Isang Masarap Na Paglabas 1
Maliban sa ilaw ng mga nakahilerang poste sa magkabilang panig panig ng kalye at sa ilang kabahayan at mga gusali ay madilim ang gabing iyon na hinahagupit ng isang malakas na ulan. Bawat puno at halaman sa paligid ay sumasayaw sa ihip ng hangin. Sa kadiliman ng langit ay hindi magkamayaw ang pagguhit ng kidlat at pagdagundong ng kulog.
Tahimik lamang siya at ang kasamang si Shasha, hinihintay na tumila ang walang humpay na pagbuhos ng ulan. Sa di kalayuang mesa dalawang lalaki na sa tantiya niya ay mga mag-aaral sa kolehiyo ang taimtim na nag-uusap. Sa counter nama’y tahimik na nagbabasa ng magasin ang tagabantay ng coffee shop, na paminsan-minsa’y lalapitan at kakausapin ng dalawang waiter. Patuloy naman ang pagtugtog ng isang kantahin na tila nasasapawan ng ingay ng bumubuhos na ulan.
Muli siyang napatingin sa kanyang kasama. Kagaya niya’y mukhang nababagot na rin si Shasha na dismayado rin dahil sa hindi pagsipot ng iba nilang kabarkada. Kaninang pasado alas diyes ay kasama pa nila si Dey ngunit nauna na rin itong umuwi dahil may gagawin pa itong importante sa kanilang bahay.
Ngayon ay heto silang dalawa ni Shasha, nababagot sa kahihintay na tumila ang ulan at ayaw nilang suongin ang malakas na buhos nito kahit na may dalang payong si Shasha dahil siguradong mababasa lamang sila. Medyo nag-aalala na rin siya dahil baka wala na siyang jeep na masasakyan pauwi lalo na’t double ride pa naman siya, at ngayon ay lumalalim na ang gabi. Haay, naku! may pagkabagot na sabi ni Shasha na nakasalumbaba pa, wala na yatang katapusan ang ulan na ‘to.
May bagyo yata, tugon niya. Wala naman siguro, sabi ng dalaga. Kapag tumagal pa ‘to baka kung anong oras na tayo makauwi nito. Baka wala ka na ring masakyang jeep, Bran. Oo nga eh, pag-ayon naman niya. Buti ka pa malapit lang dito bahay nyo.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Sana tumila na ang ulan, sabi nito. Natahimik silang dalawa. Sa labas ay patuloy ang pagbuhos ng tila lalong lumakas na ulan. Pansin ni Bran na iilang sasakyan na lamang ang dumadaan. Naisip tuloy niya na tiyak ay mahihirapan na talaga siyang makauwi sa kanila. Napatingin siya kay Shasha na nakatingin naman sa labas. Naku,’ sabi ng dalaga sabay harap sa kanya, lumakas pa lao ang ulan. Wala na rin yatang jeep, Bran.
Magtataxi na lang siguro ako, aniya. Ganon? sambit ni Shasha. Oo, sagot niya na tila malungkot, hindi naman kasi puwedeng makitulog na lang sa inyo. Parang natigilan ang kanyang kasama sa huli niyang sinabi. Napatitig ito sa kanya. Bakit, sinabi ko ba na hindi puwede? sabi bigla ni Shasha. Napangiti siya at sinabing, Puwede ba?
Saglit na natahimik ang dalaga, pailing-iling ito at tila nag-iisip. Tumingin ulit ito sa labas pagkatapos ay muli siyang hinarap. Sige total mukhang alangan ka na talaga, sabi ng dalaga. Sure ka, Shasha? paniniguro niya. Oo, Bran, doon ka na lang sa’min magpalipas ng gabi. Salamat ha. Hindi ka lang maganda ang bait mo pa.
