Bumigay sa Kapitbahay
Lasing ka lang, umuwi ka na bago pa dumating ang asawa ko,” sabi ko kay Nanding. Akmang lalapit uli siya sa akin ngunit lumayo na ako. Nagsalita siya at sabi sa akin, pag-isipan ko raw ang sinabi niya sa akin sabay humakbang palabas.
Ngunit bago tuluyang lumabas ng bahay namin ay nagbitiw pa ng salita. “Masarap ka pa rin halikan. Pag may problema ka, `wag kang mahihiyang lumapit ulit sa akin,” ayon kay Nanding na nakangiti. Sa kanyang sinabi ay pinunasan ko ang aking labi para mawala ang bakas ng kanyang halik.
Hindi ko kinuwento ang nangyari sa amin ni Nanding pagdating ng asawa ko. Ayo-kong madagdagan pa ang kanyang problema. Ngunit hindi ako makatulog kahit nakahiga na katabi ang aking asawa. Naglalaro sa isip ko ang ginawa sa akin ni Nanding kanina at paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang kanyang mga sinabi.
Simula noon ay iniwasan ko na talaga hangga’t maaari ang magkita kami ni Nanding. Nag-iisip na rin ako ng paraan kung paano maibabalik ang hiniram kong pera sa kanila. Alam kong hangga’t may kompromiso ako sa kanila ay naroroon ang pagkakataon para kay Nanding na makalapit sa akin.
Ngunit nasundan muli ang ginawa niya sa akin. Itinaon niyang mag-isa uli ako sa bahay at araw pa man din kung kailan wala sa bahay ang aking asawa dahil pumasok sa trabaho at nag-aaral ang mga anak namin. Mas malakas ang loob ni Nanding ng araw na iyon. ‘Di ko nga sukat-akalain na darating siya at wala akong kaalam-alam na nakapasok na pala siya sa loob ng aming pamamahay na hindi ko man lang nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang bigla siyang pumasok na lang. Akala ko, ang asawa ko lang na hinawakan ako sa bewang. Hindi ko kasi nakita ang pagpasok niya dahil nakatalikod ako at naghuhugas ng kaldero sa lababo. Hindi ko rin narinig kahit kaluskos man lamang niya dahil siguro ingat na ingat din sa pagpasok para hindi ko marinig.
Sa gulat ko ay hinarap ko kung sino ang humawak sa aking bewang na sinundan pa ng pagtapik sa aking balikat. Si Nanding na naman! Inamoy ko kung lasing ngunit hindi naman at wala rin sa itsura niya ang nakainom ng alak gaya ng unang pumasok siya sa bahay namin na mag-isa lang ako.
“Bakit bumalik ka pa?” sabi ko. Hindi ako sinagot, sa halip ay niyakap at sinibasib ako ng halik sa labi. Lumaban ako ngunit nangibabaw ang kanyang lakas. Nang pagbantaan kong sisigaw ako para marinig sa bahay nila ay lalo pa akong niyakap at hinalikan sa labi.
Pilit akong nagpupumiglas mula sa kanyang yakap ngunit pinag-ibayo pa ni Nanding ang pagkakayakap sa akin at para siguro hindi ako makasigaw ay mariing hinalikan ang aking labi. Saka lang niya ako binitawan nang hindi na ako gumagalaw at hinayaan siya sa kanyang kalapastanganan. Ngunit ramdam ko ang kanyang mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa makarating sa asawa ko ito,” sabi ko sa kanya. Ngunit hindi natinag sa kanyang kinatatayuan si Nanding. “Kursunada kita at kung payag ka, wala namang makakaalam nito dahil itatago natin at matutulungan pa kita,” ayon sa kanya.
Hindi ako nakakibo sa kanyang sinabi. Pero aaminin ko sa iyo Xerex na natukso ang isip ko sa inaalok ni Nanding. Alam kong malaki ang kanyang maitutulong sa akin sakaling pumayag ako ngunit namamayani rin sa dibdib ko ang takot sakaling sumawsaw ako sa pagkakasala.
Nakatulugan ko pa ang pag-iisip. Kaya lang ako nagising dahil parang naalimpungatan at iyon pa rin ang laman ng isip ko, ang nangyari sa amin kahapon at ang nakatakdang pagkikita namin ni Nanding ng araw na iyon. Hindi ako makakilos ng maayos kahit mag-isa na lang sa bahay. Hindi ko tuloy nagawa ang mga dapat gawin dahil parang nanlalata ang aking katawan dala na rin ng pagkapuyat sa halos magdamag na pag-iisip.
Wala akong nabuong desisyon kundi kusang sumipot na lang sa lugar na sinabi ni Nanding sa akin. Pagdating ko roon ay nandoon na siya. Kita niya agad ako habang naglalakad papalapit pa lang sa lugar na sinabi niya sa akin. Nang makalapit na ako ay nagkunwari si Nanding na kinakausap niya ako tungkol sa pera ngunit pabulong na sinabihan akong palipasin ko lang daw ang ilang minuto at sundan ko na siya kung saang direksyon pumunta.
Parang amo ko siya na sunud-sunuran lang ako kung ano ang ibig niyang ipagawa sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay sinundan ko siya palabas ng palengke. Hinihintay lang pala niya ako sa labasan at saka lang siya tumawag ng tricycle at doon kami sumakay. Saka niya pinara ang tricycle nang makalayo na kami sa lugar namin at pumara naman ng jeep.
Habang lulan ng jeep ay saka ipinaliwanag sa akin ni Nanding na kaya lang niya ginawa iyon, para makaiwas sa sinumang maaaring makakita sa amin. Dito ko siya tinanong kung saan kami pupunta. Sa mas ligtas na lugar lang daw kami pupunta para makapag-usap.
Comments