Si Wally
Hindi tumagal si Mr. Salandanan sa ginagawang iyon ng dalaga. Bigla siyang pumihit at saka kinubabawan ang dalaga. Ibinuka nito ang magkabilang legs ni Solly at saka itinutok sa puke niya ang matigas na tarugo ng lalaki.
Dahil kapwa sabik parang mga hayok na asong nagkantutan ang dalawa sa loob ng pribadong silid na iyon. Wala silang kamalay-malay sa pagdating doon ni Wally.
Isang malakas na tadyak sa pintuan ang nagpagulantang sa kanila. Gulat ang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan ng silid habang sila ay magkapating na nagkakayugan sa ibabaw ng kama.
Walang sabi-sabing pinagsisipa at pinagsusuntok ni Wally sa mukha at sikmura ang DOM. Halos wala na itong malay nang huminto sa pambubugbog ang binata. Galit na inutusan niyang magbihis si Solly at saka kinaladkad papalabas mula sa loob ng silid na iyon.
“Ibabalik kita sa isla sa ayaw mo at sa gusto!” galit na sigaw ni wally sa dalaga. Pababa na sila sa hagdan ng motel nang makawala mula sa pagkakakapit niya ang dalaga at pagkatapos ay buong lakas na tinadyakan siya nito sa titi.
Bagsak at nagpagulung-gulong sa hagdan si Wally na sinamantala naman ni Solly na mabilis na tumakbo papalayo mula sa lugar na iyon. HALOS tatlong taon na namalagi sa Amerika si Angela.
Pasaway kasi kaya itinapon siya doon ng kanyang Daddy para makaiwas sa mga kabarkada nito sa kolehiyo na pawang mga bad influence. Kung hindi siguro siya ipinadala doon ng kanyang mga magulang ay tiyak na kung hindi ito nabuntis ng maaga ay sa rehabilitation center siya dinampot dahil sa pagkagumon sa bawal na gamot.
Pagkababang-pagkababa nito mula sa eroplano ay ang opisina ng pinsan niyang si Glo ang agad nitong pinuntahan. Si Glo ang pinakamatinong pinsan ni Angela na isa sa pinagkatiwalaan ng kanyang ama na mamahala sa mga negosyo ng kanilang angkan.
At ngayong nakatapos na siya ng kursong business administration ay alam niyang isasalang na rin siya doon ng kanyang ama kaya siya pinauwi nito sa Pilipinas pagkatapos ng kanilang graduation.
“Mabuti naman at nakumbinsi ka ni Tito Fidel na umuwi para may makatulong naman ako sa pag-aasikaso dito sa ating kumpanya,” wika ni Glo na tuwang-tuwa nang makita ang kanyang pinsan.
“Nakuuu! Ano bang nakumbinsi? Pinuwersa kamo! Sa lahat pa naman ng inaayawan ko ay ang magkaroon ng responsibilidad. Hindi pa ako nagsasawa sa goodtime at nightlife at halos hindi pa ako nakakarekober mula sa matinding shocked na inabot ko sa halos limang taong pagbuno sa aking nakakabagot na kurso ay dito naman ako itatapon sa boring na building na ito,” sagot ni Angela na halatang naiirita.
Mula pagkabata ay kilala na ni Glo ang pinsan,tumataas ang temper nito lalo na’t tungkol sa kanyang buhay ang topic. “Sa lahat ng ayaw ko ay yung para ako’ng tuta na itinatali o ikinukulong… pumayag lang ako sa gusto ni Papa na tulungan ka sa pamamahala ng ating mga negosyo pero hindi nangangahulugan na payag na ako sa lahat ng nais niya.
Huwag na huwag niyang panghihimasukan ang mga trip ko sa buhay at tiyak na magkakagulo kami,” wika nito na nakangiti pa rin. Litaw na litaw ang kanyang mapuputing ngipin na binagayan ng makipot niyang labi na simpula ng kanyang makinis na pisngi.
May lahi kasing kastila kaya’t mamula-mula ang kutis nilang magpinsan. Parehong artistahin ang hitsura kaya’t hindi kataka-taka na nagkakandarapa sa kanila ang mga manliligaw na na pawang anak ng mga may sinasabi at kilala sa lipunan.
Pero kakaiba talaga si Angela…kung si Glo ay isang guwapong arkitekto na anak ng may-ari ng dalawang nalalaking building sa Makati ang boyfriend, ang type naman ng una ay simple lang at kahit hindi mayaman basta’t mahal niya at ipaglalaban siya.
“May pera naman tayo, eh… kaya hindi kasama sa kuwalipikasyon ko ang tungkol dun. Kung gusto ni Papa na patulan ko ang mga manok niya na nanliligaw sa akin noon eh di siya na lang kaya ang magpakasal sa mga unggoy na ‘yun!”
Biglang napatayo mula sa kanyang kinauupuang swivel chair si Glo. Dinampot ang kanyang handbag at saka niyaya ang pinsan papalabas mula sa kanyang opisina. “T-teka… saan tayo pupunta?” nalilitong tanong ni Angela sa pinsan na halos kaladkarin na siya papapalabas ng silid.
“Dadalhin kita sa isang lugar na malamig. Doon sa mare-refresh ka para maging super cool ang iyong pakiramdam. Para naman masunog ang init mo sa katawan… hindi mo ba napapansin na pati utak mo ay pasmado na dahil umaakyat na sa ulo ang init ng kumukulo mong dugo… hanggang ngayon ay kontrapelo pa rin kayo ni Tito Fidel.
Kilala rin naman kasi niya si Glo, kahit suplada at masungit ito sa ibang tao lalo na sa mga empleyado nilang tamad at matitigas ang ulo ay super lambing at napakabait nito pagdating sa kanya.
Comments