<h2>Gimik Lamang 1,</h2>
Maliban sa ilaw ng mga nakahilerang poste sa magkabilang panig panig ng kalye at sa ilang kabahayan at mga gusali ay madilim ang gabing iyon na hinahagupit ng isang malakas na ulan.
Bawat puno at halaman sa paligid ay sumasayaw sa ihip ng hangin at sa mga kanyang kadiliman ng langit ay hindi magkamayaw ang pagguhit ng kidlat at pagdagundong ng kulog.
Tahimik lamang siya at ang kasamang si Mae, hinihintay na tumila ang mga walang humpay na pagbuhos ng ulan. Sa di kalayuang mesa dalawang lalaki na sa tantiya niya ay mga mag-aaral sa kolehiyo ang taimtim na nag-uusap.
Sa counter nama’y tahimik na nagbabasa ng magasin ang tagabantay ng coffee shop, na paminsan-minsa’y lalapitan at kakausapin ng dalawang waiter.
Patuloy naman ang pagtugtog ng isang kantahin na tila nasasapawan ng ingay ng bumubuhos na ulan. Muli siyang napatingin sa kanyang kasama. Kagaya niya’y mukhang nababagot na rin si Mae na dismayado rin dahil sa hindi pagsipot ng iba nilang kabarkada.
Kaninang pasado alas diyes ay kasama pa nila si Annie ngunit nauna na rin itong umuwi dahil may gagawin pa itong importante sa kanilang bahay. Ngayon ay heto silang dalawa ni Mae, nababagot sa kahihintay na tumila ang ulan.
Ayaw nilang suongin ang malakas na buhos nito kahit na may dalang payong si Mae dahil siguradong mababasa lamang sila. Medyo nag-aalala na rin siya dahil baka wala na siyang jeep na masasakyan pauwi lalo na’t double ride pa naman siya, at ngayon ay lumalalim na ang gabi.
May bagyo yata, tugon niya. Wala naman siguro, sabi ng dalaga. Kapag tumagal pa ‘to baka kung anong oras na tayo makauwi nito. Baka wala ka na ring masakyang jeep, Bran.
Oo nga eh, pag-ayon naman niya. Buti ka pa malapit lang dito bahay nyo. Napabuntong-hininga ang dalaga. Sana tumila na ang ulan, sabi nito. Natahimik silang dalawa. Sa labas ay patuloy ang pagbuhos ng tila lalong lumakas na ulan.
Pansin ni Bran na iilang sasakyan na lamang ang dumadaan at naisip tuloy niya na tiyak ay mahihirapan na talaga siyang makauwi sa kanila. Napatingin siya kay Mae na nakatingin naman sa labas. Naku,’ sabi ng dalaga sabay harap sa kanya, lumakas pa lao ang ulan.
Wala na rin yatang jeep, Bran. Magtataxi na lang siguro ako, aniya. Ganon? sambit ni Mae. Oo, sagot niya na tila malungkot, hindi naman kasi puwedeng makitulog na lang sa inyo.
Parang natigilan ang kanyang kasama sa huli niyang sinabi. Napatitig ito sa kanya. Bakit, sinabi ko ba na hindi puwede? sabi bigla ni Mae. Napangiti siya at sinabing, Puwede ba? Saglit na natahimik ang dalaga, pailing-iling ito at tila nag-iisip.
Tumingin ulit ito sa labas pagkatapos ay muli siyang hinarap. Sige total mukhang alangan ka na talaga, sabi ng dalaga. Sure ka, Mae? paniniguro niya. Oo, Bran, doon ka na lang sa’min magpalipas ng gabi. Salamat ha. Hindi ka lang maganda ang bait mo pa.
Naku, nambola pa ‘to. Haay, sana tumigil na ‘tong ulan para makauwi na tayo. Malapit nang maghatinggabi nang humina ang buhos ng ulan. Hindi na nila hinintay na tumigil ito at lumabas sila sa coffee shop at pumara ng taxi habang nagsisiksikan sa ilalim ng maliit na payong.
ISANG mahinang langitngit ang pinakawalan ng pinot nang it’y buksan ni Mae. Dali-dali silang pumask at binuksan ng dalaga ang ilaw. Medyo basa sila dahil lumakas na naman ang ulan pagbaba nila sa taxi. Ikinandado ni Mae ang pinto pagkatapos ay itinabi ang dalang payong.
Naku, sambit ni Mae, basang-basa yata ‘yang damit mo, Bran. Wala ‘to, tugon niya. Tutuyo din ‘to. Napakunot si Mae. Lalo itong napakunot nang mapansin na medyo basa din ang damit nito.
Diyan ka muna ha magpapalit muna ako, sabi ni Mae. Sige, tugon niya. Pumanhik si Mae sa itaas at siya nama’y naupo sa sofa habang nililibot ng mga mata ang buong living room. Maganda ang bahay. Bukod sa maayos na’y malinis pa ito, hindi katulad ng kanilang bahay na magulo.
Mabuti naman at hindi burara itong si Mae, naisip niya at bukod pa doo’y maganda at sexy pa ito. Siguradong masuwerte ang mapapangasawa ng dalaga pagnagkataon.
Napangiti siya sa mga naiisip niya at hinubad niya ang kanyang sapatos at m edyas pagkatapos ay tinignan ang ilang magasin na nakaayos sa ilalim ng maliit na mesa. Maya-maya ay narinig niya ang mga yabag ni Mae na pababa sa hagdan. Napatingin siya sa kaibigan.
Suot ng dalaga ay putting T-shirt at putting pajama bottom at bakat sa pang-itaas nito ang suot na putting bra. Nakalugay naman ang straight nitong buhok na lampas sa balikat ang haba. Inabutan siya nito ng puting shirt.
Palitan m muna ‘yang damit mo, sabi ng dalaga. Salamat, balik niya, nag-abala ka pa, Mae. Walang ano man, Bran. Sige suot mo na ‘yan. Medyo asiwa pa siyang hubarin ang basa niyang damit dahil kaharap niya si Mae.
Ngunit naisip niya na parang ok lang sa dalaga kaya dali-dali niyang hinubad ang kanyang pang-itaas at ito ay nagwo-workout ka ba? narinig niya kay Mae.
Hindi, sagot niya habang sinusuot ang damit na bigay ng dalaga. Bakit? Ganda kasi ng katawan mo, tila nahihiyang tugon ni Mae. Ngek! napangiti siya sa sinabi ng dalaga, hindi naman ah, payat ko nga eh.
Payat na malaman siguro puwede pa. He he he. Napatawa na rin ang mga dalaga at palihim niya itong tinignan. Ang ganda m talaga, Mae, sa isip niya. Ay oo nga pala, sambit ni Mae, doon ka na matulog sa isang room sa itaas.
Hindi naman kasi nagagamit ‘yon. Naku, wag na, Mae at nakakahiya naman. Dito na lang ako sa sofa. Ano ka ba, pagtutol ng dalag, mas maganda don sa taas. Wag ka na mahiya.
Tinulungan niya si Mae sa pag-ayos sa tutulugan niyang silid at dati iyong silid ng nanay ng dalaga, na kasalukuyang nagtatrabaho sa London. Malaki ang kama, kasyang-kasya ang tatlong tao.
Sa tabi niyon ay isang table drawer at sa ibabaw nito ay ang family picture nina Mae. Kita niya na maganda din ang ate ng dalaga na nagtatrabaho sa Cebu. Matapos silang mag-ayos ay nagkuwentohan muna sila.
Itutuloy…