Townhouse Part 1

Townhouse Part 1.

Ang kwentong inyong matutunghayan ay hango sa isang tunay na pangyayari. Sadyang pinalitan ng may akda (Erotica) ang mga pangalan ng mga taong sangkot sa istorya upang maproteksyunan ang kanilang mga personal na buhay. Anunmang pagkakahalintulad sa mga pangalan nila sa mga taong nasa kasalukuyan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Ito ang karugtong na bahagi ng aking obra na “Hotel” na inilathala din sa PT website. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa walang sawang pagsubaybay ninyo sa aking talambuhay. Sana ay muli ninyong magustuhan at kagiliwan, maging kapulutan ng aral ang aking kwento ng buhay.

Mga Pangunahing Karakter:

Bogart – 31 taong gulang, lisensyadong arkitekto, may taas na limang talampakan at walong pulgada, maputi at katamtamang pangangatawan.

Angel – 29 taong gulang, maybahay ni Bogart, nurse, may taas na lima at kalahating talampakan, kahawig ni Angel Locsin.

Katherine – 24 taong gulang, nakababatang kapatid ni Angel, isa ring nurse at may taas na limang talampakan at pitong pulgada, kahawig ni Julia Montes.

Carina – 24 taong gulay, matalik na kaibigan ni Katherine, ka-klase din at ngayon ay kasamahan sa pinapasukang ospital. Kahawig ni Maricar Reyes, maputi at makinis ang katawan.

Regina – 19 taong gulang, estudyante ng nursing sa isang tanyag na unibersidad sa Maynila, maputi, mahaba ang biyas at medyo matangkad, nangungupahan sa unit ng mag-asawa.

Vanessa – 20 taong gulang, estudyante ng nursing at kaklase ni Regina, mas maliit kaysa kay Regina, maputi, medyo kulot ang buhok. Kasama ni Regina sa unit na pinauupahan.

Part 1 Reflections

Oktubre noong nakaraan taon (2012) ay maituturing kong isang pagsasara ng isang kapitulo ng aking buhay. Angkop ang mga bawat pangyayari kaya ko ito naisip at sa kabilang banda ay dinamdam din. Ito ang kadalasang pagsasara ng semestre sa mga unibersidad, uwian ng mga estudyanteng taga-probinsya, kasali na dito ang aking mga magagandang boarders na sina Regina at Vanessa.

Kung ating babalikan ang mga huling yugto ng aming engkwentro ni Regina, muling kaming nabitin sa sana’y “all the way” na, sa kadahilanang kailangan kong mamili sa itinakdang pagkakataon sa dalaga o sa aking asawa.

Kasabay din nito ang pagtatapos ng aming proyekto sa Tagaytay kung saan naging makasaysayan din para sa aming mag-asawa. Doon sa akin ibinigay ni Angel ang permiso para “legal” kong matikman ang kaibigan ng aking hipag na si Carina. Meron din guilt siyempre sapagka’t mula pa noong kami’y manirahan dito sa aming condo ay kasabay nito ang lihim naming pagtatalik ni Carina. Pinili ko at ni Carina na ibaon na lamang sa limot ang bawal naming pagsasama dati ngayong kami ay malaya nang magkantutan kahit kasabay pa mismo ang aking asawa.

Ganunpaman, sa paglipas ng aking aklat ng buhay, hindi naman ako perpekto, hindi naman laging kay Bogart ang lahat. Sabi nga ng isang kanta, ang buhay ay parang gulong – minsan tayo ay nasa ibabaw, minsan sa ilalim. Kasabay din ng mga pangyayari, nagdesisyon na din si Katherine na bumalik na sa kanilang bahay (kila byenan). Hindi ko na inalam pa o tinanong man lang kung ano ang kanyang dahilan subalit sa aking tingin ay dahil ito sa kanyang manliligaw. Siguro ay naaasiwa din siya kahit paano kapag naroon sila ng kanyang manliligaw sa aming condo. Tama nga naman, kahit siguro kung ako ang babae, katabi ko sa sofa ang aking manliligaw pero nakamasid ang aking bayaw na naka-donselya at regular akong kinakantot at nasasarapan ay talaga namang nakaka-asiwa iyon. Nirespeto ko ang desisyon ni hipag, nabanggit din naman sa akin ni Angel na kanyang ate na gusto na daw magseryoso ng kanyang kapatid para sa ibang lalaki. Alam naman nating hindi maaaring panghabang-buhay ang aming “relasyon”, hindi pwedeng maging katanggap-tanggap sa mata ng tao lalo sa poong Maykapal.

Nakasanayan ko nang mag leave sa aming kumpanya tuwing makakatapos ng isang proyekto. Lagi naman itong pinauunlakan ng aming boss sapagka’t kahit paano’y napapagod din naman ako. Hindi naman ito matagal, isa o dalawang linggo lamang – sapat upang makapag-“refresh” ako ng isipan, bumawi ng lakas na naubos, mag-ayos ng mga gusot, at kung ano-ano pang dapat ayusin.

Sa aking bakasyon, hindi ko naiwasang muling ibalik ang aking alaala. Hindi lamang ang mga magagandang pangyayari. Naroon din ang mga masamang panaginip na hindi malayong maganap sa hinaharap. Isa na dito ang katagang binitiwan ng aking asawa dati isang araw matapos kong maibahagi sa kanya ang aking buhay sa Baguio, kasama ng aking dating matalik na kaibigang si Estong.

“babe I want something else”

Ito ang muling namutawi sa aking mapaglarong isipan. Kung tutuusin ay dapat ko pa itong ikatuwa, dahil sa hindi nawawalan ng alternatibo ang aking asawa, tuloy-tuloy at hindi boring ang aming pagsasama ika nga. Pero sa kabilang banda ay dapat ko yata itong ikatakot. Kung aking hahayaan ay maaaring magisa ako sa aking sariling mantika.

Mabait si Angel. Wala na akong mahihiling pa sa kanyang mga ginawa sa aking buhay. Kung ating babalikan ay siya ang sumagip sa aking pusong nadurog. Siya ang nagmulat kay hipag sa mundo ng six, siya din ang nagpahintulot sa pagniniig namin ni Carina. Ngunit kung aking babaligtarin, paano na kung siya na ang humiling sa akin?

Comments

Scroll To Top