First Job
First Job.
Dati akong nagtatrabaho sa isang branch ng isa sa mga nangungunang shipping line sa bansa. Kapapasa ko pa lang noon ng CPA Board Exam. Nagsimula ako bilang isang Accounting Staff. Kung tutuusin, pwede akong makakuha ng mas magandang trabaho sa ibang lugar. Karamihan sa mga ka batch ko ay nagpunta ng Cebu or Manila para doon maghanap ng trabaho. Pero mas pinili kong manatili muna sa hometown ko at doon muna magsimula.
Hindi rin madaling makakuha ng trabaho pag nasa probinsya ka. Kakaunti lang ang mga kompanya at bihirang bihira pang mag hire. Pero kahit papaano ay pinalad pa rin ako. Maliit lang ang sahod pero sapat na rin para sa isang nagsisimula pa lamang.
Unang araw ng trabaho. Magkahalong kaba at excitement ang namumuo sa dibidb ko. Kahit ayaw ko ay kinailangan ko na talagang magsuot ng slacks, blouse or long sleeves, at high heeled shoes at maglagay ng makeup sa mukha para naman hindi mapagkamalang janitress. Nasanay kasi akong tshirt, jeans at sneakers ang outfit noong nasa college pa ako.
Pagkapasok ko ng building, pinadiretso agad ako ng guard sa office ng Branch Finance Head. Wala pa akong ideya noon kung lalaki or babae ang magiging boss ko. Yung HR Manager lang kasi ang nag interview sa akin at hindi namin napag usapan ang tungkol doon.
“Good morning Ma’am.” Bati ko sa babaeng nasa loob ng Office ng Branch Finance Head. Medyo natuwa ako dahil babae ang boss ko at mukhang mabait pa.
“Good morning, too. Have a seat.”
“So you are Ms. Leah Lucero? I am Shane Martinez, the Branch Finance Head. I will be your immediate supervisor, blah….. blah…… blah ……”
Pinaliwanag sa akin ni Ma’am Shane kung ano ang magiging trabaho ko, mga reports na kailangan, mga proseso, company policy, salary at benefits. Sa dami ng sinsasabi ni Ma’am Shane tila hindi na nagreregister sa utak ko ang iba at dumidiretso na palabas sa kabilang tainga. Umabot kami ng halos isang oras sa briefing lang.
“I’ll show you around and introduce you sa ibang empleyado dito. Unahin muna natin sa Container Yard or CY.”
Sumunod lang ako sa kanya, tahimik lang ako at tango lang ng tango sa bawat sinasabi niya. Wala rin akong maisip na itanong ng mga panahong yun. Nasa likod lang ng office building ang CY. Malawak ang area at nakakalat ang mga container vans, trailer trucks at forklift.
“Ito ang CY natin. Actually may isa pa tayong CY sa may pier. Bukas pupunta tayo dun para makita mo rin.”
“Yan si Mang Paul, ang forklift operator natin.” Sabay turo sa mamang nakasakay sa isa sa mga forklift.
“Sige sa loob naman tayo. Dun tayo sa frontline.”
Pumasok uli kami sa loob ng office building at lumapit Siya sa may counter at tinawag niya yung tatlong ticket teller.
“Girls, this is Leah, our new Accounting Staff. From now on, you will directly submit your Daily Reports to her.”
Napalunok lang ako, ni hindi ko nga alam kung ano ang itsura ng mga reports na tinutukoy ni Ma’am. Nakatingin sa akin yung tatlong babae. Hindi ko alam kung ngingitian ko sila kaya umiwas na lang ako ng tingin.
“Leah, si Rina yung nasa left, mabait yan, wala kang aalahanin sa kanya. Yung nasa gitna naman si Catherine, medyo mataray pero pagdating sa trabaho, responsable naman. Yung nasa right, yan ang magbibigay sayo ng sakit ng ulo. Madalas late magsubmit ng reports at may history na ng shortage yan. Di pa lang namin magawan ng paraan kasi malakas ang kapit. Yung brother niya is one of the company’s best asset kasi. Pag may nakita kang violation, issue ka agad ng memo.”
Tumango lang uli ako, pero sa isip ko, mukhang may kahirapan nga tong magiging trabaho ko pero kailangan kong subukan.
“Doon tayo sa loob.”
Pumasok kami sa isang room na may mga cubicles. Nadaanan ko na yung area na yun kanina nung papunta ako sa office ni Ma’am Shane. Tumungo kami sa isang bakanteng cubicle.
“This will be your working area. You take your seat muna, tawagin ko lang yung iba pang mga empleyado para mapakilala kita.”
Umupo ako sandali pero tumayo din ako nang makaalis si Ma’am Shane. Nagmasid lang ako sa paligid at sa mga tao. Sa tantya ko’y hindi umaabot sa 20 ang mga empleyado doon. Narinig kong isa isang tinawag ni Ma’am Shane ang iba pang empleyado at nagsilapit sa cubicle ko. Napansin kong isa sa kanila ang tila hindi gumagalaw na parang walang naririnig. Isang lalaking nakapuwesto sa cubicle na kasunod ng sa akin. Sa tingin koy nasa mid 30’s, medyo matangkad at may itsura din. Nakaupo lang siya sa harap ng computer. Sabi ko sa sarili ko, ang taray naman ng isang to. Napansin kong papalapit na si Ma’am Shane kasama yung iba pang empleyado.
Comments