Naku, nambola pa ‘to. Haay, sana tumigil na ‘tong ulan para makauwi na tayo. Malapit nang mga ito maghatinggabi nang humina ang buhos ng ulan. Hindi na nila hinintay na tumigil ito at lumabas sila sa coffee shop at pumara ng taxi habang nagsisiksikan sa ilalim ng maliit na payong.
Isang mahinang langitngit ang pinakawalan ng pinot nang it’y buksan ni Shasha. Dali-dali silang pumask at binuksan ng dalaga ang ilaw. Medyo basa sila dahil lumakas na naman ang ulan pagbaba nila sa taxi. Ikinandado ni Shasha ang pinto pagkatapos ay itinabi ang dalang payong. Naku, sambit ni Shasha,
Basang-basa yata ‘yang damit mo, Bran. Wala ‘to, tugon niya. Tutuyo din ‘to. Napakunot si Shasha. Lalo itong ang napakunot nang mapansin na medyo basa din ang damit nito. Diyan ka muna ha magpapalit muna ako, sabi ni Shasha.
Sige, tugon niya. Pumanhik si Shasha sa itaas at siya nama’y naupo sa sofa habang nililibot ng mga mata ang buong living room. Maganda ang bahay. Bukod sa maayos na’y malinis pa ito, hindi katulad ng kanilang bahay na magulo.
Mabuti naman at hindi burara itong si Shasha, naisip niya; bukod pa doo’y maganda at sexy pa ito. Siguradong masuwerte ang mapapangasawa ng dalaga pagnagkataon. Napangiti siya sa mga naiisip niya. Hinubad niya ang kanyang sapatos at m edyas pagkatapos ay tinignan ang ilang magasin na nakaayos sa ilalim ng maliit na mesa.
Maya-maya ay narinig niya ang mga yabag ni Shasha na pababa sa hagdan at napatingin siya sa kaibigan at suot ng dalaga ay putting T-shirt at putting pajama bottom. Bakat sa pang-itaas nito ang suot na putting bra. Nakalugay naman ang straight nitong buhok na lampas sa balikat ang haba. Inabutan siya nito ng puting shirt. Palitan m muna ‘yang damit mo, sabi ng dalaga. Salamat, balik niya, nag-abala ka pa, Shasha. Walang ano man, Bran. Sige suot mo na ‘yan. Medyo asiwa pa siyang hubarin ang basa niyang damit dahil kaharap niya si Shasha.
Ngunit naisip niya na parang ok lang sa dalaga kaya dali-dali niyang hinubad ang kanyang pang-itaas. Nagwo-workout ka ba? narinig niya kay Shasha. Hindi, sagot niya habang sinusuot ang damit na bigay ng dalaga. Bakit? Ganda kasi ng katawan mo, tila nahihiyang tugon ni Shasha. Ngek! napangiti siya sa sinabi ng dalaga, hindi naman ah, payat ko nga eh.
Payat na malaman siguro puwede pa. He he he. Napatawa na rin ang dalaga. Palihim niya itong tinignan. Ang ganda m talaga, Shasha, sa isip niya. Ay oo nga pala, sambit ni Shasha, doon ka na matulog sa isang room sa itaas at sa
Hindi naman kasi nagagamit ‘yon. Naku, wag na, Shasha. Nakakahiya naman. Dito na lang ako sa sofa. Ano ka ba ang pagtutol ng dalag, mas maganda don sa taas. Wag ka na mahiya. Haay, sige na nga. Salamat, Shasha, ha. Walang ano man, Bran. Sige akyat na tayo. Tinulungan niya si Shasha sa pag-ayos sa tutulugan niyang silid.
Dati iyong silid ng nanay ng dalaga, na kasalukuyang nagtatrabaho sa London. Malaki ang kama, kasyang-kasya ang tatlong tao. Sa tabi niyon ay isang table drawer at sa ibabaw nito ay ang family picture nina Shasha. Kita niya na maganda din ang ate ng dalaga na nagtatrabaho sa Cebu. Matapos silang mag-ayos ay nagkuwentohan muna sila.
Itutuloy…