Ang Gabi Ng Init 3
Nauna siyang natapos at naiwan akong kumakain. Pagkakain ko ay hinugasan ko ang aming pinagkanan at nag-ayos ng dining room dahil nga ayaw kong pumunta ng sala baka makita ko si tita Francing at talagang hiyang-hiya ako. Naisip ko tuloy na umuwi na lang ako.
Pero naisip ko rin na baka lalo lang magtaka ang tatay ko kung bakit napaaga ang uwi ko at baka ito ay magtanong sina tita Angie at mga lolo ko kung bakit uuwi na agad ako. Nang matapos ako ay pumunta na ko ng sala, wala doon si tita Francing.
Si tita Angie lang ang nandoon at nanood pa ng TV. “Bakit ka nag-iisa” tanong ko sa kanya. “Pagod daw ang tita mo kaya magpapahinga na raw siya” sagot naman niya. Nang gabing iyon ay nagyaya ang mga pinsan ko na pumunta daw kami sa kabilang baryo at makikipagsawayan kami.
Malakas na ang pakiramdam ko ng gabing iyon dahil nga mahaba nga ang tulog sa araw at pagdating sa namin sa sayawan, di pa nagtatagal ay may nag-away. May mga lasing na nambato sa mga nagsasayaw. At dahil marami doon ang mga sundalo, nagsipagbunot ng kanilang mga baril at hinabol ang mga nambabato.
Kami rin sa takot ng baka tamaan pa ng ligaw na bala ay dali dali kaming umuwi na lamang at pagdating namin sa bahay ay nagyaya si kuya Ding na doon na lang daw ako sa kanila matulog. Naisip ko na baka mahalata lamang nila ako at sa pakiramdam ko ay di ako dadalawin ng antok sa gabing iyon kaya sabi ko sa bahay na lang muna ngayon.
Itutuloy…
What did you think of this story??
Comments