Walang Masilungan
Walang Masilungan
Si Dredd Serrano ay isang college student sa isang sikat na ang mga university sa lungsod ng Maynila. Kasalukuyang nobya niya si Geng na kolehiyala rin at napakaselosang babae nito. Kasi naman itong si Dredd ay lapitin ng mga chicks partikular na nga ang mga katulad niyang estudyante rin. Ah, ano pa nga ba naman ang hahanapin ni Geng sa nobyo niyang ito na bukod sa pagiging top sa classroom nila ay malakas pa ang sex appeal.
Ang problema lamang ngayon ay kung paano haharapin ni Dredd ang darating na namang pagsubok sa kanyang pagkalalake paglipat niya sa dormitoryong tutuluyan niya kung saan niya makikilala ang mas naggagandahan at nagseseksihan pang mga babae. Paano niya ngayon
Tutuparin ang pangako niya sa nobyang si Geng na magpapakatino na nga siya? Ganoon pang siya lamang ang nag-iisang lalake na magtitira doon…
Angungupahan, sa isang dormitoryo na pag-aari ng isang mayamang intsik. Inupahan ng Mama ni Marie ang isang apartment doon na may apat na kuwarto at sari-sariling banyo mula pa noong first year college siya. Katwiran ni Mrs. Saiko, mabuti na ‘yong nakalagay sa maayos.
Yung kuwarto sa ibaba ay sarili ni Marie yung tatlo pa ay pinaupahan niya. Siya na ang nagpatakbo ng apartment. Bale sarili na niyang negosyong maituturing ‘yon. Hangga’t maaari ay puro babae ang
Gusto niyang bed spacer. Pero dalawang kuwarto lamang ang mga naakupa. Ma nagrekomenda sa kanyang kaibigan na kahit lalake ay tumanggap na siya. Kesa mabakante nga naman ang kuwarto, eh sayang din ang kikitain.
Si Dredd ang kauna-unahang bed spacer na lalake ni Marie. Third year na rin tulad niya. Dentistry naman ang kurso ni Dredd. Hapon na noon. Tapos na ang klase ni Marie. Naroon siya sa kanyang kuwarto.
Naisipan niyang tawagan sa phone ang kaibigan na nagrekomenda kay Dredd dahil kumakagat na ang dilim ay wala pa ito. Nang palabas na si Marie sa gate ng dorm ay siya namang pagparada ng taxi sa tapat niya at bumulas pagbukas ng pinto ang isang matangkad na lalake. Nakangiti.
Nag-isip si Marie kung kilala niya ang lalake. Ginantihan niya ng tamad na ngiti. Parang nagulat pa ang anyo ng lalake. Napakamot na lamang sa ulo.
Aba ginoo! Paano tayo?” ang ibig sabihin ng taxi driver ay ang mga bayad.Ay sorry boss. Magkano na nga ulit?” tugon agad ng binata. Pagkabayad ay ibinaba niya ang mga abubot niya.
Si Marie naman ay nanatiling nakatayo at pinagmamasdang mabuti ang hitsura ng binata. Sabi nga eh kinakaliskisan yata kung mukhang mapagkakatiwalaan. Hindi kasi sanay si Marie na may kasamang lalake sa man niya ang dalawang mas malaking bag.
Pumasok sila sa apartment sa second floor isang kuwarto at isang banyo. may pasilyo sa gilid patungo sa third floor kung naroon ang dalawang kuwarto ng mga babaeng border.
Pagkababa ng mga gamit ni Dredd ay namewang siya. Tumingala. Pinile ng pakanan at pakaliwa ang leeg. Lumagutok. Nilingon si Marie na nakahalukipkip at nakasandal sa pinto.
Isang tango lang ang itinugon ni Dredd. Tumalikod na si Marie at lumakad pababa sa hagdan. “Hey, one more thing… just call me Marie at ayoko ng pinopopo ako. Bata pa ‘ko,” pahabol pa ng dalaga.
Isang tango uli ni Dredd. Napangisi. “Sayang, maganda pa naman at sexy. Suplada. Baka tumanda siyang dalaga,” bulong niya sa sarili. Napangisi. Inayos na niya ang mga gamit.
Tatlo ang doulbe deck sa kuwarto. Anim ang kabinet, inakupa ni Dredd ang isa. Binalikan niya sa dating tinutuluyan ang iba pa niyang gamit tulad ng kutson, electric fan at study table.
Cash na P1,500 ang ibinigay niya kay Marie para sa adcance deposit. Sa tingin niya ay magiging komportable naman siya sa dorm na ‘yon. May curfew. 10:00 p.m.. Dalawa ang gate. Nasa trenta ang hanay ng apartment ng dorm. May sariling canteen.
Sumunod na araw ay ipinakilala ni Marie sa labindalawang lady bed spacer niya si Dredd. May first year, second year, third year at fourth year. Naroon sila sa third floor. Kinatok ni Marie ang mga
Lumabas ang iba. Ang iba naman ay nakasilip sa pinto na tila nahihiya. Pero mayroon ding mga pilya. “Lalake ba talaga ‘yan?” nakangising sabi ni Beth. Tawanan ang lahat. Pati si Dredd ay napangisi rin.
Sa kabilang kuwarto ay sina Ana, Jane, Elen, Grace, Beth at Mayleen. Sa kabila naman ay sina Rowena, Tess, Luisa, Cathy, Janeth at Rosalie.
Lumabi naman si Marie at sumimangot. Naroon siya sa likod ni Dredd kaya hindi siya nakita. Tawanan ang mga dalaga. Si Dredd naman, nag-isip kung ano ang nakakatawa.
Pagtalikod ni Dredd at pababa na sila ni Marie ay narinig nilang naghagikgikan ng tawa sa kabilang kuwarto. May bumubulong ng “ang cute
Napatigil sa hagdanan sina Marie at Dredd ang nilingon nila ang mga kuwarto. Agad naman ipinagsasara ng mga dalaga ang pinto. Napangisi si Dredd. Nagkatitigan sila ni Marie. Tumaas ang kilay ng dalaga at bumulong ng paimpit ang boses “ang lalandi!”
Comments