<h2>Ang Taksil Na Pagtatalik 1,</h2>
Kaya agad ko siyang pinakasalan pagkatapos na pagkatapos palang naming grumadweyt. Mahirap na baka “mauntog o matauhan pa sya”!. Pumayag naman si Kristine na magpakasal sa akin (siguro?) para magkaroon ng “excuse” sa mga magulang dahil alam nya na pipilitin sya ng mga ito na mag-review at ipasa ang CPA board na alam na alam nya na hindi nya magagawa (kasi hindi ko na sya mapapakopya sa exams).
Dahil kahit papaano ay mayroon na akong “stable job” at kahit na nag-aaral pa ako ng Law ay kaya ko ng tustusan ang lahat ng gastusin naming mag-asawa kaya minabuti na naming bumukod ng tirahan upang maging ganap na ang pagsasabuhay ng pagiging pamilya namin ni Kristine.
Simpleng bahay lang ang aming nilipatan, pero kahit papaano ay pwede nang simula. Apartment sya, up and down, salas at kusina sa ibaba at dalawang kwarto sa itaas. Iksakto naman dahil napag-usapan na namin ni Kristine na panahon na para kami magkaanak kaya ang isang kwartong bakante ay pwede ng “reserve” para sa magiging anak namin.
Napansin ko na hindi maganda ang pagkakagawa ng kabilang kwarto kumpara sa magiging silid namin ni Kristine, kasi plywood lang ang dingding nito at may pagitan pang espasyo sa kisame. May naiwan pang lumang papag ang dating may-ari pero hindi ko na inalis kasi mga 9 months to one year pa malamang ang hihintayin bago kami magka-beybi ni Kristine (kung susuwertehin na makabuo agad kami).
Sa pagdaan ng mga araw, nakilala rin namin ang aming mga kapitbahay, wala namang problema sa kanila kasi halos lahat sila ay mga titulado at may mga pinag-aralan, may kanya kanya na ring pamilya at matahimik na namumuhay sa aming lugar.
Kaya hindi na ako nag-aalala kung naiiwan kong mag-isa si Kristine sa bahay. Tiwala na rin ako na ligtas sya kahit madalas ay gabing-gabi na ako umuuwi galing sa school at trabaho. Pero kahit gabi na ko umuuwi ay nagagawa pa rin naming mag-seks kasi nga gusto na naming magkaanak. Sa malas naman apat na buwan na ang lumipas mula ng itinigil namin ang kontrasepsyon para makabuo kami, eh hindi pa kami makatyempo.
Isang araw kakagaling ko lang sa trabaho at papunta na sana ako sa school, napansin ko na parang nagbabadya ang isang malakas na ulan. Sa oras na alas-kwatro ay madilim na ang paligid at malamig na ang simoy ng hangin. Nag-alangan akong tumuloy sa school at baka maabutan pa ako ng baha at traffic sa daan, total wala naman masyado importanteng topic na iti-take up kasi katatapos lang ng exams namin.
Minabuti kong umuwi nalang para magkaroon kami ng mahabang oras ni Kristine (para gumawa ng beybi). Masarap kasi lalo ng kung uulan ng malakas at malamig ang panahon, the best talaga at siguradong makakarami kami. Madali naman akong nakauwi mula Ayala hanggang sa nererentahan naming bahay sa Guadalupe.
Pagdating ko sa bahay hindi ko nakita si Kristine sa salas, wala rin sya sa kusina, at lalong wala rin sa banyo. Malamang nasa kwarto namin sya at may inaayos lang siguro. Agad akong umakyat at tumuloy sa silid namin pero wala rin siya don.
Iisa nalang ang lugar na maaari kung puntahan ang kabilang silid na pansamantala naming ginagawang bodega. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang siradura upang buksan ang pinto ng silid ng makarinig ako nang:
Sa hindi inaasahang pangyayari dahil sa pagmamadali muntik na akong madapa pag-akyat ko ng hagdan at muntik naring tumarak sa akin ang kutsilyong hawak ko! Shit! paano nalang kung napuruhan ako! Paano na ang buhay ko? Eh kung mamatay ako? Sayang lahat ng pagod ko, ang pinuhunan ko sa sarili ko, lalong lalo na sa career ko!
Saglit akong nahimasmasan, paano nga ba? Eh kung baliktad, ako ang nakapatay, paano ang buhay ko? ang pangalan ko? ang career ko? Oo maaaring bumaba ang sentensya ko o maabswelto kung sakaling mapatay ko sa akto ng pagtataksil ang asawa ko at ang kalaguyo nya, pero makakatulong ba yon sa akin? Paano na ang buhay ko pagkatapos ng lahat?
Parang nauupos na kandilang ako’y napaupo at napasandal sa dingding ng kwarto kung saan ay dinig na dinig ko pa ang halakhakan at harutan ng dalawang nilalang na naglalandian sa loob. Ibinaba ko ang kutsilyo sa aking tabi at tila wala sa sariling sinabutan ko ang aking buhok. Gusto kung umiyak o magwala subalit pakiramdam ko ako ay hinang hina at hindi halos makakilos. Hindi ko talaga malaman ang aking gagawin!
Kasabay ng aking nagpupuyos na damdamin ang pagbuhos ng isang malakas na ulan. Tila yata ang langit ang lumuluha para sa akin. Parang ito ang labis na nasasaktan sa tinatanggap kong kabiguan!
“Diplomasya ang kailangan kaibigan”, tila yata bulong ng Anghel sa aking kanan. “Hindi! Patayin mo na!” ang sigaw naman ng demonyo sa aking kaliwa!
Kinailangan ko munang gamitin ang aking mga nalalaman sa aking gagawing desisyon. Dahil sa gusto kung maging lawyer, dapat malaman ko ang “side” ng “complainant” at “respondent” pagkatapos nun gagamitin ko naman ang aking nalalaman sa accounting sa pamamagitan ng aking pagbabalanse ng “debit” at “credit” at ang ultimatum ay ang kinalabasan kung “net loss or net income”!
Ang pinal na desiyon! Dahil sa ako’y makatao at may takot sa Diyos, diplomasya ang kailangan. Hindi ko na dapat ilagay ang batas sa aking mga kamay. Paalala siguro na ang nangyari sa hagdan ay isang paggising lamang sa akin na hindi ko dapat dungisan pa ng dugo ang aking mga kamay!
Bahala na! Ang mahalaga ay ang ipamukha sa kanila ang kasalanan nilang ginagawa, ang pagtataksil at pakikiapid!
Susupresahin ko sila habang nasa kainitan sila ng pagtatalik! Humigit kumulang alam ko na ang susunod na manyayari, mapapahiya silang dalawa at pagkatapos ay hihingi ng tawad sa akin ang magaling kong asawa. Papatawarin ko sya pero kinakailangang pirmahan muna nya ang Annulment ng aming kasal at pagkatapos ay bahala na siya sa sarili nya at bahala na ako sa akin! Magkita nalang kami sa husgado!
Napatiim bagang ako, more or less alam ko na ang ginagawa ng lalaki sa asawa ko, hinahalikan nyang pilit ang taenga nito pero pinipigilan sya ni Kristine kasi malakas doon ang kiliti nya. Tandang tanda ko pa ng una ko malaman na may kiliti sya sa taenga nuong nanonood kami ng sine (dati nung college pa kami) tapos panay ang laplapan namin sa KKK.
Itutuloy…