Ulirang Asawa

Ulirang Asawa

Apat na taon nang kasal sina Joana at Padi. Si Joana ay 28 gulang pa lamang at si naman Padi ay 31 na ngunit wala pa rin silang anak dahil ayaw pa ng lalaki. Parang dalaga pa rin ang seksing pangangatawan ni Joana. Malinis at maalaga ito sa katawan, paminsan-minsan ay nag-gi-gym din ito kaya sariwa pa rin tingnan. Magandang babae si Joana. Sa tangkad na 5’3 at balingkinitang katawan ay isa itong anyo ng eba na takaw-tingin at tatakamin ang sino mang lalaking makasalubong.

Galing sa kilalang angkan si Padi habang si Joana naman ay lumaki sa pamilya na kapwa ordinaryong empleyado lamang ang mga magulang. Tapos ng computer science si Padi pero di makahanap-hanap ng magandang trabaho. Palibhasa’y lumaking bulakbol at spoiled kaya kahit na may sarili nang pamilya ay umaasa pa rin sa mga magulang. Mahilig magbarkada si Padi. Kahit may asawa na ay panay pa rin ang night-out nito kasama ang mga kaibigan. Bago pa man naging mag-asawa’y alam na ni Joana na mahilig sa barkada ang lalaki. Sa kabila nito, iilan lamang sa mga ito ang naging close ni Joana sa mga kabarkada ng asawa.

Sa simula ng pagsasama nilang bilang mag-asawa’y di ina-alintana ng babae ang kabubulakbol ng asawa. Hanggang dumaring ang punto na halos gabi-gabi na kung gumimick ito at madaling araw na kung umuwi.

Sa gitna ng mga kinakaharap na problema sa buhay may-asawa, si Karen na magiisang taon palang bilang katulong ng mag-asawa ang s’yang naging hingahan ni Joana ng kanyang mga hinanakit kay Padi. 24 anyos palang ito at isang tipikal na katulong galing probinsya. Masipag sa trabaho at halos kapamilya kung mag-malasakit sa mga amo.

“Bakit kasi ate di mo nalang iwan? Bata ka pa naman at makakakita ng taong matino…responsabli…’yong tatanggapin ka’t mamahalin.” Si Karen isang umaga na di nakauwi si Padi sa bahay nila.

“Mahal ko si Padi, Karen….Alam mo dati, di naman siya ganyan ka bulakbol eh…” Balik-tanaw ni Joana habang nakaupo sa dining table at nakikipag kwentohan kay Karen na naghuhugas ng pinggan.

“Noon ‘yon ate, pero ngayon? Paano na?…Mag-iisang taon na ako dito sa inyo ate, at masasabi ko nang ika’y nagpapakamartir kay kuya Padi.”

“Ayoko naman siyang iwan kasi alam kong darating ang araw na magbabago din s’ya. Noon, bihira lang inu-umaga ng uwi ‘yan kahit gumigimmick”

“Yan nga ang mga sinasabi ng mga martir na asawa.” Iling-iling nalang si Karen. “Alam mo ako ate, 24 palang ako pero sa nakikita kong hirap ng buhay ngayon, kung mag-aasawa man ako’t gaganyanin din lang ng magiging asawa ko…di bali nang maghirap mag-isa…”
Natapus ang usapan ng dalawa ng dumating si Padi ng bahay. Galing pala sa puyatang birthday party ng isang kaibigan. Direcho ito sa kwarto at natulog na.

Lumipas ang maraming buwan at walang pinagbago sa ugali ni Padi. Lalo lang itong napapadalas ng uwi ng madaling araw.

Gayun pa man ay tahimik lang si Joana sa mga pinagagawa ng asawa. Hanggang isang araw na napagpasyahan na nito na kausapin ng masinsinan ang asawa. Medyo masaya ang gising ni Padi ng araw na ‘yon ng umpisahan ni Joanang tanungin ito.

“Dad, bakit ba parang wala kang asawa kung umasta?” seryoso ang mukha ni Joana.

Nagulat man ay umiral pa rin ang pagka-spoiled ni Padi. Pasinghal itong sumagot.

“Ano na naman ang sinasabi mo diyan?”

“Pagod na ako Dad, tama na ito…halos gabi-gabi ka na kung gumimick…di man lang humanap ng trabaho’t simulang buhayin ang sarili mong pamilya…nahihiya na ako sa mga magulang mo…”

“Bakit, ni minsan ba nagutom ka na dito? Di naman ah…”

“Di nga…pero habang-buhay nalang bang ganito tayo? Aasa nalang sa mga magulang mo?” tumalikod na si Joana at pumasok sa kwarto. Natahimik lang si Padi at di natinag sa inu-upuan nito.

Di maraming magsalita si Joana. Sa katunayan, tahimik itong tao at bihira kung magalit.

Sa loob ng kwarto, niligpit ni Joana ang mga damit nito at nilagay sa bag. Nang lumabas ng silid ay naka-ayos na ito.

“Uwi muna ako sa amin…” Pamama-alam ng babae sa asawa.

“Anong gagawin mo? Lalayasan mo ako?” Tumayo si Padi at lumapit kay Joana.

“Ayusin mo muna ang buhay mo…tahimik akong tao Dad, pero sa apat na taon na puro ganito, nakakapagod din.” Humakbang ito palapit sa pinto.

Di umimik si Padi. Peron g akmang pipihitin na ni Joana ang siradora ay nagsalita ito.

“Ma, sorry…may problema lang talaga ako…” Mababa ang tinig ng boses ni Padi.

Kahit na bulakbol na asawa ito, ni minsan ay di naman nito sinaktan o binuhatan ng kamay si Joana.

“Pakikinggan kita, sige ipaliwanag mo kung ano ang problema…” Nakatayo pa rin ang babaeng nakaharap sa nakayukong asawa.

Sa kusina’y tahimik lang sa pagliligpit si Karen pero naririnig nito ang usapan ng mag-asawa. Napa-iling na lamang ito sa ginawa ni Joana. Kahit na akmang iiwanan na ang asawa’y nababago pa rin ang pasya nito. Nag-usap ang dalawa sa sala. Dinig man ni Karen ay pilit niya itong tinatakwil sa isip.

Comments

Scroll To Top