Townhouse Part 6
“aba ang suplado ng aking kuya Bogs…hmmm…” wika niya.
Lumapit si Katherine sa aking kinaroroonan. Siya ay tumabi sa akin at ako’y kanyang nilambing. Napapikit na lang ako nang sumayad ang kanyang kaliwang suso sa aking braso. Ilang linggo na din o buwan na yata ang lumipas nang siya ay aking huling natikman. Parang napakatagal nang panahong ang lumipas mula ng aking mahagkan ang mga malalambot at malusog niyang suso.
“buti napadalaw ka dito kuya? kumusta kana?” tanong ni hipag at napansin kong idiniin pa niya ang kanyang suso sa aking braso.
“ok naman ako, mukhang masaya ang baby sister ko ah?” masayang bati ko naman.
“ok ba siya kuya? uhm si Mulong? mabait siya, saka yung mga kapatid nya mabait din sa akin” paliwanag pa ng dalaga.
Aba at naipakilala na agad sa pamilya? tanong ko sa aking sarili. Tanging paghikbi na lamang ang akin naging reaksyon sa mga sinabi ni Katherine at ang mga sumunod pang mga salita niya ay tila hindi ko na narinig hanggang sa muling dumating ang mokong galing sa palikuran.
“kuya san kayo nagwo-work?” tanong ni Mulong.
“ha? dyan lang sa Ortigas” suplado kong sagot.
Sa loob-loob ko’y magaling din naman itong dumiskarte, in fairness. Hindi lang kasi si Katherine ang kanyang nililigawan, kundi pati kaming immediate family niya.
“magaling daw kayong arkitekto sabi ni Kat, lagi ka niya kinukwento sa akin e” pahabol pa ni Mulong.
Hindi ko na natiis at komo siya na din ang nag-bukas ng daan upang magkaroon kami ng usapan ay pinatulan ko na din. Paraan ko ito upang lalong masiyasat kung sino at anong klaseng pagkatao meron ang manliligaw ni hipag.
“san na kayo nagkakilala ni Katherine?” tanong ko sa kanya.
“a sa internet po, sa facebook. may common friends po kasi kami” sagot niya.
Naisip ko, sa internet din kami nagkakilala ni Angel, wala pa nga kaming common friends e, at naging fruitful naman ang aming relasyon. Pero depende pa din ito, depende sa ugali ng bawat tao.
“binata ka ba? baka lolokohin mo lang itong hipag ko ha?” may halong pananakot kong tanong.
Napangising aso lang si Mulong sa aking tanong. Obviously e tinatakot ko talaga ang mokong, pero malay ko ba kung single nga talaga siya o gagawin lamang niyang parausan ang aking hipag na maganda.
“naku kuya Bogs naman eh, wag mong takutin si Mulong hihi! teka nga at kukunin ko muna yung miryenda” sabat nitong si Kat.
Naiwan kaming dalawa ni Mulong sa sala, saglit na naging tahimik ang paligid at parang may nagdaan na anghel sa pagitan namin. Muli kong kinausap ang manliligaw ni hipag.
“seryoso ako Romulo, huwag na huwag mong subukang lokohin itong hipag ko. bunso namin yan dito” babala kong muli sa kanya.
“guys relax, Mulong don’t worry ganyan lang si kuya, minsan you should hang out together para maging close din kayo” masayang wika muli ni Kat dala-dala ang pagkain na inihanda ni byenan. Hindi ko alam kung makapal lang ang mukha ni Mulong or talagang seryoso siya kay hipag, o talagang hindi ako nakakatakot? Nagpatuloy sila sa kanilang kwentuhan, narinig ko pang parang may balak lumabas ang dalawa. Sinubukan kong umiksena upang hindi matuloy ang kanilang lakad. Kahit na hindi ako araw-araw nakabantay kay hipag e at least kahit isang pagkakataon lang ay maantala ko ang balak ni Mulong.
“Kat hindi ba’t may lakad kayo ng ate mo mamaya?” wika ko.
itutuloy…
What did you think of this story??
Comments