Daliaan Mo
Daliaan Mo
Ipinaayos ko na yun kina Mario nung isang araw. Pinapalitan ko na din yung bubong ng bago para walang tumutulo pag umuulan,” sagot ni Mang Kanor. “Ay mabuti naman. Sabi ni Pareng Archie e ngayong araw daw ang dating nung nirereto niyang bagong mangungupahan dito sa bahay,” paliwanag ni Aling Sonia.
“Ah oo nabanggit nga sakin ni Pare kagabi. Security guard daw yun at panggabi ang trabaho.”
“Naku mabuti palang yung kwarto sa dulo ang uupahan niya. At least sa dulo yun at di siya maiistorbo pag tulog siya sa umaga,” wika ni Aling Sonia. Di naman masyadong malaki ang bahay ng mag-asawang Sonia at Nicanor. 300 square meters at dalawang palapag lang yun.
Pagpasok mo sa unang palapag ay nandoon ang sala. Na sinusundan ng dalawang banyo na gamit ng mga nangungupahan. Sa bandang kaliwa, katapat ng mga banyo ay may dalawang kwarto. Ang nasa dulo ay ang kwarto ng mag-asawa. At ang katabing kwarto ay sa bunsong anak nilang si Nelson.
Kasunod nun ay ang kusina na may malawak na mesa. At sa kaliwang sulok ng bahay, sa bandang kaliwa ng pintuan ay ang hagdan paakyat na humahati sa mga kwarto sa second floor.
Sa bandang kaliwa ay may tatlong kwarto. Ang una, yung pinakamalapit sa hagdan ay tinitirhan ng isang mag-asawang senior citizen. Ang sumunod ay ang kwarto ng panganay na anak ng mag-asawa na si Sabrina.
Tuwing weekends lang ito umuuwi dahil nagbo-board ito malapit sa unibersidad na pinapasukan. Ang pangatlong kwarto ay ang kwartong uupahan ng darating na bagong mangungupahan. May sarili itong banyo dahil nga sa dulo na ito ng pasilyo at walang katapat na iba pang kwarto.
Sa kanang bahagi naman ay may dalawang kwarto. Ang una, yung pinakamalapit sa hagdan ay inuupahan ng bagitong mag-asawa. Kakakasal lamang ng mga ito nung isang taon at ngayon nga’y nagiintay ng magiging anak na 3 buwan ng ipinagbubuntis ng babae. Ang sumunod na kwarto ay inuupahan ng isang magkapatid. Kambal na babae’t lalaki ito at nagtatrabaho bilang mga manager ng magkaibang fast food chains.
At sa dulo ng hallway ay ang pintuang patungo sa isang malawak na terasa, katabi ng kwarto ng kambal. Open area iyon at naisip ng mag-asawa na gawing lugar labahan at sampayan iyon tutal nakabilad naman ito sa araw.
BANDANG HAPON, maga-alas tres, ng dumating si Mang Archie sa bahay nina Aling Sonia at masayang hinanap ang mag-asawa. Dumating na ang bagong mangungupahan dala ang mga gamit nito.
Andiyan sa labas, binababa lang ang mga gamit niya. Saan nga pala si Mare?” “Nasa kwarto, palabas na din yun,” sagot ni Mang Kanor. “Oh yaan na pala siya!” sabay turo kay Aling Sonia na naka-daster na bulaklakin.
Saan na ang bagong miyembro ng aming pamilya?” masayang biro ni Aling Sonia. Siya namang pasok sa pinto ng isang lalaki. At halos malaglag ang panga ni Aling Sonia. “Mare, Pare, ito nga pala si Dante. Inaanak ko ‘to sa probinsiya,” pagpapakilala ni Mang Archie.
Tigagal pa din si Aling Sonia. Napakagwapo ng lalaki. Sa tantiya niya’y 6-footer ito. Moreno, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, makapal ang kilay at semi-kalbo ang gupit. At halos pumutok ang suot nitong t-shirt dahil sa naglalakihang muscles nito. Lalaking-lalaki talaga ang karisma at dating. At parang biglang nag-init ang pagitan ng hita niya.
At tinulungan siya ni Mang Kanor at Mang Archie na magbuhat ng gamit niya. 7000 talaga per month ang upa. Pero dahil may sariling banyo ang kwarto mong to, 7,500 ang sayo. Kasama na ang tubig dun. Pwede kang magluto ng pagkain sa baba o bumili na lang sa labas. Sa kuryente, may sariling sub-meter ang bawat kwarto so kanya-kanya tayo ng bayad sa ilaw.”
Tapos ay hinawi ni Aling Sonia ang kurtina sa bintanang nasa bandang kanan ng pinto. “Yan ang terasa-slash-labahan-slash-sampayan. Pwede ka maglaba diyan at magsampay ng mga damit mo,” paliwanag ni Aling Sonia.
Tatango-tango lang ang lalaki.
“Oh ayos ba sayo yun, ‘nak?” wika ni Mang Archie sa inaanak na binata.
“Oho,” nakangiting sagot ni Dante.
“Oo nga pala, kailangan ko ng bayad para sa renta ngayong buwan. At one-month deposit. So bale 15,000 ang total,” dagdag pa ni Aling Sonia.
Dumukot sa bulsa niya ang lalaki. At humugot ng ilang lilibuhin mula sa pitaka niya.
“Heto po ang 10,000. Pwede po bang bukas na lang yung kulang? Magwi-withdraw na lang ho ako,” nakangiting wika nito at saka inabot ang pera kay Aling Sonia.
Tila naman may kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng magdikit ang mga palad nila ni Dante.
“A-ah.. o s-sige. Ayos lang,” nauutal na sagot niya.
“Oh diba, sabi ko sa inyo maayos magbayad tong inaanak ko eh,” wika ni Mang Archie sabay siniko pa si Mang Kanor.
“Haha.. oh siya, Dante. Iwan ka na muna namin upang makapag-ayos ka dito sa kwarto mo at makapahinga na din,” wika ni Mang Kanor.
Comments