Magaling Talaga Siya
Magaling Talaga Siya
Ako si Nikko. Bro kung tawagin ako ng aking mga kaibigan. Arnold apelyido kaya kung minsan Arnold tawag sa akin. Magulo no po? Marami akong mga naging gf pero kakaiba si Len Len kaya ko naisipang ibahagi ang ilang bahagi ng aming kasaysayan.
Asian din siya pero di ko na sasabihin kung nationality aanong kung tawagin niya kaming mga pinoy dito sa trabaho. Tinuruan siya ni balong. Palabiro siya pero iba ang mga biro niya sa akin. May mga pahaging siyang nagiging palaisipan sa akin. Madalas siyang sumasama sa aming mga umpukan kung break time at tuwang tuwa siya kung medyo berde ang aming biruan.
Dahil di pa akong nag ka gf ng kalahi niya at sa sulsol na rin ni balong kaya diniskarte kong maigi ang mga biro niya at noong napag aralan kong birong totoo ang mga pahaging niya ay naghintay na ako ng pagkakataon kasi baka mali ang akala ko, ma sexual harassment pa ako, nakakahiya.
Isang Lunes ng umaga, dumating ang pagkakataong hinihintay ko. Si ading ay napili ni visor na mag organisa ng free lunch sa miyerkules para icelebrate ang record high shipment ng department namin last month. Dating trabaho ni visor ang position ko kaya ako ang inatasan niyang tumulong kina ading.
Kayang kaya ni visor i set up lahat ang mga test machines namin para sa lima kong test operators. Alam ni visor na ayos na lahat at loaded na ang mga test programs ng mga jobs sa week na yon, dahil alam niyang ginagawa ko minsan sa bahay lalo na kung mga hot jobs. Kaya nga wala akong problema kay visor eh.
Hapon na noong makuha ni ading ang pera sa accounting, kinausap niya kaming mga station lead at napagkasunduan na chinese food lahat ang ihahanda pero sa halip na i full catering service ay oorder na lang ng mga party tray menus para mas marami. Mahigit 50 lang kami sa aming department kaya ang $1,000 ay talagang sobra sobra.
Dumating ang company driver at ibinigay ang menu book na pinahiram sa Golden Buddha Restaurant. Inilista ang mga napiling mga menu. Volunteer si Kim at Ming na pupunta sa restaurant para iorder ang mga pagkain, ibinigay ni ading ang $400 pang deposit. Sabi ko I’ll drive, let’s go!!, sabi ni ading bahala na si kim, kailangan daw niya ang kasama papuntang Costco para mamili ng mga soda, prutas, paper plates, at iba pang gagamitin.
Noong dadalawa na kami pabulong niyang sinabing “gamitin natin ang pick up mo dahil may camper” sabay kurot ng pinong pino sa tagiliran ko. Sabi ko, too late na ang Costco shopping, sa dami ng tao, aabutin kami doon ng siyam siyam. OK pareserve lang tayo ng chairs sa alum rock, bukas na ang Costco, sabi niya. Sige ang chancing niya sa akin sasakyan hanggang sa rental shop pero deadma lang ako para di niya sabihing fresco ako, baka sinisubukan lang ako.
Kinabukasan nakapalda siyang pumasok. Pumunta kami ng costco 10:00. Sige ang biro niya habang nag-iikot kami. Alam kong alam niya kung saang isle ang aming mga bibilhin pero sabi hanapin daw namin. I know what she means. Sinubukan kong inakbayan, sabi niya maraming siyang kalahi doon, baka may makakilala sa kanya.
Pag doon kami sa isle na walang tao, kumakapit siya sa baywang ko, kunwari pabasa basa naman ako sa mga labels ng mga items doon para medyo tumagal. Di niya inaalis ang pag kakaakbay ko sa kanya. Paikot ikot kami sa isle na yon. Tira bulag na ako, binulungan ko siya “I like you ading!” Are you sure, sagot niya sabay higpit sa pagkakakapit niya sa baywang ko.
Mag aala una na noong pabalik kami sa trabaho. Lunch muna tayo sabi ko, ikaw bahala sabi niya. Saan mo gusto, tanong ko, kahit saan sagot niya. Sa apartment ko sabi ko, okay pero di ako marunong magluto sabi niya. Di mag to go tayo sa China Station, sabi ko.
Serious ka ba, tanong niya. Ano sa palagay mo sagot ko. Tingin siya akin, tingin na halatang atat, okay, kung serious ka, dalhin muna natin sa trabaho ang mga pinamili natin para di nila sabihing matagal tayo. Sasabihin ko kay visor na magla lunch ako tapos pupunta sa goldilocks para omorder ng mga pinoy native cakes at ikaw naman ay papareserve ng party chairs, pero mauuna ako sa China Station, daanan mo ako doon, blah, blah blah…
Galing ng plano niya. Doblihin mo order ng fried rice, please, hirit ko. Alam niya ang goldilocks dahil doon nila-lunch out ni visor ang mga station leads once a month. Sandali lang naibaba ang mga pinamili namin. Nikko, darating ang design engineer ng Philips mga 3:30 – 4:00 ngayon, alam kong marami pang ipinagagawa sa iyo si ading pero kailangan nandito ka para masabi mo ang mga concerns mo, sabi ng visor ko. Sure boss, nandito ako by that time, panigurado ko.
Comments