Totoy Part 6
Muli akong nag concentrate.. Di naman siguro nya ako sasaktan.. Gagawin ko na lang ang pinapagawa nya para matapos na.. Muli kong naramdaman ang bigat ng hangin.. Parang nanikip na naman ang paghinga ko.. Bumilis ang pagdaloy ng dugo ko at parang may kung anong gustong lumabas..
“Hoy bopols.. Wag mo basta paikutin.. Ipunin mo sa palad mo.. Hay nako .. Too slow naman tong isang to..” sabi nya..
Ginawa ko ang sinabi nya.. Nag concentrate ako at inipon ko ang umiikot na pwersa sa palad ko.. Nag init bigla ang braso ko…Biglang nakaramdam ako ng kaginhawaan…
Tumawa sya kaya napadilat ako.. Nginuso nya ang palad ko ang nanlaki ang mga mata ko.. Sunog ang kanang kamay ko..NAgulat ako at napasigaw..
“Oy.. Panu to?..” sabi ko sa kanya…Taranta kong pinunasan ang palad ko.. Di naman sya masakit pero warm ang pakiramdam ko..
“Engot ka kasi.. Dapat konting pwersa lang ginamit mo..” sabi nya sabay tawa ng malakas..
Nanlumo ako at tiningnan muli ang palad ko.. Shet.. Talang sunog na ito..
“Gagaling yan.. Pag natuto ka na .. Marami ka pang kayang gawin..” sabi nya..
Naguluhan ako.. Pero nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nyang gagaling daw ito..
“Teka teka.. Anu ka ba?.. Bakit mo sinabing di ako tao?.” sabi ko..
Litong lito talaga ako..
“Hays.. Ganito lang yan eh..Di ka tao.. Tapos..” sabi nya at tumawa na naman..
“Anu ako kung ganun?..” tanong ko..
Parang napaisip sya..
“Well.. Ganito na lang isipin mo.. Kumbaga sa basketball.. Freelance ka.. Wala ka pang team.. Wala kang pang pinapanigan.. So dapat ngayon pa lang matuto ka ng mamili.. Mas maganda sa team namin.. Mas maraming happenings..” sabi nya at ngumisi sya..
“Anung team?.. Anu ka ba?..” sabi ko..
Tumawa lang sya at nagbago na naman ng anyo..Bigla syang nagkasungay at lalong nanlisik ang mga mata..
“OH eto.. Anu ako?.. Look o..” sabay turo sa sungay nya..
Napaatras ako .. Di ako makapagsalita dahil parang umurong ang dila ko sa takot..
Bumalik sya sa normal na matanda … Tawa lang sya ng tawa…
“Hay..Ah basta.. Pag nakapili ka na .. Tawagin mo lang ako…Ako si Dagon..” sabi nya..
Tumawa lang sya pagkat parang tulala pa rin ako.. Natigil ang tawa nya at napamura bigla..
“Shet naman o.. KJ.. Sige.. Kitakits..” sabi nya at bigla syang nawala..
Tulala pa rin akong nakatingin sa kawalan.. Para akong robot na pumihit papuntang bahay..Nagtataka rin ako kung sino ang sinasabihan nyang KJ..
Pauwi na ako ng makita kong tumatakbo si Mirana palapit sa akin at masama ang tingin.
Di ko na lang sya pinansin at kinarga pauwi.. Napangiti na lang ako ng yakapin nya ako.
“Kaw kasi… San ka ba nagpunta? Iniwan mo ko dun ah” lambing ko sa kanya.
Nakauwi na kami ng bahay.. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako pagkat nakatayo si Lolo at seryosong nakatingin sa akin.
What did you think of this story??
Comments