Karanasan ng Isang Rebelde

Siya Ka. Junrey kasi ang may dala ng subersibong dokumento kung saan nakalista roon ang mga pangalan ng ilang mataas na opisyal ng militar na may malaking kasalanan sa bayan, maging ang kampo na pinagpaplanuhan naming salakayin.

Tumakbo ako pabalik sa aming pinanggalingan kasabay ang aking pagratrat sa puwesto ng mga kalaban.

Kahit wala akong makitang sundalo walang habas akong nagpaputok. Hindi napagod ang aking daliri sa pagkalabit ng gatilyo ng aking armalite.

Nang maubusan ng bala ang aking armas, mabilis akong nagkubli sa malalaking bato. Pinalitan ko ng magasin ang aking armas at ikinasa agad nang maisalpak ang panibagong magasin na punung-puno ng mga bala.

Sumilip ako. Biglang nanlaki ang mga mata mo at kasabay ang pagkabog ng aking dibdib.

“Ka. Roger, tumakbo ka na! Kailangan n’yo nang tumakas baka maubos tayo!”

Lalong kumulo ang aking dugo nang makita ko si Ka. Junrey.

Wala na ang mga paa niya at putol pa ang kanang niyang braso.

Naliligo siya sa sarili niyang dugo. Nakabulagta siya sa lupa.

Parang gusto niyang humingi ng saklolo pero tila batid na niyang mamatay siya.

“Mga putang ina n’yoooooo!” ngitngit ko kasabay ang paglabas ko sa aking puwesto at pinaulanan ko ng bala ang dalawang sundalo na nagtatangka sumugod sa aking kinaroroonan.

Bumulagta ang dalawa matapos kong tamaan.

Mabilis kong tinungo si Ka. Junrey.

“Ka. Junrey, buhatin na kita! Tumakas na tayo!” sabi ko sa kanya sabay bagsak ko ng aking armalite sa lupa.

“Hindi na kailangan, Ka. Roger. Alam kong mamatay na ako.” mahina niyang sabi.

“Mabubuhay ka pa, Ka. Junrey! Mabubuhay ka pa!”

Nakita kong sumuka na siya ng dugo. Naglabasan na rin ang dugo sa kanyang ilong.

“Ang hiling ko lang na sana ay ipaglaban n’yo ang demokrasya at kalayaan para ating bayan. Hangga’t buhay pa kayo, ipagtanggol n’yo ang mga naaapi. Sana’y magtagumpay ang ating pangkat laban sa gahaman nating pamahalaan,” ang madamdaming pahayag ni Ka. Roger sabay damit ng kalibre .45 at inabot niya sa akin.

“Ka. Arnold, kailanman ay hindi ko pinapangarap na ang mga kalaban ang kikitil sa sarili kong buhay.” pilit ako ni Ka. Junrey na hawakan ang baril.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin, gusto niyang ako ang papatay sa kanya kaysa ang mga kalaban ang mga kalaban ang kikitil sa kanyang buhay.

Masakit man sa aking kalooban na malagasan ng isang kasamahan, kasamahan na ilang taon ding nakasama ko sa iba’t ibang uri ng operasyon ng aming kilusan, gagawin ko ito alang-alang sa kahilingan niya.

Lalo siyang maghihirap kapag mabuhay sa mundong ito na hindi isa nang inutil.

Kinuha ko ang inabot niyang baril.

Bang!

Umalingawngaw ang putok ng kalibre .45 at pumanaw si Ka. Junrey.

Mercy killing ang tawag namin dito.

Mabilis kong kinuha ang bag niya na naglalaman ng subersibong dokumento.

Dinampot ko na rin ang M203 rifle niya at saka mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng mga kasama ko.

Natigmak ng dugo sa aming panig ang biglaang pag-atake ng mga sundalo sa aming kuta.

Marami ang nalagas sa aming panig.

Hindi na nagawa pang humabol ng mga sundalo sa aming pagtakas dahil sa aming mga snipers na nakaantabay sa kanila.

Madaling araw kaming nakarating sa bundok ng isang bayan sa Lanao del Sur.

Ginalugad muna naming mabuti ang bundok na iyon sa pangambang may panganib dito.

Nang matiyak naming ligtas ang lugar na iyon, doon na kami gumawa ng kuta.

Banaag sa mukha ng mga kasama ko ang labis na kalungkutan dahil sa pagkalagas ng aming kasamahan sa pag-atakeng iyon ng mga sundalo.

“Mga kasama! Kasama na sa ating mga mithiin na makamit ang demokrasya at kalayaan para sa ating bayan at mamatayan sa iba’t iba uri ng bakbakan. Hindi natin dapat damhin ito. Oo, masakit ang mawalan ng kasama. Pero ang hakbang nating ito ay hindi para sa atin kundi para sa kinabukasan ng mga kabataan na naghahangad ng kapayapaan at magkaroon ng matinong gobyerno!” ito ang hiyaw kong pahayag sa aming mga kasama.

Napagmasdan kong may nakikinig sa akin habang ang iba naman ay nakayuko na tila nagdaramdam sa matinding pagsubok na natikman namin kanina.

“Kung ayaw n’yo nang sumapi sa kilusang ito, puwede kayong bumaba sa bundok para sumuko sa gobyerno!”

Walang kumibo. Tila nabuhayan ng loob ang mga kasama kong nagmukmok kanina.

“Mabuhay si Ka. Arnold!” sigaw ng isang babae.

“Mabuhay!!!” sabay na sabay na tugon ng karamihan at itinaas ang kanilang mga armas at iwinagayway sa ere.

“Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan at ang Partido Komunista ng Pilipinas!”

“Mabuhay!!!”

Si Ka. Rowena ang nakita kong sumigaw at itinaas din ang kanyang armas na A-K 47.

Makalipas ang ilang araw, balik na sa normal ang aming pamumuhay sa bundok.

Naging kampo na namin ang liblib na bundok na iyon.

Nananatili sa humigit kumulang sa 6,000 ang puwersa ng aming kilusan nang mga panahon iyon.

Patuloy pa itong tumaas dahil sa patuloy na pagdami ng mga taong gustong sumapi sa amin.

Comments

Scroll To Top