Executive

“Kuya, pahiram ng susi ng Executive Room,” sabi ni Mildred sa custodian.

“Mam, bukas na po ‘yun.”

“Ha? May gumagamit ba? Naka-reserve po yun para sa interviews,” tanong ni Mildred na may halong inis. Sabado noon at napilitan sya pumasok dahil sa weekend recruitment na gagawin nila para mapunan ang mahigit isang-daang mga posisyon na kailangan nila para sa isang kliyente.

“Wala, mam. May kukunin lang daw si Darell sa loob.”

“Ah, ok. Sige po, thank you.” Pumunta na agad si Mildred sa Executive Room. Nag-alangan sya dahil nakasara ang pinto at nakapatay ang ilaw, baka wala na sa loob si Darell, ang head ng IT ng opisina nila. Napakahirap pa namang hanapin ng lalaking yun, naisip ni Mildred. Sinubukan nyang buksan ang pinto at natuwa na hindi naman iyon nakalock.

Pagka-buhay ng ilaw ay agad syang pumunta sa desk para i-setup ang mga gagamiting program sa computer. Wala si Darell sa loob at hindi na inisip ni Mildred kung nasan kaya ang lalaki. Maaga pa pero gusto niyang ma-ihanda na ang mga gagamitin para sa recorded interview.

Sinubukan ni Mildred i-play ang recording. Walang tunog na lumabas. Mukhang may nagtanggal na naman ng headset at di iyon ibinalik. “Hays,” buntong hininga ni Mildred bago yumuko para hanapin ang cord ng headset.

Hindi nya namalayan na bumukas ang pinto at nagulat na lang sya nang namatay ang ilaw. “Hey!” sabi niya at sabay tayo. “Ouch!”

“Ay, sorry!”

Napa-upo si Mildred na nakahawak sa ulo na medyo na-untog sa bigla niyang pagtayo. Si Darell pala.

“OK ka lang?” Tanong ni Darell, sabay lapit sa dalaga.

“Tingin mo? Bakit mo naman kasi pinatay yung ilaw?” Inis na sagot niya.

“Eh, di ko naman kasi alam na nandiyan ka. Inglisera ka talaga, no? Pwede namang “aray”,” panunukso ni Darell.

“Baliw.”

“Ano ba kasing ginagawa mo sa ilalim ng mesa? Naghahanap ka ng palaka? Wala dyan nun.” Sabi ni Darell na umupo sa gilid ng desk.

“Wala nga, puro alikabok ang nandito, eww.” Sabi ni Mildred sabay pagpag sa kamay. Kinuha niya ang bag na nakapatong sa mesa at naghanap ng wet tissue, pero isang pakete ng sigarilyo ang nahanap nya.

“Ayun, oh! Penge ha.” Sabi ni Darell sabay kuha sa sigarilyo. “May lighter ka?”

“Ayos ka rin, no? Yosi ko na, lighter ko pa?”

“Ganun talaga, di bale, mahal naman kita, eh.”

“Kadiri ka. Lahat ng tao dito sinasabihan mo ng ‘I love you’. Akin na nga yan, magyoyosi na lang muna ko.” Sabi ni Mildred sabay hablot sa pakete ng sigarilyo.

Sinalag naman siya ni Darell at itinaas ang kamay na may hawak sa sigarilyo para hindi iyon maabot ng babae. “Akin kaya yan!”

Pilit na inabot ni Mildred ang sigarilyo at sa pagtaas niya ng kamay ay bahagyang tumaas ang blusang suot niya.

Pero hindi iyon napansin ni Darell dahil titig ito sa bilog na bilog na dibdib ni Mildred. Sa inis, pinalo nito ang hita ni Darell.

“Aray! Masakit yun ha!”

“Hmmph. Diyan ka na nga.” Sabi ni Mildred at agad namang hinawakan ni Darell ang kamay nito para pigilang maka-alis. “Ano ba?”

“Dun tayo mag-yosi,” sabi ni Darell sabay turo sa nakasarang pinto sa gilid ng kwarto.

“Di ba CR yan? Tsaka naka-lock yan no.”

“Hindi, wala nang CR dyan. Pinto papunta sa balcony yung nandyan.”

“Naka-lock yan. Wala akong susi dyan.”

“Ako meron.”

“San?”

Ngumuso si Darell. Sinundan naman ni Mildred ng tingin at dumapo ang mata niya sa umbok sa pantalon ni Darell. “Ha?”

Tumawa si Darell, “Sa bulsa ko, san pa ba?”

Tumayo ito at dinukot ang susi sa bulsa bago pumunta sa pinto. Naiwan namang nakatingin lang si Mildred sa may gilid ng desk. Ang laki naman nun. Naisip niya.

Nang mabuksan ang pinto ay pumasok na agad si Darell at nagbuhay ng ilaw. Sumilip ito sa pinto at tinawag si Mildred.

Hindi agad nakakibo si Mildred. “Wag ka mag-alala, malinis dito, tambayan ni Kuya Custodian to eh. Walang palaka dito.”

Napangiti si Mildred at lumapit na ito kay Darell. Hinayaan muna siyang makapasok sa loob bago sinara ni Darell ang pinto. Walang palaka dito, yung alagang ahas ko lang meron.

Sa loob ay may mini couch, sa bandang kanan naman ay ang pinto papunta sa balcony. Naupo si Mildred at agad na tumabi sa kanya si Darell. Dahil maliit lang ang espasyo, dikit na dikit ang mga katawan nila.

“Oh dali na, yung lighter?”

“Di ba bawal mag yosi dito?” Tanong ni Mildred habang nagsisindi ng sigarilyo.

“Masarap naman ang bawal di ba?” Sagot ni Darell na nakatitig naman sa hita ng dalaga.

“Ano?”

Tumawa si Darell. Ang sarap talagang asarin ni Mildred, dahil pikon ito. “Sabi ko, masarap naman magyosi dito kasi nga bawal. Masarap ang bawal.”

“Ewan ko sa ‘yo, Darell. At pwede, tigilan mo pagtingin sa hita ko. Kanina ka pa.”

Comments

Scroll To Top