Dagat
Ewan ko pero parang may palaman na ang mga halikan namin na iyon. Masarap, maalab at matamis. Tiningnan ko uli ang maamo nyang mukha, ang singkit nyang mga mata at ang mga luhang dumadaloy dito.
“Sir, I love you.” ang muling sinabi Bata.
“Alam ko Mon.” ang sabi ko na lamang.
Nasundan pa ang mga tagpong yun. At talaga namang alagang-alaga ako ni Bata na ipinagtataka ng mga kasamahan ko sa barko. Araw-araw kasi lagi kaming magkasama. Pag kami lang dalawa ay laging may masahe sa akin na nauuwi na naman sa umaatikabong aksyon. Binibiro nga kami ng mga kasamahan namin na mag-syota kami. Syempre deny kami at sabi lang namin ay best friends lang kami. Masarap ang samahan namin ni Bata sa buong kontrata ko hanggang sa ako ang unang bababa at uuwi. Nangako kami sa isa’t-isa na magkikita pa kami pag-uwi nya sa Pinas.
“Sir! Ano na ang sagot mo sa inaalok ko sa yo dati pa?” sigaw ni Bata sa akin habang nasa baba na ako ng barko at inilalagay na ang aking mga gamit sa service van.
Tumingala ako sa kanya at ngumiti at sabay sigaw, “Oo Mon, Oo!” Sabay tulo ng mga luha ko.
What did you think of this story??
Comments