Si Boy

Si Boy

Malikot ang mga matang inikot ng isang nilalang ang kapaligiran. Tahimik ang paligid, tanging maririnig ay mga huni ng ibon na walang ginawa kundi magharutan. Dahan dahang humahakbang ang nilalang, kailangang walang makarinig kundi malamang di na secret ang gagawin nya. Sa wakas, may naaninag syang maliit na bahay. Nais sana nyang sa may kayang pamilya nya iwan ang kanyang dala, pero wala ng choice. Baka may makakita sa kanya. Dahan dahan syang lumapit sa pinto ng munting tahanan. Nilapag nya ang walang muwang nyang dala sa tapat ng pinto. Muling tumingin sa paligid, tahimik, nakaka tense. Kelangan nya ng iwan ang dala. Nakabalot ng mamahaling kumot, gumalaw ito. Naloko na!, nagising ata. Tarantang kinatok nya ang pinto ng munting tahanan sabay nagmamadaling umeskapo, alam nyang ilang sandali na lang ay bibirit na ang kanyang dala. Tama nga ang kanyang hinala, di naglaon, bumirit ito ng matinis na iyak, animo’y song bird na walang patid na ngumawa ang kanyang dala. Pumwesto sya sa di kalayuan, saktong kita nya ang pinto kung may magbubukas o aabutin ng pasko ang bata. Sumindi ang ilaw sa loob ng munting tahanan. “Ayos!” ligtas na ang bata. Dahan dahan humakbang paatras ang nilalang para lamang mapahinto at tumingin sa mga paa. Nakatapak sya ng tae!

Chapter 1

“Help!” sigaw ng babae habang nakatitig sa asong sa malas nya ay sya ang gustong gawing miryenda. “Wag ako, di pa ako naliligo, pangit lasa ko.” Pagmamakaawa nya sa hayop na animoy mawawalan ng gana pag sinabi nya yon. Lalo lamang parang ngumisi ang aso. Literal nyang nakita ang ngising aso nito. “Please God, send someone to help me, promise ill be a good girl” sa kawalang ng makakapitan, ang nananahimik na diyos ang kanyang tinawag. Papadilim na, sa malas ay walang talagang nagagawi sa pwesto nya. Paano ba naman, nasa likod sya ng basurahan. Buti na lamang nagkasya sya sa maliit na espasyo sa pagitang ng basurahan at pader.

“Oh paano apo?, mauna na ako at magpapahinga. Ikaw na ang bahala dyan at medyo masakit ang katawan ko eh.” Wika ni Lolo Rolando.

“Opo lo, tatapusin ko lang po itong hugasan.” Sagot ko.

Nagmamadali ko ng niligpit ang pinagkainan naming ni lolo. Kelangan kong matapos ito para makagawa ng assignment at hindi ako abutan ng Dong-Yi. Habang abala sa paghuhugas, naramdaman kong parang may kung anong kinakalikot ang pusa ni lolo. “Mirana!, anu na naman yan?. Basura yan ah?. Wala ka talagang manners!. Kakatapos mo lang kumain ah?.” Tinabig ko ang pusa ni lolo, minsan talaga gusto ko ng katayin ito at isahog sa hapunan. Sa pagmamahal ko kay lolo, di ko yun kayang gawin, at isa pa, ito na lang ang itinuturing kong kapatid dito. Sa asar ko sa malanding pusa, kahit di pa puno ang plastic na lalagyan ng basura, inimis ko na ito at lumabas para itapon sa di kalayuan. Madilim na sa labas, wala ng tao sa malubak na kalsada. Ganito talaga sa probinsya, maagang gumigising, maagang kumakain, at maagang natutulog para maagang gumising ulet, paulet ulet, sanay na ako sa ganitong kalakaran. Pasipol sipol pa ako habang tinatahak ang daan patungong tambak ng mga basura.

“Saklolo!”

“Huh?, nagulat ako ng may biglang nagsalita. Lumingon ako para tingnan kung sino ang hayop na gusto atang mang trip saken. Wala. “Mirana, isn’t you whos talking?”. Tatawa tawa kong tanong sa malanding pusa ni lolo. Tumingin lang sakin ang ungas, sabay lakad. Napailing na lang ako.

“May tao ba dyan?.” Muli kong narinig.

Nanigas akong bigla. Inatake ako ng takot sa katawan ko. Umandar na naman ang pagiging matatakutin ko. Gusto ko ng tumakbo, pero nanaig sa akin ang pagiging tsismoso. “Sino ka? Wag kang manakot at baka upakan kita!.” Takot ko sa kung sino man ang may balak na mangtrip saken.

“Hey!. Help me. Andito ako sa likod ng basurahan.!”. boses babae.

Sinundan ko ang pinanggalingan ng tinig. Sa basurahan nga. “May Aso!.”

“Hello!, kaya nga nagpapatulong di ba?”

“Aba’t mataray!. Ikaw na nga ang nakikiusap, ikaw pa ang suplada. Eh kung umuwi ako?, magsepilyo at matulog?. Anung mangyayari sayo?.

“Oh no. Magagawa mo yon? Di ka ba naaawa saken? Wala ka bang kunsensya?. Eh kung mapanaginipan mo ako?. Eh kung usigin ka ng budhi mo?. Anu na lang sasabihin ng asawa’t anak mo? Pinabayaan mo ang isang kawawa at mahinang babae na lapain ng aso?. How dare you!”

“Hep!, Hep!, anlayo naman ng narating mo?. Nagkaasawa at anak na agad ako?”

“sige na kasi”

“Makiusap ka muna, Please pogi, tulungan mo naman ako oh.” Natatawa kong asar.

“Asa ka!. Baket, pogi ka ba?.”

“Ah ganoon?. Mirana!, Lets go home and watch Dong-yi.”

Saglit na tumahimik ang babae. Napaisip ata.

“Oh paano. See you later. Hey Doggie!, be gentle huh?.”. dagdag ko pa.

“Please tulungan mo ako.”

“Parang kulang?”

“Please pogi, tulungan mo ako.!.”

Comments

Scroll To Top