Ang Taksil

Isang araw kakagaling ko lang sa trabaho at papunta na sana ako sa school, napansin ko na parang nagbabadya ang isang malakas na ulan. Sa oras na alas-kwatro ay madilim na ang paligid at malamig na ang simoy ng hangin. Nag-alangan akong tumuloy sa school at baka maabutan pa ako ng baha at traffic sa daan, total wala naman masyado importanteng topic na iti-take up kasi katatapos lang ng exams namin.

Minabuti kong umuwi nalang para magkaroon kami ng mahabang oras ni Kristine (para gumawa ng beybi). Masarap kasi lalo ng kung uulan ng malakas at malamig ang panahon, the best talaga at siguradong makakarami kami.

Madali naman akong nakauwi mula Ayala hanggang sa nererentahan naming bahay sa Guadalupe. Pagdating ko sa bahay hindi ko nakita si Kristine sa salas, wala rin sya sa kusina, at lalong wala rin sa banyo. Malamang nasa kwarto namin sya at may inaayos lang siguro.

Agad akong umakyat at tumuloy sa silid namin pero wala rin siya don. Iisa nalang ang lugar na maaari kung puntahan ang kabilang silid na pansamantala naming ginagawang bodega. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang siradura upang buksan ang pinto ng silid ng makarinig ako nang:

“Ano kaba? para kang mauubusan! dahan dahan naman at baka ito ay masira ang damit ko!” boses ng babae at ka boses sya ni Kristine!!! Malinaw na malinaw ang aking narinig, may kausap si Kristine sa loob ng silid!

“Ha, ha, ha, sige na nga sabi mo eh!” boses ng isang lalaki ang narinig ko mula sa loob! Biglang-bigla ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko at sa pagbilis ng tibok ng aking puso. Diyata’t may kasamang lalaki si Kristine sa kwarto!!

Wag kang mag-alala, matatagalan pa yun kasi mukhang uulan eh” boses ni Kristine Putang-ina! Iisa lang ang ibig sabihin nito, PINAGTATAKSILAN ako ng aking ASAWA!!!

Parang nagdilim ang aking paningin ng oras na yun!! Mga hayop papatayin ko kayo!! Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng matalas na patalim. Magbabayad kayo mga TAKSIL!!!

Sa hindi inaasahang pangyayari dahil sa pagmamadali muntik na akong madapa pag-akyat ko ng hagdan at muntik naring tumarak sa akin ang kutsilyong hawak ko!

Shit! paano nalang kung napuruhan ako! Paano na ang buhay ko? Eh kung mamatay ako? Sayang lahat ng pagod ko, ang pinuhunan ko sa sarili ko, lalong lalo na sa career ko!

Saglit akong nahimasmasan, paano nga ba? Eh kung baliktad, ako ang nakapatay, paano ang buhay ko? ang pangalan ko? ang career ko? Oo maaaring bumaba ang sentensya ko o maabswelto kung sakaling mapatay ko sa akto ng pagtataksil ang asawa ko at ang kalaguyo nya.

Pero makakatulong ba yon sa akin? Paano na ang buhay ko at ang pagkatapos ng lahat? Ahhhhhh, gulong gulo ang isip ko, hindi ko malaman ang gagawin! “Dios ko tulungan nyo ako, ano ang gagawin ko?” saglit kong nabanggit habang ako’y tila tulala at hindi malaman ang gagawin!

Parang nauupos na kandilang ako’y napaupo at napasandal sa mga ito dingding ng kwarto kung saan ay dinig na dinig ko pa ang mga at halakhakan at harutan ng dalawang nilalang na naglalandian sa loob.

Ibinaba ko ang kutsilyo sa aking tabi at tila wala sa sariling sinabutan ko ang aking buhok. Gusto kung umiyak o magwala subalit pakiramdam ko ako ay hinang hina at hindi halos makakilos. Hindi ko talaga malaman ang aking gagawin!

 

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top