Daliaan Mo
“Oo nga, Dante. Dadaanan na lang kita mamaya ha?” sabi ni Mang Archie. “At siyempre, sama ka na din, Pare,” baling nito kay Mang Kanor.
“Oy oy oy, ano na naman yan? Iinom na naman kayo?” singit ni Aling Sonia.
“Konti lang naman, Mare,” paliwanag ni Mang Archie. “Dun lang kami sa bahay at nagluto ng konting pulutan si Kumare mo para i-welcome tong inaanak ko.”
Sinulyapan uli ni Aling Sonia si Dante.
“Oh siya.. wag kayo masyadong magpagabi ah.”
ALAS ONSE na ng gabi ng dumating si Mang Kanor galing kina Mang Archie. Lasing na lasing ito at kaagad na bumagsak sa kama.
Sinipat ni Aling Sonia ang pinto. Wala pa si Dante. Ano’ng oras kaya siya darating? Bigla siyang nag-init. Sinaway niya ang sarili. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganun.
Sinulyapan niya ang asawa sa tabi niya. Sinubukan niya itong gisingin dahil sa biglaang pagiinit ng katawan niya. Nais niyang makipagniig dito. Dinakma niya ang bukol nito sa shorts. Walang reaksyon. Tulog na tulog ang asawa niya.
Paasik siyang bumalik sa pagkakahiga at nagkasya na lamang sa paghimas sa kaselanan niya. Grabe ang init na nararamdaman niya. Ipinikit niya ang mata at inisip si Dante.
“Ooohhh…” ungol niya habang nagpapaligaya sa sarili.
Napukaw ang atensyon niya ng makarinig siya ng galabog sa hagdan. Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Dinig na dinig niya ang mga yabag ng paa ngunit si Dante lang ang nakita niya doon at wala ito sa hagdan. Kasalukuyan nitong inila-lock ang pinto.
“Andyan ka na pala,” bati niya sa binata.
“Magandang gabi ho, Aling Sonia,” nakangiting wika nito. Mapungay ang mga mata at halatang nakainom.
“Magandang gabi din.”
“Sige ho, akyat na ho ako,” paalam ng binata.
At nagmamadali itong umakyat sa itaas. Tinanaw niya si Dante at nag-init na naman siyang muli. Pumasok siya sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.
Parang kinabahan siya. Kung si Dante ang nagsara ng pinto, sino ang mga yabag sa hagdan na nadinig niya? Makailang beses siyang lumakad paikot sa kusina bago nagdesisyong umakyat.
What did you think of this story??
Comments