Karanasan ng Isang Rebelde
Kaliwa’t kanan ang putukan. Tila walang kaubusan ang aming mga bala.
Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti nang humuhupa ang mga putok sa panig ng militar.
Naging maingat kami habang papalapit sa kanila upang matiyak kung patay na ang ilan sa kanilang mga kasamahan.
Habang papalapit kami sa kampo ay nagpaputok ng kani-kanilang baril ang ilang sundalo na sa tantiya namin ay hindi na umabot sa dalawampu ang mga iyon.
Unti-unti silang nalalagas dahil sa mga snipper namin na bawat putok ng armas ay tiyak na bulagta ang kalaban kapag lumutang sa kanilang pinagtataguan.
Dahan-dahan kaming umuusad palapit sa kampong iyon.
Nang makailang metro na kami ay sumambulat ang isang malakas na pagsabog mula sa kanang bahagi ng aking puwesto kung saan naroon ang mahigit sa 200 kasapi ng aming kilusan.
Malakas na yanig at nagliwanag ang paligid doon at nasaksikhan kong tumalipon ang ilan sa mga kasamahan namin nang tamaan ng pagsabog na iyon.
Sabay-sabay kaming nagkubli at saglit na nakiramdam sa paligid.
Isa pang malakas na pagsabog ang sumambulat sa bahaging kanan ng aking kinaroroonan.
Narinig namin ang mga ugong na tila paparating sa aming pinagtataguan.
Mabilis kaming bumalikwas at nagtakbuhan palayo para makaiwas sa posibleng pagtama ng mga bomba na pabagsak sa aming kinaroroonan.
Sunud-sunod pang mga putok na iba’t ibang uri ng baril na umaalingawngaw isang kilometro mula sa kampong iyon.
Kaagad akong naghudyat sa aking mga kasamahan na ‘wag lisanin ang Camp Ranao at sa halip ay harapin ang mga sundalong paparating at makipagbakbakan ng harap-harapan sa kanila.
Marahil, nakatawag na sa kanilang headquarters ang mga sundalo na nasa Camp Ranao ilang minuto nang umusbong ang matinding bakbakan sa kampo na aming sinalakay.
Ginamitan namin ng mga bazooka ang mga kalabang sundalo kaya’t hirap silang makausap palapit sa amin.
Wala ring humpay sa pagbato ng mga granada ang iba naming tropa doon sa panig ng mga kalaban.
Nakaalerto rin ang aming mga snipper sa mga puno na bumabaril sa nakikitang kalaban.
Nakapuwesto na kami kaya’t tagilid ang mga militar na bawiin ang kanilang kampo matapos namin itong makubkob.
Walang puknat ang palitan ng mga putok ng mga oras na iyon.
Habang patuloy ang bakbakan, napansin kong marami na sa aming panig ang nalagas.
Kinakabahan ako sa pangambang baka maubos kami.
Bandang alas singko ng umaga, kasabay ng unti-unting pagliwanag ng paligid, wala pa ring hupa ang bakbakan.
Nakipagpalitan pa rin ng putok ang aming kilusan sa mga sundalo.
Nagpasya na kaming umurong nang magsidatingan na ang anim na helicopter ng pamahalaan.
Sumugod din ang mga tangke de giyera ng mga sundalo mula sa aming kinaroroonan.
Habang paatras kami ay tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa aming panig.
Diniligan kami ng mga bala buhat sa mga helicopter.
Ang aming mga snipper ay nagkalaglagan matapos banatan ng tangke de giyera ang kanilang pinagkukublian.
Habang paatras kami ay inutos ko sa aking mga kasamahan na ‘wag nang magpaputok nang kanilang baril para hindi kami masundan ng mga sundalong humahabol sa amin.
Nakaligtas ang ilan sa amin subali’t ang mga bangkay ng aming mga kasamahan ay hindi na namin natanggay kasabay ng aming pagkatakas.
Habang naglalakad kami pabalik sa aming kuta, bigla kaming naalarma nang makaengkuwento namin ang isang grupo ng mga sundalo.
Sumiklab na naman ang matinding bakbakan.
Kanya-kanya sa pagtago. Nakipagpalitan kami ng putok sa mga kalaban.
Sa loob ng mahigit kalahating oras na bakbakan ay todas ang mahigit 20 sundalo sa engkuwentrong iyon.
Mabilis naming kinulimbat ang mga armas ng mga namatay na sundalo bago kami sumibat.
Sumiklab naman ang matinding bakbakan. Kanya-kanya na sa pagtago. Nakipagpalitan kami ng putok sa mga kalaban.
Sa loob ng mahigit kalahating oras na bakbakan ay todas ang mahigit 20 sundalo sa engkuwentrong iyon.
Mabilis naming kinulimbat ang mga armas ng mga namatay na sundalo bago kami sumibat.
Sa loob ng ilang taong pakikibaka na magtagumpay kami sa aming hangarin na makamit ang demokrasya at kalayaan sa bansa, tila hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasusungkit ng mga dati kong kasama.
Kasabay ng pagkakaupo ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986, sumuko ako sa pamahalaan kasama ang daan-daang kong kasapi sa kilusan.
Marami nang buhay ang nalagas sa aming panig maging sa tropa ng pamahalaan pero sadyang ang pangarap naming pagbabago sa bansa ay nananatili na lamang pangarap.
Masakit tanggapin na mawalan ka ng mga kaibigan dahil lamang sa walang kuwentang pakikipagbakbakan.
Ito rin ang dahilan kung bakit ako sumuko sa pamahalaan.
Nangangamba ako na lalo pang dumanak ang dugo dahil lamang sa hangaring pagbabago.
Para sa akin, wala sa gobyerno ang pagkakamali kundi nasa tao.
Sa ngayon, mas pinili ko pang mamuhay kapiling ang tatlo kong anak at aking misis na si Rowena, na dati kong kasama sa kilusan.
Masaya kaming namumuhay ngayon dito sa Makati at ilang taon na rin kaming naninirahan dito.
Matapos kaming sumuko noong 1986 ay kaagad kaming lumuwas ni Rowena dito sa Maynila para dito mamumuhay ng tahimik.
Comments