Ulirang Asawa

Lulong na pala sa sugal si Padi. Nagkakasino pala ito at malaki-laki na rin ang utang sa mga kabarkada. Ayaw na itong tulungan ng mga magulang dahil sa halos sila na rin ang bumubuhy sa kanilang dalawang mag-asawa.

Ngayon lang nakita ni Karen sa ganoong usapan ang mag-asawa. Nanlulumo si Padi habang sinasalaysay kay Joana ang mga lihim na nangyayari sa kanya sa tuwing aalis ito ng bahay. Napapaluha lang si Joana sa ikini-kwento ng asawa.

“Ma, may sasabihin ako sa iyo. Sa kwarto nalang kung maaari.”

Tumayo ang dalawa at pumasok sa silid nilang mag-asawa. Di na narinig ni Karen ang usapan ng dalawa ngunit alam n’yang masinsinan ito dahil may hikbi s’yang naririnig mula kay Joana.

“Bakit hinayaan mong umabot sa ganyan kalaki ang utang mo sa kanila Dad?” nakasubsob sa dalawang palad nito si Joana.

“Ma, sorry talaga, pero di ko namalayan na nalululong na pala talaga ako.”

“Paano ngayon ‘yan Dad?…Paano natin babayaran sina Marco n’yan?”

Halos umabot na sa isan-daang libong piso ang utang ni Padi sa tatlo nitong kabarkada na sina Marco, Ryan at Dan. May mga asawa na rin ang tatlo at matanda lang ng dalawa o tatlong taong sa lalaki.

“Yon na nga Ma, lumaki ang utang ko dahil pinipilit kong mabayaran sila. Sa tuwing nangungutang ako sa kanila ay gusto kong manalo sa casino at nang mabayaran ko silang tatlo. Iba kasi ang gusto nilang bayad at ayoko noon.”

“Bakit…ano ba ang gusto nilang bayad? Ha, Dad?” Kinakabahan si Joana sa maaring kasagutan.

“Ikaw, Ma…ikaw ang gusto nilang kabayaran…” Yon lang at nangilid na rin ang luha sa mga mata ni Padi. “I’m very sorry talaga Ma…mahal kita kaya pilit kong sinisikap na mabayaran sila, pero lalo lang akong nalulunod sa utang…”

Umiyak lang na umiiling-iling si Joana. Kapwa sila napa-iyak sa naging kahinatnan ng mga pagbubulakbol ni Padi.

“Binabantaan na nila akong may mangyayaring masama kung di ko sila babayaran ng utang ko.” Parang bata si Padi na talunan sa laro.

Napayakap sa asawa si Joana. Ramdam nito ang pagsisisi ni Padi. Hanggang nabuo ang pasya sa kanyang isipan.

“Dad, kung papayag pa ako…bayad na tayo?”

“Papayag ka Ma?” Nag aalinlangan ang tanong ni Padi.

“Kung ‘yon ang kailangan para mabayaran ang utang mo sa kanila…gagawin ko Dad…mahal kita.” Nakatitig ang mga mata ni Joana sa luhaan mata ni Padi.

Hinagkan nito ang asawa at umiyak.

Nabuo ang pasya ng mag-asawa. Kinabukasan ay kinausap ni Padi ang tatlo. Tinanong n’ya kung bakit si Joana ang gusto ng mga ito na maging kabayaran sa kanyang mga pagkakautang.

“Pare, ang totoo’y matagal na akong may crush sa asawa mo. Tutal payag ka na rin lang na s’ya ang maging kabayaran ay aaminin ko na.” Si Dan ang unang nagsalita sa tatlo.

“Ako pare alam mo, naiinggit ako sa iyo. Napaka-swerte mo, may napakabait at napaka ganda kang asawa. Naging pantasya ko rin si Joana kahit na noon pang magnobyo pa lang kayo…pero di naming plinano nung una na pauutangin ka’t si misi mo ang magiging kabayaran.” Nakangisi pa si Marco ng sabihin ito.

“Alam mo naman pare, kaming tatlo ay malas talaga sa mga naging asawa namin.” Si Ryan. “Pagkatapus manganak, ayon nasira na ang katawan. Kun di naman tamad, eh bungangera kagaya ng asawa ni Dan. Ikaw, mabait na, napakaganda pa ng asawa mo.”

Lalong bumigat ang nadarama ni Padi sa dibdib nito. Ngayon n’ya lang nalaman na hinahangaan pala at pinapantasya ng mga barkada nito ang asawang si Joana. Alam rin ni Padi na kahit ganoon nga ang gusto ng tatlo ay ni minsan di s’ya pinilit ng mga ito upang kusang ipagkanulo ang kanyang magandang asawa.

“Pare, payag na ako. Sa isang kundisyon, ‘wag n’yo saying pahirapan at sex lang ha…walang talo-talo. Walang agawan ng asawa.” Mangiyak-ngiyak si Padi ng sabihin ito.

Nagkatinginan ang tatlo at napangiti.

Doon na natapus ang usapan. Habang naglalakad, naisip ni Padi ang mga pagkukulang nito sa asawa. Sa maraming bagay ay napabayaan nito ang mga pangangailangan ng napakabuting maybahay. Kahit sa sex ay napabayaan nito si Joana.

Nang dumating ng bahay, agad nitong kinausap si Joana.

“Sa susunod na Byernes ay mag-iinuman kami dito sa bahay. Dito na nila gagawin ‘yon.” Malungkot pa rin ang boses ni Padi ng ipaalam sa asawa ang nabuong plano.

“Sige, pa-uuwiin ko muna si Karen sa kanila.”

“Okay ka lang ba talaga, Ma?” Paniniguro ni Padi. “Pwede naman nating i-urong kung ayaw mo, hahanap nalang ako ng ibang paraan. Kahit ano susubukin ko.”

“Okay lang ako Dad.” Paniniyak ni Joana.

“Ma, kahit anong mangyari, ‘wag kang umibig sa kahit sino man sa kanila ha. Pangako, pagkatapus nito ay magbabago na ako. Di na ito mauulit pa.”

Tumulo ang luha ni Joana sa sinabi ng asawa.

Dumating ang araw ng Byirnes.

Mga banding alas seis dumating ang tatlong kaibigan ni Padi. Nakilala na sila ni Joana noon pa. Naunang pumasok si Marco na nagtatrabaho bilang systems programmer ng isang malaking companya sa Makati. Matangkad ito ng konti kay Padi at matipuno ang pangangatawan. Maputi ito kahit di naman masyadong gwapo. Malinis sa katawan at mukha namang desente at mabait.

Comments

Scroll To Top