Bugso Ng Init 1

Binuhat ko siya, hawak ko ang dalawa niyang maputing hita, Siya naman ay nakahawak sa leeg ko, parang bagong kasal. Amoy ko pa rin ang bango ni Cher at pag nagsasalita siya ay kita ko ang pantay-pantay niyang mga ngipin.

Gusto ko na nga siyang halikan pero nagtitimpi ako dahil sa alam ko na ito ay kakikilala pa lang namin at baka maging bastos ang dating ko. Kahit medyo mabigat ay parang gusto ko na buhat buhat ko pa siya dahil sumasanggi madalas ang kanyang boobs sa dibdib ko. Di ko na lang ipinahahalata sa kanya na nadadala ako ng sitwasyon at kung ano-ano na ang naiisip ko.

Pagdating sa bahay, sabi ni Cher ay masakit pa rin ang paa niya, “Marunong manghilot yang si Peter” sabi ni pinsan, “Sige, patulong ka na lang na maglinis ng paa kay pinsan,at hihilutin ko”.

Pagkatapos maglinis ng mga paa ay nagpakuha ako kay Manang ng baby oil at sinimulang hilutin ang paa niya, pagkatapos kung mahilot ay parang nagdahilan lang siya at nakakalakad na ulit si Cher. “Salamat, Peter” sabay halik sa aking pisngi. Nagulat ako pero di ako nagpahalata. “Walang anuman yun”.

Akala ko ay yun na ang huli naming pagkikita ni Cher. Umpisa ng collegiate tournament, nakita ko na nandoon ang pinsan ko na si Lovely pero walang kasama, sabi ko sa sarili na di naman mahilig manood ng game lalo na at basketball si Pinsan pero siguro dahil gusto lang niya na suportahan ako.

Di pa ako pinapapasok ng Coach namin halftime na. Bench warmer yata ang labas ko nito sa loob-loob ko, Second half, tinapik ako ni Coach, sabi magready na raw ako, nung pumunta na ako sa scorer table at nilingon ko ang lugar kung saan nandun si Pinsan.

 

Itutuloy…

What did you think of this story??

Comments

Scroll To Top