang mangkok para sa kanin…Sumandok ako ng ulam.. Umalingasaw ang mabangong amoy ng pakbet at natakam na agad ako..Nang matapos ang sinaing ay ako na rin ang nagsandok ng kanin.. NAghugas kami ng kamay at sabay na umupo sa lamesa… Pag upo ko ay nagulat ako.. May biglang gumalaw sa upuan ko…Humiyaw ako at napasigaw..

“Langya ka Mirana!.. Alis dyan!.. Mamaya ka na!.. Kami muna ni Lolo at wala ka naman tinulong eh..!.” sabi ko at natawa si Lolo…

Kinuha nya ang kapirasong latang kainan ng pusa nya at nilagyan ng kanin at ulam.. Napailing na lang ako muling naupo..

“Hanep..ah.. Parang nagdadasal pa ang mokong oh..” natawa kami pagkat para ngang dinadasalan ni Mirana ang pagkain nya.. Pagtapos nito ay tumingin ito ng masama sa akin at umirap..

Di ko napigilan kaya sumambulat ako sa tawa..

Masaya kaming kumain…Matapos nito ay tinaboy ko na si Lolo para makapagpahinga..

Habang naglilinis ako ay binabantayan ako ni Mirana..Di ko maintindihan kung bakit parang naiilang ako sa mga titig nya..

“Putris ka.. Dun ka nga!.. ” taboy ko.. Pero di nya ako pinansin..

Tinuloy ko na ang paglilinis… Biglang pumasok si Lolo..

“Oy.. Apo.. I forgot the basket over the bukid..” sabi ni Lolo.. Nagtawanan kaming dalawa..

“Okay … Kunin ko Lo..Tutal maaga pa.. San banda ba?..” sabi ko..

“Dun ata sa puno na tambayan ng tropa..” sabi nya..

Muli akong natawa… Yung tropang sinasabi nya ay kapwa nya mga gurang.. Mga solid na dabarkads ni Lolo nuong panahon pa ng gyera..

Comments

Scroll To Top