Tuksong Mahirap Pigilan
Makalipas ang ilang araw. Naging kakaiba ang bawat araw na nagdaan kay Agnes. Balisa siya at madalas na matamlay. Pinipilit na lamang niya ang sarili na kumilos sa gawaing bahay para hindi makahalata ang mister niya. Sa mga nakalipas na araw, hindi pinagbigyan ni Agnes ang mister na makipagtalik sa kaniya. Gumawa na lamang siya ng iba’t-ibang dahilan para lang hindi masipingan ni Carlito. Isang umaga. Naliligo si Agnes sa banyo. Abala siyang nagsasabon sa tapat ng dutsa. Nabigla siya nang may katawang tumabi sa kaniyang likuran. Hinahagod ng isang kamay ng lalake ang kaniyang basang braso. Napangiti si Agnes. Kilala niya kung kanino ang kamay na iyon—Kay Greg. Humarap siya kay Greg. Sabik silang naghalikan. Yumakap ang hubad na katawan ni Agnes sa nakahubad na si Greg. Isinara ni Greg ang pinto ng banyo. Sa kabilang kanto malapit sa bahay ni Agnes, naglalakad naman si Carlito patawid ng kalsada pauwi sa bahay nila.
What did you think of this story??
Comments