Call Center na Virgin
“Ding…” Bumukas ang pinto ng elevator.
“See you Andrew”, tumango ako sa kanya at lumabas ng elevator.
“OK Rose, I’ll see you around. Nice to bump into you again.” ngiti nito sa akin habang hinahawakan ang pinto.
Napansin kong pareho kami ng direksiyon ng nilakaran.
“Are you heading to the taxi stand as well?” Tanong niya sa akin.
“Yes” maikli kong sagot.
“Can I walk with you?”
“Sure.” Sabi ko.
” Which way are you heading?”
“That way.” Itinuro ko ang direksiyon gamit ang aking kanang hintuturo. “ I’m going to Greenbelt in Makati” , dagdag ko pa.
“I’m going to Makati too. I’m staying in Dusit Thani. If you don’t mind, we can share a cab. At least you’ll have someone to talk on the long ride ahead….That is, of course, if it’s ok with you.”
“S—ure.” Medyo nabubulol kong sagot. Sana hindi niya nahalata ang excitement sa aking mukha.
Kahit na matagal kaming naghintay ng taxi at mahaba ang biyahe papuntang Makati, hindi ko ito napansin dahil ang sarap kausap ni Andrew. Noong una ay puro buhay sa Manila at Chicago ang napag-usapan namin. Tapos work experiences. Pa-simple kong naipasok sa usapan namin kung may girlfriend na siya. Wala daw. They broke up daw a year ago. Long distance relationship. Nasa Chicago siya at nasa NYC naman ang girlfriend niya. It didn’t work. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong tanungin ako kung single pa ako kasi nasa Greenbelt na pala kami.
“Mam, Greenbelt na po tayo”, sabi ni mamang driver.
“Sige po manong diyan na lang po sa tabi.”
“ Here’s my share.” Nag-abot ako ng pera kay Andrew pero hindi niya tinanggap.
“Don’t worry about it. It’s your turn next time” ngiti nito.
“I owe you one” sabi ko.
“And don’t you forget it”, pabiro niyang sagot.
Medyo na-guilty ako ng makababa na ako ng taxi. Eto ako’t makikipagkita sa boyfriend ko at katatapos ko lang makipag-flirt sa isang lalaking hindi ko naman masyadong kakilala. “There’s nothing wrong with some clean flirting”, kumbinsi ko sa sarili ko.
Ang init ng ulo ni Ruben ng dumating ako. Naka-ilang Mocha Latte na daw siya ay hindi pa ako dumarating. Dati pa naman akong laging late dumarating sa mga usapan namin dahil sa traffic pero ngayon ay ang ikli na ng pasensiya niya sa akin. Buti nga at hindi na ako nagpasundo sa kanya sa trabaho.
“Tumawag naman ako sa iyo bago ako umalis ng office. Sabi ko naman siguro ay aabutin ako ng isang oras sa daan. Don’t worry aabot pa naman tayo ng last full show. Saan mo gustong kumain?”
“Sa Via Mare na lang” sagot niya.
Hindi ako nakasabay ng lunch sa mga ka-HR ko kasi may ininterview akong applicant. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng nagulat ako ng mula sa likod may narinig akong pamilyar na boses.
“May I join you?” si Andrew ulit.
“Sure…have a seat”, sabi ko.
“How are you doing?” tanong ko.
“I’m doing fine. I’m driving now and I think that I’m getting the hang of the traffic here.”
“Be careful, especially of buses and jeepneys, but most especially of the rowdy pedestrians.”
“I am — very.”
“So what’s your plan for the weekend?” tanong ko sa kanya.
“Nothing in particular. I haven’t really unpacked yet. I guess that’s one of the things that I’ll be doing. And I’ve just joined a gym, so I guess that too. Sunday night, I’m planning to watch the new James Bond movie.”
“Is it already on? I’ve been waiting for it to be shown here. ”
“Yes and I think that it’s in its last week. If you want we can go together.”
Napatigil ako. “— or not.” dagdag niya.
“No, su—re, why not? Let’s go see it.” Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko at pumayag ako.
“I can pick you up at your place if you want.”
“No it’s fine. I’ll meet you at the cinema. I will need to run some errands that day and I’ll be going straight there.”
Bago kami naghiwalay ay nagpalitan kami ng mga cellphone numbers namin.
I spent the rest of the day convincing myself that it’s not cheating. Manonood lang kami ng sine.
Nagkita kami sa tapat ng ticket booth ng Cinema 5. Pagkabili ng ticket ay bumili kami ng drinks at popcorn. I insisted na magbayad ng share ko. This is not a date. Lagi kong paalala sa sarili ko.
Ang lamig sa loob ng sine. Wala kasing masyadong tao at full blast ang aircon. Sa may dulo kami naupo. Maganda ang palabas kaso hindi ako makapag-concentrate kasi iniimagine ko na si Andrew si James Bond. Ewan ko ba I should stop doing this, it’s unfair kay Ruben. Yung popcorn ay nasa pagitan naming dalawa at tumatayo ang mga balahibo ko tuying magsasagi ang aming mga braso. Naramdaman niya atang medyo nangangatog ako.
Comments