Totoy Part 6

“Sure Lo.. Mag beauty rest ka na at ako na bahala..” sabi ko na lang.

“Sama mo si Mirana.. Para may bodyguard ka..” sabi nya kaya natawa ako..

Pero seryoso ang mukha ni Lolo..

“Okay..” sabi ko na lang..

Matapos kong maglinis ay nakita kong natutulog si Mirana sa lamesa.. Dahan dahan ko syang tinakpan ng pangtakip ng ulam namin at pigil ang tawang lumabas ng bahay..Di ko alam ang nararamdaman ko pero naaaliw talaga ako kapag inaasar ko sya..

Dahan dahan akong tumalilis ng bahay.. Isasara ko na sana ang pinto pero nagulat ako ng dambahin ako ni Mirana….Tawa ako ng tawa pagkat imbes na kalmutin ay parang sinasakal nya lang ako..

“Oy.. Sorry na.. Joke lang..” tawa ko sabay baba kay Mirana..

Tahimik namin binagtas ang daan papuntang bukid..

Pagdating namin sa bukid ay nahirapan akong makita ang sinasabi ni Lolo.. Nakatayo ako sa puno na tambayan nila pero naikot ko na ito.. Wala pa rin ang nasabing basket..

Lumipas ang ilang minuto at sumuko na ako sa kakahanap …Baka inuwi na ito ng isang tropa ni Lolo.. Umupo na lang ako sa puno at pinagmasdan ang paligid…Malawak na kadiliman lang naman ang nakikita ko at taniman ng palay..Napansin kong nakatulog si Mirana sa kandungan ko.. Hinaplos haplos ko sya at parang kapatid talaga ang turing ko sa kanya.. Maya maya nakaramdam ako ng antok.. Nagpasya akong mahimbing muna saglit..

Malalim na ang gabi ng magising ako.. Wala na si Mirana sa kandungan ko.. Mukang nauna ng umuwi ang ungas na yon.. Di man lang nanggising..

Iinot inot ang tumayo .. Pinagpag ko ang pwet ko at tinahak ko na ang daan pauwi..

Habang nasa daan may nakita akong lalake sa di kalayuan.. Nakatayo lang sya..Di ko maaninag ang itsura nya dahil medyo madilim na… Habang lumalapit ako ay parang nakikilala ko na ang isang ito.. Ng eksaktong tumapat ako sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko..Yung matandang ginugulpi nila Ka Isko na tinulungan ko..Nakasuot ito ng purong itim..Pati sapatos..

“Oy..! Musta Manong?..” bati ko..

Nanatili lang syang nakatigin sa akin.. Seryoso ang mukha.. Kinutuban na ako sa isang ito..

“Hmm.. Taray mo Nong ah.. Suplado ka pala sa personal eh..” iiling iling na lang ako..

Mukhang lakas tama ang isang ito.. Ni di man lang nagpasalamat sa pagtulong ko sa kanya.. Akma na akong aalis ng biglang hawakan nya ang braso ko.. Nagulat ako pagkat ang higpit ng pagkakahawak nya sa akin..

“T-teka Tatang..M-masakit..” ngumiwi ako ng bitawan nya ang kamay ko..

Lumatay agad ang hinawakan nya.. Nanlaki ang mata ko pagkat biglang nangitim ito..Napabaling ang tingin ko sa kanya..

“Oy..Look mo o.. Anu ba problema mo?..” sabi ko sa kanya..

Nanlisik ang mga mata nya at ngumisi..

“Sorry..” sabi nya pero parang labas sa ilong..

“Sorry.. Sorry sorry pero tapos na eh.. Sige Tatang ok lang.. Ingat na lang kayo..” sabi ko at akmang aalis na sana ako ng tawagin nya ako sa ibang pangalan..

Napabaling ako sa kanya…

“Come again?.. Sinong Romeo?..” tanong ko.. Hawak ko pa rin ang kamay ko..

Ngumisi ulit si Tanda..

“Nevermind… Patingin nga ng braso mo..” sabi nya at biglang inagaw ang braso ko..

“A-aray.. Dahan dahan naman ho..” sabi ko…

Tumawa lang sya at tinitigan ang braso ko..

“Sus.. Kaliit na pasa.. Kayang kaya mong pagalingin yan..” sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ko.. Kung ganun di nga panaginip ang nangyari sa pagitan namin ni Ka Isko.. Talagang napaaway nga ako sa kanila..Tumitig lang ako sa matanda…

“T-totoo pala yun.. Kala ko panaginip lang.. ” nauutal ako..

“Thats was true..Di ka normal na tao.. Or should I say na di ka talaga….tao?.” sabi nya..

Talagang nagugulahan na ako sa mga pinagsasabi ng matandang ito..

“H-ho?..Nag dadrugs ba talaga kayu Tatang?..” pilit kong iwinawaksi ang sinasabi nya..

Napakaimposimble pero eto nga..

“Hayz.. Natatandaan mo ba yung mga sinabi ko sayo?.. Nung pinagaling mo rin mga pasa ko?..” sabi nya at nagbaliktanaw ang isip ko..

Tandang tanda ko pa.. Parang kahapon lang nangyari..Tumango ako kay Manong.. Ngumisi na naman sya at binitawan ang braso ko..

“Good.. Gawin mo ulit.. This time alam kong mas madali na sayo..Go..” sabi nya..

Pinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang braso ko.. Tulad ng sinabi nya nuon.. Nagconcentrate ako.. Biglang parang nahirapan akong huminga.. Tinapik nya ang pisngi ko kaya napadilat ako… Napasigaw ako pagkat nag iba ang itsura ni Tanda..

“Holy shet.. Malignoooooo..” sigaw ko pero bigla nyang tinakpan ang bibig ko..

“Tangna ka.. Napakabakla mo.. Para ito lang eh.. Eto talaga ako..” sabi nya..

Napailing iling ako sa pagkabigla.. Nanlalaki ang mga mata ko sa kakatitig ko kanya.. Kumapal ang kilay nya… Tumaas sya bigla at namumula ang mata…

“Gawin mo na.. Nevermind my appearance na.. Dalian mo at may meeting pa ako..” sabi nya…Minadali nya na ako..

Comments

Scroll To Top