Carla The Cheating Wife

Akma namang tatakbo na sana si Alexa para lumabas ng kwarto para tawagin ang mga tauhan nila pero agad naman siyang napigilan ni Benjo sa pamamagitan ng paghila ng buhok nito at nagawa niya itong mapaupo sa kama…

Benjo: PUTANGINA KA DIN! Anong klaseng hayop ka ha? Pati kaibigan mo ba naman, hinayaan mong magkaganito! Kung ayaw mong mabugbog din gaya ni alvin at ng mga bano mong tauhan, Manahimik ka sa pwesto mo!

Takot na takot si Alexa at ito ay napaupo na lamang… Si Alvin naman ay napatulog ng suntok ni Benjo…

Agad namang tinakppan ni Benjo ng kumot ang hubad na katawan ni Carla at kanilang nilayasan ang kwartong iyon at kanya pang nilock ang pinto nito para di makalabas ang mga ito…

Dumating naman ang mga kapulisan sa mansion, Agad naman nilang dinampot ang mga tauhan nila Alvin pati na din si Alexa at Alvin ay dinala ng mga pulis. Kasama ng mga pulis sila Chris at Lance na agad nilapitan si Carla at kanilang tinanong ang dalaga kung okay lang ba ito….

Masaya si Carla at ligtas sila sa kamay nila Alvin pero bigla niyang naalala ang kanyang Mister….

Carla: Aahm, Benjo? Nakita mo si Ryan?

Benjo: Carla, Nais ko man sana siyang kausapin kanina nang nakita ko siyang lumabas ng kwarto na yun, di ko na nagawa.

Carla: Bakit? Saan na siya?

Benjo: Umalis na siya agad kase. nagpantalon lang siya ata at umalis na siya kasama ang kotse niya…

Carla: Okay na din un, Atleast, Safe siya….

Bakas sa mukha ni Carla na biglang napawi ang kanyang kasiyahan, agad napalitan ng lungkot ito…

Niyakap naman siya ni Benjo nang mahigpit at kanila nang sinakyan ang kotse niya kasama sina Chris at Lance…

Ligtas na nga si Carla pero may isa pa siyang kailangang ayusin sa buhay niya….

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top