Unang Subo
“Everyone, I would like to introduce to you the newest member of our family, Ms. Leah Lucero.”
Parang nanigas ang mga tuhod ko. Hindi ako sanay sa ganito, yung ikaw ang tinitignan ng lahat. Di ko alam kung papaano kumilos kaya ngumiti na lang ako, ni hindi ako makapagsalita.
“Leah, this is Mr. Joey Melendez, our Branch Manager, Mrs. Carol Legaspi, BM’s secretary, blah blah blah..”
Mga isang dosenang empleyado ang pinakilala sa akin. Nang matapos ay parang nakahinga ako ng maluwag. Pinaka ayaw ko kasi ang humarap sa mga di ko kakilala, hindi ako komportable at hindi ko alam kung papaano kikilos.
“By the way, Leah, bago ko makalimutan, may 10-day training ka sa CDO starting Wednesday. Sorry for the short notice, kanina ko lang din nalaman. Ok lang ba sayo?”
“Yes, ma’am.”
Siyempre okey na okey sa akin yun. Second home ko na kasi ang CDO at ilang buwan na rin akong hindi nakakapunta doon. It’s my chance para rin mabisita at makasama ang mga college friends ko. At kung may time, makakapag gimik pa.
“You have nothing to worry, we already made a hotel reservation for you at Grand Hotel, you will have a meal allowance of P600.00 per day. I’ll ask Judy to help you prepare your Itinerary so we could prepare the voucher and check at ma encash agad bukas.”
“Ok, thank you ma’am.”
Ang laki ng ngiti sa mukha ko pag talikod ni Ma’am Shane. At bakit hindi, yung Granda Hotel ay malapit sa dati kong school at very accessible lang ang mga malls at bars. At yung P600.00 na meal allowance, malaki na sa akin yun. Dati nga noong college, P500 per week lang allowance ko. It’s my chance para makakain doon sa mga food chains at restaurants na dati ko pang gustong kainan pero di ko naman afford. Nasobrahan yata ang pagka excited ko dahil hindi ko napansin na may nakatingin pala sa akin habang nakangiti ako at nag iisip kung papaano ko lulustayin ang meal allowance ko, si Mr. Mataray. Pakiramdam ko ay pinagtawanan pa niya ako dahil siguro nakita niya akong nakangiting mag isa. Lalo lang akong nainis sa kanya. Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko at nilapitan si Judy para maprepare ko na ang Itinerary ko.
Nang mag uwian na, nagpasya akong mag mall muna at mamili ng konting gamit. Kailangan ko rin ng dagdag na damit pang opisina. Pagkatapos makabili ng dalawang blouse, naisip kong bumili na rin ng underwear. Pumasok ako sa Penshoppe at nagpunta sa underwear section nang mapansin kong andun si Mr. Mataray. Alam kong nakita niya ako habang papalapit sa underwear section kasi nang lumingon ako sa direksyon niya ay kaagad niyang ibinaling ang kanyang ulo sa kabila. Grrrrr… Bakit andito ang asungot na ‘to? Hindi ako komportbleng mamili ng underwear habang andun sya.. Makalipat na nga sa ibang store.
Kinabukasan, pagpasok ko ng opisina, napansin kong si Rina lang ang nasa frontline. Wala rin si Ma’am Shane at yung BM namin, pati yung ibang empleyado ay wala rin. Isang tao lang ang nakita ko, si Mr. Mataray. Tinanong ko sa guard kung nasaan ang mga tao. Andun pala sa conference room at yung iba ay nasa CY. May darating daw kasi galing sa Central Office kaya pinagtulungan nilang ayusin ang conference room na madalas ay ginagawa lang palang tambayan ng mga empleyado tuwing lunch break. Bumalik ako sa cubicle ko at andun na nga yung mga reports ng mga tellers na kelangan kung i-check. Umupo ako para simulan na ang trabaho ko nang mapansin kong mainit ang buga ng aircon sa likod ko. Baka kelangan I adjust, pero hindi ko naman makita ang remote nito. Hay, pano na ‘to? Wala akong ibang choice kundi tanungin si Mr. Mataray na gaya noong una kong makita, ay ganun pa rin ang ayos nya, nakatutok lang talaga sa computer.
“Excuse me, sir. Alam nyo po ba kung asan ang remote ng aircon?”
“Hindi.”
Aba’y talagang pinanidigan nya ang bansag ko sa kanyang Mr. Mataray dahil isang maikling hindi lang ang sagot nya at hindi man lang tumingin sa akin or nagtanong kung ano ang problema. May sayad ba tong taong to, or talagang likas na suplado lang siya. Hayyy, di ko alam kung pano ko pakikisamahan ang ganoong klaseng tao. Umupo na lang uli ako at pinagpatuloy ang aking trabaho. Inisip ko na lang, di bale, simula bukas hindi ko makikita ng halos dalawang lingo ang asungot na to.
Kinabukasan, araw ng pag alis ko papuntang CDO. Alas diyes ng umaga nang makarating ako sa hotel. Ala una pa ng hapon magsisimula ang training namin kaya may oras pa ako para magpahinga. Matapos kung ayusin ang mga gamit, binuksan ko ang TV at humiga muna sa kama.
“Hay, ang sarap naman dito, sana palaging may training. At least malalayo ako sa mga asungot.”
Comments